=O.One=

62 3 0
                                    

“Uyyyy best!!!! Parating na si Terrence oh! Ang gwapo talaga. ” sabi ng bestfriend kong si Ashley habang nakangiti.

“Talaga? Saan?” naku!! Kanina ko pa sya hinihintay ah, first day of school kaya! Tapos itong si bestfriend lang pala ang unang makakakita. Hmmph! >.<

“Yun oh! Yun!” turo niya sa labas.

“Ha? Wala naman ah. Pinagloloko mo lang naman ako friend eh.” Sabi ko habang nakapout.

“Ano ka ba naman best?! Bulag ka ba? Ayun nga kasi oh! Ayuuuuuuuuun!” grabe naman toh kung makaturo. Kailangan pa talagang ilabas yung kamay sa bintana?

OO. (saan ba…)

.OO (wala naman eh)

O.O (siya nga ba yun?)

^_______________________________________________ ^

Ang OA naman yata ng ngiti ko. Paano namang hindi, eh nakita ko na ang love of my life ko!

Hayyy…. Ang gwapo talaga.

O_______________________________________________O

Yan ang mukhang nagulat. Obvious naman diba?

Eeeehhh!! He Looked Me In The Eyes!

Hindi ko kasi namalayang kanina pa pala ako nakatitig sa kanya. Kaya ayun napatingin sya sa akin.

Nakuuu! Nakakahiya!

Naglook-away naman din ako kaagad.

Pumasok sya at umupo sa may bandang likod, hindi naman kalayuan sa inuupan ko. Dapat lang noh para mas madali ko lang syang matitigan. ^_^

Hayyy.. hindi ko talaga makalimutan yung nangyari kanina. Yung mga mata niya, nakatagpo yung mga mata ko! Ahhhhh!!! Kinikilig talaga ako!

“Best!!! Kanina ka pa nakatulala dyan ah! Si Terrence na naman ba yan?” panira moment naman to oh.

“Sino pa nga ba?” syempre, obvious na kaya.

“Ewan. Uhmmm.. si Daniel Padilla?” hayyy.. ayan na naman sya sa Daniel na yan. -_-

“Ha-ha.” Sarcastic kong sagot.

When You Look Me In The EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon