CHAPTER 2
Jessie's POV
Lumapit sya sa akin. Hinawakan nya ang dalawang kamay ko at tumitig sa mga mata ko. Tinitigan ko din sya. Hindi ko matago ang sayang nararamdaman ko ngayon. Nakikita ko din sa mga mata nya na masaya rin sya.
Ngumiti sya. Yung ngiting sobrang nagpaibig sakin. Yung ngiting pagnakita mo maadik ka at hahanap hanapin mo.
*dug dug dug*
Yung heart beat ko lumalakas! "Jessie..."
Lalo pang lumakas matapos kong marinig ang boses nya.
Kinikilig talaga ako.. >/////< hanuhbayan!
"Can you be my girl?"
Oh my! Is this for real? Seriously! Is he asking me to be his girl? Kyahhhh!!! sumisigaw na ang isip ko!! Hindi ko alam kung nasan kami ngayon. Hindi ko madescribe ang paligid ko dahil sya lang ang nakikita ko. Hindi ko maialis yung mata ko sa kanya.
Lalong lumaki ang ngiti nya. Pati yung mga mata nya nakangiti din. Napangiti din ako.
*dug dug dug*
Yung puso ko gusto ng kumawala.. Hey hearty! stay calm.. stay calm!
Para akong ewan na pinapagalitan ang puso ko..
'ayoko nga pake mo' aba! ayos 'tong puso na to aa sumasagot pa..
Hinigpitan nya yung hawak sa kamay ko na tila ba naghihintay ng sagot ko.
*sighed*
Sasabihin ko na..
"Ye--" I was about to say yes but..
POINKK !!
Wat the!! Napahawak ako sa ulo ko.. Ouchh!!
Minulat ko ang mga mata ko..
Dream?? Panaginip?? NOOOOO!!!
Si Jervin!! Panaginip lang ang lahat??!!
"MS.SAMSON!!"
Napatakip ako ng tenga. Unti unti kong tinaas ang tingin ko..
PATAY! Nasa harapan ko ngayon ang literal na halimaw..
O_____O
Gulp!
Npatingin ako hanggang sa mukha nya.. Umuusok ung ilong nya sa galit..
"hehehe hello po" tinaas ko yung kanan kong kamay yung parang nanunumpa.
"Anu gising ka na huh? Baka kulang pa yung binato kong eraser para magising ka" mahina nyang sabi pero halatang nagppipigil ng galit.
Gulp!
"HOW MANY TIMES DO I HAVE TO TELL YOU NA BAWAL MATULOG SA KLASE KO?" sigaw nya na halos lumabas na yung ugat nya sa leeg.
Kyahhhh!!! Ayan na ! Monster mode na sya!!
Pinagdikit ko yung palad ko na para bang nagdadasal. " sorry po Sir.. "
"hahaha" tawa ng mga kaklase ko. Sige tawa pa. Pasimple kong tiningnan si Luchi at Jeanie.
Yung loka lokang si Luchi ayun nag pipigil ng tawa.. Sinamaan ko ng tingin..
^_^v .. 'peace' she mouthed.
Si Jeanie halata sa mata nya na naaawa sya sakin. Ilang beses na ba akong pinagalitan nito hindi ko na mabilang.
Binalik ko yung tingin ko sa prof ko. Huminga sya ng malalim na para bang pinapakalma ang sarili. " This is the last time or else drop my subject." nakacross arm nyang sabi.