(PAFALL x TORPE) + (ASSUMING x STALKER)
Si Rouie - Siya yung TORPE. In love siya pero ayaw niyang sabihin kung sino. Ayaw niyang umamin. Natatakot siguro. At the same time naging PAFALL siya, kung sinasadya o hindi, siya lang ang nakaka-alam.
Si Sandie – Siya yung nag-akala na siya yung mahal ni Rouie. Siya yung ASSUMING na binigyang meaning yung mga ginagawa ni Rouie, at dahil nag-assume na siya, na-curious siya at naging STALKER na mas mas nagpatibay sa assumptions niya.
***
PAFALL:
May mga taong pa-sweet, pa-cute. Sila yung mga taong bibilugin ang ka sa mga “sweet nothings”. Masarap kasama dahil kaya ka nilang pakiligin. Kaya lang, hanggang dun lang… landian lang. papahulugin ka tapos hindi ka naman sasaluhin. Anong klaseng pagpapalaki ang ginawa sayo ng magulang mo? Kapag nakatabig ka ng vase, kailangan saluhin mo yan, kasi mababasag. Ikaw rin, pag di mo nasalo, mapapalo ka! Karma lang. Ano bang dahilan kung bakit may mga taong nabubuhay lang sa pagpapafall? Sa pakikipag-landian lang? Ayaw pumasok sa relasyon? Nakng! Ayaw mo palang pumasok sa relasyon eh bat ang landi mo?! Idadamay mo pa yung mga gustong magseryoso. Kamutin mo na lang mag-isa yang kakatihan mo. Sila yung mga taong mahilig makipaglaro ng "unang mafall, talo." bawal makipaglaro ang mga assuming at madaling mafall, siguradong talo ka.
TORPE:
“It’s constipated” ang status niya sa facebook. Yung tipong masakit na yung tiyan niya, nandun na siya sa CR pero hindi niya pa rin mailabas... hindi mailabas ang tunay na nararamdaman. Madaming ganito, lalaki at babae. Kung babae ka at torpe ka, okay lang yan "Dalagang Pilipina" eh. Pero ikaw kuya, wag ka na magpakatorpe, maawa ka naman sa aming mga babaeng hindi rin makapaglabas ng nararamdaman. Pasalamat ka nga meron kang privelege na magtapat eh. Kasi kaming mga babae, kapag kami ang unang nagtapat, iba na ang magiging tingin sa amin ng lipunan. Maswerte ka. At ano bang mapapala mo sa pagpapakatorpe? Wala kang mararating diyan. Makukuha mo ng mapanis wala pa ring nagyayari sayo. Parang nakahinto ang oras mo. Nasasayang yung pagmamahal mo. Isa pa, ang bigat kaya sa pakiramdam na may tinatago ka! Wag kang matakot mareject. Take risk. Malay natin kung "the feeling is mutual" pala diba? Eh ano naman kung hindi? Edi move-on! Kesa naman tatanga ka lang diyan, mas maganda yung alam mo kung ipagpapatuloy mo pa o titigil na. Mas madali ang buhay dun.
ASSUMING:
Kadalasan, mga babae. Ang sagwa kasi kung assuming yung lalaki, parang ang bakla. Haha. Yung akala mo nakatingin sayo si crush, ang saya saya mo pa naman, halos mangisay ka sa kalsada, namassacre na yung braso ng katabi, pagkatapos malalaman mo duling pala siya, iba pala yung tinitignan, masasabi mo na lang "akala ko". Ganyan ang mga girls eh, kapag crush or whatever-feeling lahat ng kilos niya may kahulugan sayo. Yung simpleng "Hi" niya, feeling mo "I love you na" nasagi niya lang yung kuko mo feeling mo buntis ka na. Hintayin muna kasing mamutawi sa bibig niya ang mga salitang nais marinig (OH! DEEP!) ... kapag nag I love you na siya mismo sayo, diyan ka pa lang nabigyan ng karapatang mag-assume. Dahil sa huli ikaw rin ang masasaktan. Kaya lang kasi, kahit anong pigil natin, may isang part pa rin ng utak natin na walang ibang ginwa kundi mag-assume. Pa-opera mo na lang para tapos.
STALKER:
Yung mga taong sunod ng sunod sa mga type nila. Desperado ba. Dejoke. Baka naman gustong gusto lang nilang makita ang pagmumukha ng mga mahal nila. Baka gusto lang nilang laging updated sa mg ginagawa ng mga taong yun. Baka naman... Desperada na nga lang. Daming alam eh. Haha. Dahil modern age na ngayon, sa facebook at twitter na madalas ang hideout nila. Iwas huli pa. Oh diba? Para-paraan. Ang pagii-stalk ay pawang propesyunal lamang ang maaaring sumubok o gumawa. Kailangan ng matibay na loob sa paggawa nito, dapat handa sa kung ano mang pwedeng makaharap sa pagsuong sa mundo ng stalking. Mga stalkers kasi, madalas masaktan. Kun anu-ano kasi ang tinitignan, ayan tuloy nakakakita ng mga bagay na di dapat makita.
***
Pinahabang summary (hanudaw?!) lang ng mga ugali ng characters sa CLUE. Ang dahilan kung bakit gumulo ang lahat. Wala... Kaechosan ko lang talaga toh. Haha.
BINABASA MO ANG
CLUE: 18 Letters
Romance[ONE-SHOT + EXTRA KA-ECHOSAN] "Inlove daw si Master!" Clue: 18 letters. SANDIE QUIZON SOLANO. 6 + 6 + 6 = 18. Perfect. © waytBored (Shin.)