Nagseselos ako! Di lang halata

1.2K 39 30
                                    

Ngayon ko lang po narealize… talagang one-shots lang gusto kong gawin. Hahaha. Trip ko lang po yung Better than a Sweet Revenge pero tatapusin ko po iyon. Ewan ko lang po kung kelan ko yun matatapos. Hehe

This is my fifth one-shot! Yeaaaah! Hahaha.

Dedicated po sa isa sa mga idols ko! Kay ate Angela Marie!! :D

Sana po magustuhan niyo!

***

“Lenard! Ang gwapo nung kalaro ni kuya oh!” pangungulit ko kay Lenard. Kapit-bahay -slash- classmate ni kuya. Dalawang taon lang ang tanda niya sakin.

Nandito kami ngayon sa may court malapit sa bahay namin. Pinapanood namin ni Lenard si kuya habang naglalaro sila ng basketball. Na-sprain kasi yung kamay ni Lenard kaya hindi siya nakakapaglaro. Hahahaha! Wawa naman siya.

“Pssh. Gwapo pa ako dyan eh.”

“Hehehe! Di kaya! Ang pangit mo kaya! Bleh!” sabay takbo. Hinabol naman ako ni Lenard. Magkababata kaming tatlo nina kuya. Pero hindi lang isang kababata ang turing ko sa kanya. Dahil lihim ko na siyang minamahal.

Ako si Kyla Carisse del Pilar. KC  nalang for short! (^_____^)v

Masayahin akong bata! Hahaha! Halata naman siguro. 4th year high school na ako kahit di halata dahil may pagka-isip bata ako. Wala sina mama dito dahil nasa States sila. Kaming dalawa nalang ni kuya ang nakatira dito sa bahay namin sa Pilipinas kasama si Mamang. Kasambahay namin. :))

“Hoy Carisse! Kuha mo nga akong tubig!”

“Ayoko nga! May paa ka naman eh! at wala ka sa bahay niyo!”

“Tss.. ako na nga lang.”

Pumunta siya sa kusina na kumuha ng tubig.

Feeling at home talaga ang lalaking yan. 6 years old palang ako ay kakilala ko na ang kumag na yan. Ang tamad tamad at napaburara sa mga gamit. Hindi ko rin alam kung bakit nagustuhan ko siya eh. actually, mahal ko na siya. Why? Don’t know. I just felt it.

‘True Love can never be defined.’

“Carisse gisingin mo nalang ako pag nandito na kuya mo ha.”

“OK po boss!” I chuckled.

After 5 minutes… patay na este tulog na.

Lumapit ako sa kanya. Nasa sofa kasi siya.

Pinatong ko ang ulo ko sa natitirang space sa sofa. Tinitigan ko ang kanya mukha.

Napakagwapo mo… hirap mong abutin.

Haaaay sana mag stop ang moment na ‘to. Sana ganito nalang palagi. Sanay naman ako na tinititigan ka lang eh. alam mo ba sa lahat ng babaeng pinakilala mo samin ni kuya na girlfriend mo ay…nagseselos ako? Inaalaksa lang kita para hindi mo ma halata.

Dahil ayokong malahata mo na hulog na hulog na ako sayo.

Alam mo ba sa t’wing na-lilink ka sa ibang babae ay nasasaktan ako? Pero hindi ko pinapahalata.

Kasi lalayuan mo ako.

Alam mo ba kung bakit nilalayo ko ang mata ko kapag tinititigan mo ako?

Kasi mas lalong matutunaw ang puso ko sa pagmamahal sayo.

Alam mo ba na mahal na kita?

Malamang hindi… kasi hindi ko pinapahalata.

Alam mo bang Pwede na kitang halayin ngayon?

Joke lang. hehehe. Ang serious ko na kasi eh. di lang sanay. :P

Nagseselos ako! Di lang halataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon