=TwO.O=

41 1 0
                                    

(After 4 months)

After 4 months na pagtitig sa malayo, na nangangarap na mapansin ako ni love of my life, na nabuhay sa paniniwalang kailanman ay hindi nya ako mapapansin, lahat yan nagbago, noong birthday ko.

*kokak!*

Ha? Ang ingay naman! Natutulog pa yung tao eh!

*kokak!*

*kokak!*

Ha? May nakapasok bang palaka sa kwarto kong kulay violet?

*kokak!*

Ay. Hehe. Ringtone ko lang pala. Kinuha ko yung phone ko sa ilalim ng kama ko.

Oo. You read it right. Sa ilalim ng kama ko. Dyan talaga kasi dapat para malayo sa radiation ng phone.

1 new message

Ha? Sino ba naman to? Ang aga naman nitong magtext. Six am pa lang kaya. Inopen ko.

Happy Birthday! ^_^

Uy! First greeting ito ah. Pero unknown number eh. Mareplyan nga.

Thank you!

Sino ka ba?

After 5 minutes of waiting, hindi sya nagreply. Oh well, bahala sya. Atleast, nag-greet naman.

Bumangon na ako, hindi na ako makabalik sa pagtulog eh. Kainis kasi yung unknown no. na yon. >.<

 ------

Maaga akong nakarating sa school. Maaga rin kasi akong nagising dahil dun sa.. (alam nyo na yon). Pagdating ko sa room, walang katao-tao.

Pagpasok ko…

O_O

Napahinto ako. Nakita ko si Terrence. Tiningnan nya ako… habang nakangiti.

Ha? Bakit sya lang ang nandito?

“Nakuu.. Wag mo naman akong tingnan ng ganyan. Baka matunaw ako.” sabi ko.

Tumawa sya.

Ha? Narinig nya? Eh, sa sarili ko lang yon sinabi ah. Kakahiya naman. :3

Kinuha nya yung phone nya.

“Pwede na kayong pumasok. Nandito na sya.” Sabi nya sa kausap nya sa phone.

At ayun, pumasok yung iba pa naming mga kaklase. Ang nakakagulat pa ay lahat sila may dalang balloons na kulay violet. My favorite color.

Tapos lumapit si bestfriend sa akin habang may hawak-hawak na cake na… violet! Haha!

“uhmm.. Happy Birthday Allison” sabi ni love of my life. Napangiti ako.

“Thank you” kinikilig ako. :3

“May mga gusto sana akong ipagtapat sayo.” Sabi nya. Tiningnan ko si bestfriend. At nakangiti lang ang loka.

“A-a-ah-ano yon?” naguguluhan yata ako.

“Unang-una, ako yung nagtext sayo kaninang 6 am.” With matching smile pa nyang sinabi. Naku! Sya pala yun? Kinikilig na naman ako. Nginitian ko lang sya.

“Uhmmm… ano ba naman toh, kinakabahan ako. Ahh.. Aly, alam kong matagal na tayong magkaklase pero ngayon lang kasi ako nagkaroon ng lakas ng loob na magtapat sayo. Bilang birthday gift na rin to at dahil malapit na rin tayong gagraduate, sasabihin ko na.” paliwanag nya.

Naku, bakit pati ako kinakabahan na rin? Hindi ko alam tong nararamdaman ko ngayon kinikilig na naiiyak? Ewan ko.

“Aly gusto kita. Ang malala pa ay mahal na kita.”

At yun. Yan na yung inaasahan ko. Bumagsak na lahat ng pinipigil kong mga luha.

“Rence. Ma-ma-mahal din kita. Huhuhuhu.” Humahagulhol na ako. Nakakahiya! Buti na lang niyakap ako ni love of my life.

“Happy Birthday to you!…” nagkantahan silang lahat pati na rin si Terrence na dinig na dinig ko sa aking tenga.

“This is my best birthday gift ever.” Sabi ko sa kanya.

“I know.” Sagot niya.

When You Look Me In The EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon