PILOT by Emmjhay (Short Story)

88 4 2
                                    

PILOT

-Emmjhay-

Sa iba ang PILOT ay isa lamang simpleng ballpen na angat sa iba dahil mas mahal ng konti. Mahal na ba yun? Wala pa ngang 1 million pesos ang price nun. Hmm.. Hindi talaga sapat ang salitang mahal kasi….

PRICELESS sya….

Way back on may highschool days…

My name is Ethan Gonzales first year high school pa lang ako when I met this girl and she is MINE ;)

Hey Im not assuming because her name is really MINE. She is Mine Garcia.

I accidentally met her.. oww let me scratch the word accidentally because I do not believe that it’s accident. I know it’s a gay thing but it’s….

DESTINY….

That day napagdesisyunan kong magcutting, Reason? DOTA!

Dumaan ako sa backyard para mag over the bakod. Hehe mahigpit yung guard sa main gate siguradong wala akong lusot doon. I was about to jump on the other side para tuluyan ng makaalis when….

“Hey, What the hell you’re doing?!”-sya

I was shocked nung margining ko ang tinig ng isang babae…

“Shhh. Wag kang maingay.”-ako

Pero mas nagulat ako noong ilabas nya ang cellphone nya at…

CLICK!!!

“Yan may ebidensya na ko. Yari ka. Tsk tsk”-sya

Ays bad girl. Kinuhanan nya ko ng picture habang tumatakas. Bababa na ko para sitahin sya dahil patuloy pa rin sya sa pagkuha ng picture. Akmang tatalon akong pababa noong maramdaman kong may something na pumulupot sa paa ko dahilan para maout of balance ako. I heard her shout at aktong lumapit para saluhin ako. Is she crazy ang bigat ko kaya? Or baka nadala lang ng adrenaline rush nya. Then the next thing I knew is…

I’m on the top of her and our….

Lips is accidentally met… Or should I say destined to met..

I saw her eyes blinking so many times.

And the realization came….

Oh yes finally…

I’m Inlove.

Napilitan akong maglinis ng CR for 1 week dahil nakarating sa guidance ang ginawa ko. Napagalaman ko rin na new elected SSG officer sya at nagpapatron sa school para icheck ang mga estudyanteng matitigas ang ulo na tulad ko. Hehe ako na talaga ang good example ng mga bad students.

I really tried my best to win her heart mula first year hanggang 4th year… I always at her side hoping that someday she will feel the same way too. No one dares to court her dahil ako ang makakalaban nila. Everybody in the campus knows my feelings I was so expressive and patient when it comes to her.

Nakakapagod na nga I want to give up but what is more more years of waiting if the replacement is her.

“Okay class I have a surprise quiz.”-teacher namin

At syempre anjan ang mga classmate ko na todo makareact parang di na masanay sanay.

Nilabas ko na ang papel at ang extra ballpen sa table ko.

“Uy may ballpen ka pa?”-si Mine nagtatanong sya sa mga katabi nya pero wala silang maibigay.

Automatic naman na napalingon sya saken.

“Ethan?”-Mine

“Yes, babe?”-ako

“Pahiram naman ng PILOT mo?” sabay nguso sa pilot na nasa desk ko.

“Sure, malakas ka saken eh.”-ako

I saw her smile…

“In one condition?”-ako

“Huh, okay fine! Bilisan mo magsisimula na yung test! Ano ba yang kundisyon na yan?”-Mine

“Marry me.” ^_^

“What!?”-sya pero pabulong lang na halatang gulat.

“Will you marry me?” sabay abot sa kanya ng PILOT na ballpen ko.

Yes.” Sagot nya sabay hablot ng ballpen sa kamay ko.

Akalain mong hindi pala talaga nakatadhana na maging girlfriend ko sya kasi….

fiancé ko na sya agad ^__^

Napag-alaman ko rin na matagal na rin pala nya kong gusto kaya lang pinipigilan nya kasi may usapan sila ng Mommy nya na no boyfriend muna dahil bata pa sya. Well bawal magboyfiend pero di naman sinabi ng mommy nya na bawal ang fiancé.

By the way that was 8 years ago….

“You may now kiss the bride.”

Naputol ang pagrereminisce ko sa sinabing yun ni father.

I sealed her with a kiss that full of promises.

At syempre ang give away sa kasal namin ay…..

PILOT! ^_^

PILOT by Emmjhay (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon