Ericka Vilongco as Ciarra Calayan
Megan's POV
Maganda at ang sexy nya. Agaw atensyon sya sa mga kalalakihan pati na rin sa mga babae. Well, anong masasabi ko e ang ganda nya talaga.
"Bitch." Narinig kong bulong ni Steph. What? Bitch? Mabait sya sa pagkakaalam ko.
"Huh?" Nalilito kong tanong.
"Ano kaba bakla! Akala ko ba bff mo yung ex nya? Diba nagbreak sila dahil pinagpalit nya ng taga new york? Tapos babalik sya ngayon dahil mag aaral ulit knowing na pangarap nya don mag aral, diba nakakapagduda? Baka nagdahilan lang sya para maghiwalay sila ni Kenneth at magjowa ulit ng bago." May point sya, pero diko pa rin aam kung bakit. Oo nga, pangarap nya mag aral don bakit nandito sya? Omg theres a side of me na gusto malaman yon so ewan ko kung bakit.
"Mga bakla mauuna nako ah? May kailangan lang akong puntahan." Nagbeso ako sa kanila, nilabas ko yung phone ko para tawagan si Kenot.
"Bye bakla, see you tom!" Sigaw nya pa, nag "ba-bye" sign lang ako at lumabas na. After ng pangatlong ring sinagot na ni Kenot yung tawag.
"Miss moko agad?" Bungad agad ng tukmol na to. Sanay nako sa ganyan nya so hindi ko nalang binibigyan ng meaning, ganon naman magtotropa lakas magbiruan.
"In your dreams. San ka?" Umirap pako kahit di nya nakikita. Naglalakad nako palabas ng school.
"Sa puso mo." Diko alam kung matutuwa bako sa sinasabi neto o sisigawan ko sya. Tarantado talaga. Mayamaya may biglang umakbay sakin mula sa likod, pag lingon ko ayon ang mokong nakatawa.
"Kinikilig ka nanaman dyan." Hinampas ko yung braso nya, yung sobrang lakas.
"Aray naman Meg! Ang sadista mo na ha!" Reklamo nya habang hinihimas yung braso nya.
"Lika na, may pag uusapan tayo. Coffee shop tayo. Libre mo." Hinawakan ko yung wrist nya at hinila sya palabas ng school. Jusko yung mga babae na yan sanay na sanay nako sa tingin nila kulang nalang dukutin ko mata nila.
Siya umorder ng kakainin namin, bakit ba! Ako ang boss. Hahahaha! Kung sa araw araw kaming magkasama siguro makakaipon nako sa baon ko dahil sa libre nya. Hahahahaha! Bait talaga ng mokong na to.
"Ano bang kailangan mo at agad agad yang pagyayaya mo sakin?" He asked while eating his cupcake. Takaw neto, gutom ata.
"It's about Ciarra." Panimula ko. Natigil siya sa pagkain at tinignan ako.
"What about her?" Interesadong tanong nya. Kumain muna ako at uminom ng kape. Shemay nakalimutan kong mainit pala to, muntikan ng mapaso dila ko.
"Diba pangarap nyang mag aral sa New York? Bakit sya lumipat dito?" Sunod sunod na sabi ko. He just shrug and continued eating his cupcake. Akala ko hindi nya ako sasagutin pero bumwelo lang pala sya.
"Nagkaproblema daw, break na din sila nung lalaking pinalit nya sakin." May sadness sa pagsasalita nya pero nagawa nya pa rin ngumiti, yung natural na sya.
"Oh kung ganon naman pala, pwede na ulit maging kayo?" I dont know pero yan yung lumabas sa bibig ko. Stupid Meg!
"I don't think so. Let's not talk about that." Walang gana nyang sagot. Mahal nya pa kaya nagkakaganyan sya.
"S-sorry." Napayuko ako at ininom yung kape ko. Narinig kong biglang umurong yung kinauupuan nya, pag angat ko ng ulo nakatayo na sya, ginulo nya yung buhok ko at ngumiti.
"Ano ba ken!" Inis na sabi ko habang nakasalubong ang kilay ko.
"I have to go. I have manyyyy things to do. Bawi ako sayo! Ingat pag uwi Meg." Kinindatan nya pako bago umalis. Loko talaga yon. Tinuloy ko nalang pagkain ko ng cupcake ko. Nunga natapos nakong kumain palabas na sana ako ng may nag text.
*new message*
"Ingat bakeks! ;)" -Ken
Kung kasama ko lang to nasapak ko to ng napakalakas. Lakas mang asar e. -_-
To: Ken ken
"Yes I will, tukmol!
*message sent*
Binalik ko yung phone sa bag ko, pag tingin ko sa left side ko nandon si Mico, nag hihintay ata ng masasakyan. Oo nga pala galit sya sakin. Namiss ko rin kasungitan neto.
Pumunta ako sa kanya, paglingon nya sakin inirapan nya lang ako. As usual. Nginitian ko naman sya. Hehe"San kotse mo?" Panimula ko. Pero hindi nyako pinapansin. Taray.
"Sungit mo naman James!" Tinignan nya ko. Iba na yung aura nya, yung katulad na ng dati nung una kaming nagkita. Nakakatakot.
"Stop calling me James." Naglakad na sya palayo. So ako si makulit hinabol sya. Hinawakan ko pa yung wrist nya. Napatigil naman sya at tinignan yung pagkakahawak ko sa kanya. Baket? Sya nga hinahawakan yung kamay ko hindi ako nagrereklamo. Arte neto.
"Din't touch me!" Kumalas nako ng hawak.
"Wow! May don't touch me, don't touch me ka pang nalalaman. Nung hinawakan mo ba yung kamay ko sinabi ko sayong don't touch me? Ang arte mo boy! Ginto ka ba? Germs ba ako at bawal kang madumihan? Edi ikaw na anak mayaman! Wooooh hangin!" Nag act pako sa lagay na yan. Medyo malakas na rin yung boses ko kaya yung ibang studyante nagtitinginan na. Nilapita nya ako, yung mukha nya galitna galit na pero ang gwapo nya pa rin. Bakit ganon?
"Ang ingay mong babae ka!" Dinuronya pa yung noo ko at tumalikod na. Kinuha ko yung notes ko sa bag at binato sa kanya, natamaan sya sa ulo. Ohmy! Masakit ata yun. Tumingin naman sya ulit sakin at dinampot yung binato ko sa kanya.
"Ano ba k-kasing p-problema mo?" Mautal utal na tanong ko. Huhu nakakatakot sya. Huhu ayan na papalapit na ulit sya sakin.
"Ayos ka rin no? You're acting like there's nothing happened. Pagkatapos mokong kagatin na hanggang ngayon ay masakit wala man lang akong narinig mula sayo. And I guess you and Kenneth are okay so why should I bother? Im just your rebound when you two are arguing." Inis at galit na sabi nya. Natahimik naman ako sa sinabi nya.
"Eh kasi n-naman I was f-finding you but.. ." Hindi ko na natuloy ang sasabihin kong bigla nyang tinapal sa may dibdib ko yung notes ko, nasalo ko naman agad ito at hindi na nahulog.
"Save it. I don't need your explanation." Walang gana nyang sabi at umalis na. Tulad ng dati, ganon ganon nalang ang nangyari. May choice pa ba ako? Wala. Binalik ko yung notes ko sa bag ko at naglakad na pauwi. Hayy buhay!
"Beks! San gora?" Kita mo nga naman. Andito si Paula at Steph. Mukahang pauwi na rin sila.
"Pauwi na." Walang gana kong sambit.
"Anyare? Bat ganyan mukha mo?" Ewan ko pero habang naglalakad kami kinuwento ko sa kanila simula umpisa hanggang dulo.
"Ay nako beks! Nagseselos na yang kay fafa ken. Hihi" malanding komento ni Paula habang kinikilig kilig pa.
"And diba lagi silang magkalaban at magkaagaw pagdating sa basketball, sa academics at sa babaeng mahal nila. Ayiiiiii" asar naman ni Steph na hinampas pa braso ko. Seriously? Tama bang kinuwento ko sa kanila? Imbis na bigyan nila ako ng magandang idea inaasar lang nila ako. Juskooooo!
Paliko na sana sila sa susunod na kanto ng biglang nagsalit pa yung dalawa.
"Ay beks! Baka inlove kana rin kaya ka nagkaka ganyan. Hihi! Sabi ni bading na abot hanggang tenga ang ngiti.
"Truuuuu!" Pagsang anyon ni steph at tuluyan ng umalis.
Pagkarating ko sa bahay as usual si Kiel nag lalaro. Dumaretso nako sa kwarto at naglinis ng katawan. Hindi mawala sa isip ko si Mico, namimiss ko sya. Gusto ko syang kasama. Huhuhu ano bang sinasabi ko ang ew lang talaga, ew.
~~~~
Keep reading! xoxo

BINABASA MO ANG
Battle for Love
RomancePano kung mahanap mo na yung hinahanap mo, yung taong tanggap ka kung sino ka at mamahalin ka maging sino ka man? At pano kung dalawa sila? Dalawa silang handang gawin ang lahat makuha ka lang? Sinong pipiliin mo at susuklian ang pagmamahal na bini...