CHAPTER 3
"Haaaayyy" I sigh
"Bakit ganun? Kahit ganun sya gusto ko pa din sya."
Nandito ako sa garden at kausap ko ang mga tanim kong sunflower. Dinidiligan ko sila ngayon. Ganito ako kapag walang kausap. Feeling ko kasi naiintindihan nila ako. Gumagaan din ang loob ko sa tuwing ginagawa ko 'to. Ang gaganda kasi nila.
Maganda din naman ako ha... Bakit hindi nya ako mapansin? Naalala ko na naman ang nangyari kahapon.
*flashback*
"Can I have my ball now?"
Hindi ako nakasagot. Sa sobrang gulat ko napatitig lang ako sa kanya, as if Im memorizing every detail of his face.What a demigod! So handsome. >////<
Lumapit sya sakin and ohh! bakit lalo syang gumagwapo habang papalapit sya sakin? Parang nafreeze ang mga paa ko, no scratch that! nafreeze ang buong katawan ko at hindi makapagsalita.
*dug dug dug*
Ang lakas ng tibok ng puso ko. Sa sobrang lakas pwede na nya tong marinig.
Napatingin ako sa mga mata nya. It's blank, no emotion and cold. Hindi ko tuloy malaman kung galit sya o hindi. Nakatingin lang sya baba habang papalapit.
Nilahad nya yung kamay nya. Nagulat ako ng bahagya. Ehh? Is he asking me to be his girlfriend?
Uminit ang pisngi ko sa ideyang yon.. >/////< Im blushing I know.
Kanina lang panaginip 'to ngayon eto na? Baka panaginip na naman ito? Please ayoko munang magising.. Kahit hindi na sya magtanung, it's a big YESSS! agad agad!
Kumunot yung noo nya. Hala! naiinip na ba sya? Ngumiti ako. Lalong kumunot yung noo nya.. Ehh? bakit?
"Jer--" O____O
Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko. Bigla nya kasing hinablot yung bola na hawak ko. Bola? ay! ou nga pala jezzz.. Stupid! Hawak ko nga pala yug bola! Nakakahiya! Tapos naisip ko agad na yayayain nya akong maging... maging.. waaahhh! Stupid me! Eh ni hindi nya nga ako kilala eh.
Tumalikod na sya at humakbang palabas ng pinto. Pero bago pa sya makalabas may sumilip sa pinto.
" Ang tagal mo, akala ko extend ka pa eh" sabi ni Kevin I guess? Kaibigan ni Jervin. I'm not familiar with his name sa mukha lang. Hindi naman ako interesado sa kanya kay Jervin lang.
Napansin nya ata ako, napatingin kase sya sakin.
"Oh! hi miss!" masaya nyang bati sabay wink.
Hindi sya pinansin ni Jervin tuloy tuloy lang itong lumabas.
"Sige miss bye!" sumunod na din sya ka Jervin.
Ilang minuto pa ang lumipas bago nagsink-in sa utak ko na wala na sila.
"woahh!!!" sabay hawak sa dibdib ko. Para akong nasoffocate kanina at ngayon lang nakahinga.
Napahawak ako sa kaliwang dibdib ko.. Ang lakas pa din ng tibok.. Mag kakaheart attack na ata ako.
Naalala ko yung bola.. JD?
" yeah! so stupid talaga.. Jervin De Guzman of course! Bakit ba hindi ko agad naisip yun?".
*end of flashback*
*deep sighed*
Hanggang ngayon nararamdaman ko pa rin yung kaba, kilig, at tensyon na naramdaman ko kahapon. Napahawak ako sa dibdib ko.
*dug dug dug*
Inlove na ba ako? Sa tuwing naiisip ko sya nagiging irregular yung heartbeat ko.
Naalala ko na naman yung katangahan ko. I was about to say 'Jervin yes! pumapayag ako' . Buti nalang hindi ko natuloy. Kung hindi naku! pwedeng pwede na talaga akong maglaho ng parang bula sa sobrang kahihiyan!