Gabi na naman ako nakauwi. Pero nagpaalam na ako kay mama na this week, gabi na ako makakauwi. Next week na kasi ang competition namin sa pagsayaw.
Habang naglalakad ako, bigla na naman nagsitaasan ang balahibo ko.
Alam ko na kung bakit nagtataasan balahibo ko kaya tumakbo na ako ng mabilis at hindi ko na nilingunan ang bahay na iyon.
Sa pagtakbo ko, may nabangga ako.
"Ay. Sorry ho."-AKO. May nabangga akong lola.
"O-okay lang ineng. Alam ko naman kung bakit ka natakbo e"-SIYA
"Alam nyo ho?"-AKO
"Diba't gawa iyan ng abandonadong bahay?"-SYA
"Ah. Opo lola. Bakit niyo po alam?"-AKO
"Lahat ng napapadaan jan, minsan, napapatakbo nalang bigla. Yung iba, tinatakpan ang mata para hindi makita ang bahay. Yung iba, tinatakpan ang tenga. Ayaw nilang makarinig ng sigaw. Magtataka pa ba ako? Ayan lang sa tapat ang bahay ko. Nasasaksihan ko ang lahat jan"-SIYA
"Edi nakikita niyo po ang lalaking nakikita ko jan?"-AKO
"Hindi lang lalaki ang nandiyan ineng"-SIYA
"Ibig sabihin niyo po mara-"-AKO
"Oo ineng. Marami sila jan. yung iba, kaluluwang nanghihingi ng tulong ang nagpapakita jan. yung iba, totoong tao"-SIYA
"T-totoong t-tao p-po?"-AKO. Kinikilabutan na ako. Pero gusto kong malaman ang tungkol sa bahay.
"Halika sa bahay namin. Ike-kwento ko"-SIYA. Sa kagustuhan kong malaman ang lahat, hindi na ako nagdalwang-isip na sumama.
~sa bahay niya~
Nasa may terrace lang kami. Madumi raw ang loob. Kaya dito nalang daw.
"Isang grupo ng mamatay tao ang nanjan gabi gabi"-SIYA
"Gabi gabi ho?"-AKO
"Oo"
"Eh madami na ho ba silang pinatay jan?"
"Oo. Sigurado akong mamaya, o bukas, wala na ako ineng. MAMATAY NA AKO. Dahil ayun sila (biglang tinuro ang bahay) pinanonood ang paguusap natin. Ayaw kasi nilang may nakakaalam ng ginagawa nila"-SIYA
"Nako lola. Kung totoo man po yan, uuwi nalang ho ako. Ayoko pong mawala kayo dahil lamang sinasabi ninyo lang ang tungkol sa bahay na iyan"-AKO
"Ayos lang ineng. Apat sila jan ineng. Dalawang babae, dalwa ring lalaki. Mag-barkadahan sila. Iisa din ang iskwelahan nila. Halos jan na din ata sila naninirahan"-SIYA
"Paano po ang pamilya nila?"-AKO
"Ayon ang hindi ko alam"-SIYA
"Pero, sa daming krimen ang ginawa nila, BAKIT HINDI PA SILA NAHUHULI HANGGANG NGAYON?"-AKO
"Magaling silang magtago. MGA PLASTIK SILA"-SIYA
"Napaka-bobo naman ng pulisya. Madaming paraan para matukoy kung sino ang suspek, diba ho?"-AKO
"Ewan ko den"-SIYA
"Eh bakit hindi ninyo sila sinusumbong?"-AKO
"Hindi ko alam kung paano. Siguro nung huli silang pumatay jan, hindi pa ako handang mamatay kaya hindi ko pa sinusumbong. Pero ngayon, handa na akong mamatay kaya ko ito sinabi saiyo"-SIYA
"Nakakausap ninyo ho ba sila?"-AKO
"Hindi. Pero nakikita nila ako at nakikita ko din sila. At kasalukuyan silanng nanonood saatin"-SIYA
"Na-"-AKO. Sinubukan kong lumingon sa bahay na iyon. Maglalakas loob sana akong makita sila habang nanonood sa paguusap namin ngunit pinigilan ako ng manang na ito.
"Huwag mong subukang lumingon ineng. Upang hindi ka nila makita at makilala. Dahil sa oras na makita nila ang mukha mo, papatayin ka nila dahil ayaw nilang may nakakaalam ng ginagawa nila."-SIYA
"Manang, pwede na po ba ako umuwi?"-AKO
"Pwede. Ngunit wag na wag mong subukang sabihin ang pinagusapan natin sa iba. Dahil kundi, MAMATAY KA."-SIYA
"Oho. Mauuna na ho ako"-AKO
"Heto ang panyo. Itaklob mo sa iyong mukha upang hindi ka nila makilala. Eto na ang una at huli nating pagkikita"-SIYA. Tinanggap ko ang panyong ibinigay niya saakin. At lumabas na. Nattakot akong mabalitaan siyang patay na. Salamat naman sakanya dahil sa impormasyong ibinigay niya sakin
BINABASA MO ANG
Mananahimik? O mamamatay?
Mystery / ThrillerBABALA!!!! Kung ang age mo ay lower than 14, dont you dare to read this. May mga words na hindi kaaya-aya dito. So, back off kid.