Chapter 5

13 0 0
                                    

Mint's Pov

"So kuya anong gagawin natin today? Saan ang punta natin? :D" Grabe naeexcite na ko! Hahaha. Minsan lang kasi kami magbonding ni kuya kasi minsan lang sya nandito dahil sa nagmamasteral sya sa N.Y.

"Di ko alam. Basta naisipan ko lang na gumala kasama ka e." Eh?! Ano ba namang kuya to! Kahit kelan talaga napakagaling mangwala ng excitement. -______-

"Kuya naman e! Lagi kang ganyan sakin. >.<"

"Hahahaha. Ang pangit mo talaga pag nakapout. Hahahahaha!"

"Tss! Kala mo pogi ka?!"

"Oo naman." Aba't ang confidence nga naman sa katawan nito nag uumapaw.

"Kfine! So ano na nga kuya? Saan tayo pupunta?" Simula ng umalis kami hanggang ngayon na nasa EDSA kami e hindi parin nya sinasabi kung saan kami pupunta.

"Manunuod ng movie, kakain at pupunta doon." Napatingin agad ako kay kuya after nyang sabihin ang salitang doon. Di ko expect na maiiisip pa nya yun. It's been 2 long years, ano pa bang dapat gawin doon? Bakit pa kuya? I kept asking myself kung bakit pero wala akong makuhang sagot. So it's better to ask kuya.

"Kuya? Bakit? Kailangan pa ba?" Diretso akong nakatingin sa kalsada ng sinabi ko to. Kasi naman argh! Ayoko nga dun e! 😡😡

"Kasi oo kailangan dahil hanggang ngayon mukhang sya parin ang dahilan kung bakit ka ganyan." He said it na para bang sigurado sya na yun nga ang dahilan.

"Kuya ayoko na. Paulit-ulit nalang e. Maaalala ko na naman lahat. Masakit parin kasi." Argh! Hays! Akala ko pa naman ok tong araw na to mukhang mapapathrowback ako. Ang pangit lang dun e masakit na throwback ito.

"Hanggang kailan mo ba sisisihin yung tao? Hanggang kailan ka ba kakawala sa sakit na naramdaman mo sa kanya? Hindi nya kagustuhan ang mga nangyari minty. Kung ako nasa sitwasyon nya hindi ko rin gugustuhin na mangyari yun para hindi ka masaktan."

Tama kaya si kuya? Hindi mo nga ba ginusto yun? Kasi kung hindi dapat lumaban ka, dapat kasama kita ngayon at masaya ako. "Ewan ko kuya. Kasi masakit talaga. Gustong gusto ko sya mapatawad para matahimik na kaming dalawa pero ang hirap kasi, siguro dahil hanggang ngayon aaminin ko na mahal ko parin sya. Na mahirap pakawalan sya pero kailangan kasi alam kong masaya na sya at nakakapagod narin magalit kuya. Sobra."

Di ko namalayang naluha na pala ako kung hindi lang pinunasan ni kuya ang mga mata ko. "I know it's hard minty. Pero alam kong kaya mo because you're strong and a forgiver. Alam kong unti- unti ng bumabalik ang dating ikaw. Namimiss ko na rin yun a! Haha. Mas sweet kasi yun e tsaka mas blooming at maganda. Hahaha."

"*pout* Kuya naman e! Okay na nga yung sinabi mo nung una tapos ginatungan mo pa ng pang aasar! Nakakainis ka talaga'"

"Hahahaha. Totoo naman yun! ayaw mo ba? I can take it back."

"Oo na kuya. Hmp! Pag ako nakamove on who you ka sakin! :p"

"Hahaha asa ka! Tara na nga kanina pa tayo dito sa parking lot. Kain na tayo gutom na ko e." Hala! Oo nga no. Di ko napansin na nasa mall na kami.

"Kasalanan mo naman kasi kuya. Pinag throwback mo pa ko."

"Kasi alam kong handa ka na magpatawad." Pagkatapos nyang sabihin yan ay lumabas na sya ng sasakyan.

"Sana nga kuya." Lumabas na rin ako.

-----------------

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 14, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

25 MinutesWhere stories live. Discover now