Chapter 4

20 0 0
                                    

Mint's Pov

One week na akong school-house-school-house, medyo boring na yung life ko. Si kuya kasi may nakalimutan daw na project sa masteral nya, ewan ko ba dun, one week na syang nakaharap sa laptop at kung ano-anong pagreresearch ang ginagawa pero sabi naman 'nya malapit na sya matapos kaya malapit na kami magbonding. Kung itatanong nyo yung mga bitch kong friends e never mind, puro sila clubs which is iniiwasan ko na dahil dumadami ang jejemon na nagkalat dun. Infairness sa mga friends ko at di pa sila nahahawaan ng Jejevirus. Hahahaha :P

Para naman maaliw ko ang sarili ko, magjojogging na lang ako tutal it's 7pm na and namimiss ko na din ang pinaka alone time ko, i also miss the playground.

Paalis na ko ng house ng...

"Saan punta?" Wow si kuya himalang naiwanan ang laptop.

"Jogging lang sa village."

"Gabi na mint, bakit ngayon ka lang magjojogging?" Sabi na nga ba e.

"Kuya, you know naman na ganitong oras ako nagjojogging e. Tsaka may mga guards naman na umiikot sa village, so you don't have to worry. Kaya please payagan mo na ko." Puppy eyes ng konti para pumayag.

"Okay fine. Just take care and uwi agad, coz' tomorrow we'll hang out." Nag ning-ning lang naman ang aking beautiful eyes sa sinabi ni kuya.

"TALAGA? Waaahhh Iloveyou kuya! Muah muah chup chup hart hart pa." Ikikiss ko na sya pero tinulak nya ko. Tss! Arte

"Grabe minty! Kelan ka pa naging baduy? -_____- Sige na alis na. Take care okay?"

"Baduy agad?! Di ba pwedeng love lang talaga kita? -_____- Kfine! Bye bye kuya kong pogi!"

"Kgo!" Then i flew out. Yipiiiieee shopping time bukas :D I love my kuya talaga forever.

 After 1hour of jogging, ito ako ngayon nasa favorite place ko sa village, the playground. =) I don't know why pero there is something in this place that makes me feel the peacefulness of the night. Okay fine corny na kung corny, but it's the truth so back off guys. Hahaha :P

I'm indulged with the atmosphere, darkness of the night and the light of the stars and the moon, when someone talked.

"Ang ganda ng buwan nu? *smile* Napatingin agad ako sa nagsalita, and si annoying guy pala.

"Anong ginagawa mo dito?" Napatingin din sya sakin at pinakita sakin ang towel nyang basang basa, and said

"Kagaya mo nagjogging din ako. Tapos ngayon nakatambay din dito sa playground. ^______^"

"Stalker kita nu?!" Napatawa naman sya sa sinabi ko. Tss! Ano bang nakakatawa sa sinabi ko? At di lang simpleng tawa ginagawa nya ah, sobrang tawa talaga yung tipong mauubusan na ng hininga.

"Oh tapos ka na tumawa?! Umalis ka na nga, dumating ka lang umingay na dito e. -______-" Napatahimik naman sya agad. Tama lang nu, tawanan ba kasi ako? >.<

"Sorry about that. Natawa lang ako dahil pinagkamalan mo akong stalker. :D Sa gwapo kong ito napagkamalan mo talaga akong ganun? Haha. Grabe di ko mapigil matawa." Tinignan ko sya masama. As in super death stare =.=

"Opssss, okay fine sorry :/ Nagkataon lang naman talaga na nakita kita dito habang nagjojogging ako, so pinuntahan na kita."

"Tss! Ok fine pwede ka na umalis, gusto ko mapag isa." Infairness sa kanya a parang nag evolve sya. I mean, madaldal sya ngayon nung una kasi uutal utal pa sya e, pero ngayon parang friend ko sya kung makipag usap.

"Eh? Seryoso ka? Gusto mo maging mapag isa? Ayaw mo ng kasama? Baka mapano ka dito e."

"HAHAHAHAHAHAHA... Grabe dahan dahan sa pagdilat ng mata! Hahahaha luluwa na oh! Hahahahaha." Pano ba naman kasi kung makareact daig pa parents ko.

"Anong nakakatawa dun? Tss! Nag aalala lang naman ako e." Tumingin sya sakin bago tumingin sa langit.

"Eh kasi naman bakit kailangan mo pa mag alala? Kung yung parents ko nga chill lang e. Tsaka i can handle myself and besides my guard naman na umiikot dito sa village, so you don't have to worry." Gusto ko pa sana idagdag na "Di nga kita kilala, baka dapat sayo ko matakot!" Pero dahil mabait ako, di ko na sinabi. :D

"Sabi ko nga e. Uhm.... can i....uhmmm.." Ano daw? Yan na naman sya sa pagiging pautal utal.

"Can you what? Kanina ang ayos ng salita mo, ngayon naman utal-utal ka na?"

"Ah eh wala wala. Hehe I gotta go."

"Okay. Sure ka wala lang yun? Sige bye ingat and thanks sa pang gugulo."

"Grabe naman pang gugulo agad? Nag enjoy ka naman diba?" and he let's me see his cute white teeth with his full smile. May cute din pala sa taong to. :P

"Oo na nag enjoy na ko. Sige na go!" At mas lalo syang ngumiti sa sinabi ko, feeling satisfied.

"Okay salamat Ms.Sunget-na-Maganda :D till next time! Bye!"

And after saying that tumakbo na sya, at ako?! NAGBLUSH lang naman ang lola nyo!!! Para namang ngayon lang ako nasabihan ng Maganda. >.< Ano ka ba naman Mint! Maghunos-dili ka. Buti nalang umalis na sya agad. -_________- Grabeng lalaki yun kung ano-ano sinasabi. Urghh! Ms. Sunget-na-Maganda?? Duh! Alam ko maganda ako pero masunget? >.< Ang bait ko nga lagi. Makauwi na nga lang, dumidilim na din naman na.

Pasaway ka Mr.Annoying-Weird-Guy! -____-

25 MinutesWhere stories live. Discover now