Sabi ng Mama ko, araw-araw daw, kung anu-anong pangalan ang binabanggit ko sa kanya, ito daw ay mga kalaro ko.
Sabi niya din ay palagi din akong nawawala at kapag dumating na, ang lagi kong sagot sa kanya kapag nagtatanong siya ng "Saan ka nanaman nagpunta?" ay "Diyan lang, nakipaglaro lang kay ________" magbabangit ako ng pangalan na hindi niya kilala samantalang nasa gitna kami ng hekta-hektariyang palayan at may dalawa lamang na kapit-bahay. "Pwede bang magkaroon ka ng mga kalaro na hindi ko kilala?" ang palagi niyang tanong ulit sa akin, ang sagot ko na lang daw lagi ay "Ewan?".
Kaya si Mama ay nangangamba sa aking kalagayan, hindi niya alam kong may sakit ba ako sa pag-iisip o ganyan talaga ako dahil bata pa.
Ngunit isang araw nakumpirma na niya ang tunay kong kalagayan
"Anak saan kana naman nagpunta?" ang walang sawa niyang tanong sa akin
"Diyan lang po, nakipaglaro lang kay Malou" ang sagot ko
"Sino ba yang Malou na yan?, ipakilala mo na naman siya sakin" ang tanong ni Mama sakin
"Ma? Hindi mo ba siya kilala? ang sabi niya sakin kapatid mo daw siya?" sagot ko na may pagkasarkastiko
Nagulat si Mama sa sinabi ko dahil may naaalala siyang Malou din ang pangalan.
Malou ang pangalan ng kapatid niyang matagal ng patay.
Namatay si Malou noong bata pa lang siya dahil sa malubhang sakit.
"Talaga?" ang tanong ulit niya
"Opo Ma? yun ang sabi niya sakin, hindi naman ako nagtataka dahil magkamukha kayo eh" ang sagot ko na mas ikinagulat niya.
-----------------
KiINAGABIHAN, habang natutulog kami ay bigla daw akong nagsisigaw sa aking kwarto
"Mama! Mama! Si Malou nanditooo gusto niyang makipaglaro sakin! ayaw niya akong patulugin Ma!"
Nagmamadaling silang pumasok sa kwarto ko. Nakita nila akong nakahiga sa aking kama, nananaginip at pawis na pawis.
Nang hinawakan nila ako, laking gulat nila nang meron akong mataas na lagnat kaya dali-dali nila akong dinala sa pinakamalapit na albularyo dahil nasa bayan pa ang ospital.
Pagdating nila sa Albularyo dali-dali naman niya akong inasikaso
Kahit hindi pa kwinekwento ni Mama ang sinabi ko sakanya, napag-alaman agad ng albularyo na ako pala ay pinaglalaruan ng mga Espirito.
"Ang anak niyo ay pinaglalaruan ng espirito" ang sabi ng albularyo sa kanila
Pagkasabi ng albularyo ang mga katagang yoon ay kwinento na ni Mama sa kanya ang sinabi ko.
Ang sabi ng albularyo kay Mama ay "Gusto lang ni Malou na dalawin mo siya at alayan ng dasal sa kanyang puntod"
Nang mag-umaga ay dinalaw na nila agad ang puntod at inalayan ng mga bulaklak, kandila at taimtim na dasal.
Naging maayos nadin ang kalagayan ko pagkatapos noon, ngunit hindi pa rin matatanggal sa akin ang KAKAYAHAN NA MAKAKITA NG MGA HINDI NAKIKITA NG IBA.
-------------------------------------------------------
N/A:
Ang storyang ito ay hango sa tunay na nangyari sa aking kamag-anak
Sa lahat ng kwinento niya sa akin na nakakatakot at nakakakilabot ito ang pinakanagustuhan ko.
Ngayon, siya ay may asawa na't mga anak kaya hindi nakakapagtaka kung marami na siyang nakitang espirito, multo, kaluluwa miski engkanto kapre at dwende ay nakakita na siya .. lalong lalo na sa probinsya.
Kung gusto niyo pa ng nakakatakot na One Shot na storya .., i-click lang ang external link at basahin ang aking isa pang gawa "HULA Maniniwala ka ba? [One Shot]"
Vote??? Comment???
BINABASA MO ANG
Kalarong Multo (True Story)
TerrorMaikling kwento na magpapataas sa inyong balahibo.