Grabe nakakahiya. Kasalanan ni Mabini 'to eh. Sa kakaisip ko sa mga hate messages ko, di ko namalayan sa kabilang room pala ako pumasok. Kainis, may naglipat siguro ng pintuan. Charot ahehe.
Bago ako lumabas ng room, may inabot na papel sakin si anonymous student.
Hmm mukhang late ata prof namin, basahin ko muna 'to ahehe.
Yo! Alam ko may pinagdadaanan kang mabigat na problema ngayon. Baka pwede kitang matulungan.
www.thirdworldsesayeti.com
Bisitahin mo kung kelangan mo ng resbak :)
Hmm resbak talaga? Parang ayoko naman nun. Baka mas lalong gumulo buhay ko. Saka idol ko lang si Bruce Lee pero di naman ako mahilig sa away.
Pero tama siya may mabigat nga akong problema. Pano niya kaya nalaman na hindi ako nakapagreview para sa exam namin ngayon?
OMG baka nasa www.thirdworldsesayeti.com yung mga sagot sa exam namin ngayon.
"Jose painternet lang saglit sa phone mo!" Agad kong hinablot na parang professional snatcher yung android phone ni Jose. Buti na lang maaga din pumasok yung classmate ko ngayon. Lagi nakaunli-data to eh. Ahehe.
Habang tinitipa ko ang website ay biglang may nagbukas ng pinto at pumasok sa aming silid-aralan.
"Ok class, get one whole sheet of paper. Yung mga di nakapagreview pwede nang umuwi."
Shet ang bagal ng net! Nandiyan na yung prof namin!
BINABASA MO ANG
Third World Sesayeti
General FictionAkda ni Filimon Buksingero Espesyal na pasasalamat kay AYEN_REE para sa paglikha ng napakagandang pabalat ng Third World Sesayeti