-Liam’s POV-
Hello I’am Liam Duayne Garcia, childhood friend ni Bianca or Yanna as I call her, I’m 18 years old at tulad ni Bianca napaka-workaholic. Bumalik ako ng pilipinas dahil tulad ng sinabi ko may BINALIKAN akong ‘sino’ hindi ‘ano’ kung sino man yun? Malalaman niyo rin balang araw.
Kasalukuyan kaming nagmu-movie marathon at pansin ko lang na panay ang kaibgan lang ni Yanna na si Janine ang kumakausap sa akin -.- hindi ko na tuloy maintindihan ang pinapanuod namin dahil nga sa dada siya ng dada, hindi na naubusan ng sasabihin. Panay din ang paglabas ni Bianca sa kwarto niya and after 30 minutes lang siya bumabalik
“Uy Liam anong gusto mo? Pop-corn? Chippy? Mr. chips? O bababla?” ayan nanaman siya sa pangungulit katatapos naming kumain ng pizza aalukin nanaman niya ako ng chichirya di pa ba siya nabubusog?
“Uhmm wala eh… uhmmm excuse me labas lang muna ak---“
“No wag mo akong iwan please >.< nakakatakot yung panuod ei oh kita mo it’s so creepy!” sabi niya sabay yakap sa braso ko sheez this girl is really getting into my nervesAkala niya siguro diko pansin?
Nagpapa-cute lang naman to sa akin eh pero for your information—and her’s also diko type ang ganyang babae nakakasura
Tsaka ano daw? Creep yang pinapanuod namin eh love story kaya yan may katakot takot ba sa ‘suddenly it’s magic’ na panuod?!=.=
“Uhhh? Eh ano kasi uhmmmm I’ll call mom baka inaantay ako sa amin—“
“I’ll go with you”
“No wag na dyan ka na babalik din ako kaagad” sabi ko at umalis na agad-agad sa kwarto ni Bianca >.< wew! Ayoko nang bumalik dun sheez!
-Janine’s POV-
Eh! Nakakainis amboba ko talaga—babo! Sa dinami dami ng sasabihin ko sa pinapanuod namin CREEPY pa ang nasabi ko eh ‘suddenly it’s magic’ ang panood >.< gash! Angtanga ko talaga kahit kailan. Napasapo nalang ako sa noo ko ng wala sa oras ayy! Umatake nanaman ang katangahan ko
BINABASA MO ANG
Bianca Suplada (ON HOLD)
Teen FictionAng babaeng saksakan ng kasupladahan posible kayang lumambot ang puso nito? o papanatilihin na lamang niya ang kanyang titulo bilang si Bianca Suplada?