Third

45 0 0
                                    

Uhm may extra napkin ka ba jan? Dinugo kasi yung utak ko sa exam kanina. Ahehe.

Grabe magpaexam yung prof namin, parang di niya naman ata tinuro yun. Sana may tumama sa mga sagot ko, kahit mga dalawa lang. Ahehe.

Ay oo nga pala baka nandun sa website na binigay ni anonymous yung mga sagot.

"Jose!!" Nasobrahan sa excite, napalakas ata boses ko.

"Wala lowbatt na ako!" Echos ni Jose. Nagdadamot lang to eh. Pero bago niya pa maibulsa ang cellphone niya..

"Secret-agaw-cp-technique!"
GWUSHING
"Pahiram lang muna saglit. Ahehe salamat."

Anim naman phone nun ni Jose eh kaya oks lang talaga sa kanya kahit hiramin ko pa 'to ng buong araw. Ahehe.

Matignan ko na nga yung www.thirdworldsesayeti.com

Welcome to the Third World Sesayeti

Ano 'to? Kala ko sagot sa exam yung binigay sakin ni anonymous student? Di pala problema ko sa exam tinutukoy niya. Ahehe.

What do you desire? The soceity will grant your wish as long as majority of the members approved.

Ano daw?? Wish?? Bagong scam ba to?? Hmm wala naman siguro mawawala kung susubukan ko ahehe.

I want to be a millionaire.

Ay mali, dapat pala billionaire na nilagay ko. Ahehe

Black: I'll vote yes.
Jigsaw: Yes.
Trece: No.
ALEX: no
C: No :)
Mad Carp: Ayaw
Nyx: lol NO!
Merlot: Nah.
Ibarra: No.

Majority of the members declined. Sorry, your wish can't be granted.

Langya ineechos lang pala 'ko nito eh. Paasa much naman.

Ibabalik ko na sana yung phone ni Jose pero habang naglalakad ako sa pasilyo bigla ko ulit nakasalubong si anonymous student.

"Hey! Ano ba yung website na binigay mo sakin? Kala ko pa naman nandun yung mga sagot sa exam!"

Hala medyo napataas ata boses ko. Nakakahiya pinagtitinginan ako ng mga estudyante. Malamang cheater na tingin nila sakin. Arrrgh. Kasalanan niya lahat to eh.

"Dahaha. Edi dapat yun ang winish mo. Ipakita ang sagot sa exam. Dahaha." Arrgh. Lalo akong naaasar sa tawa nito eh. Pero may point siya ah.

"Wait. Ibig sabihin totoo talaga yun? Ginagrant nila yung wish mo?" Ayoko na talaga siya kausapin pero nakucurious ako kung ano ba talaga yung Third World Sesayeti na yun.

"Yup." Nakangiti ulit siyang sumagot sakin.

Website na ginagrant ang hilingin mo? Ibang klase 'to ah, pero...

"Paano mo nalaman yung website na yun? Member ka ba nun? Saka bakit mo yun naisipan ibigay sakin? Sino ka ba talaga..." Mausisa talaga 'ko lalo pag interesado ako sa isang bagay. Ahehe. Pero bago pa ako makapagbato ulit ng isa pang tanong, bigla niyang hinawakan ang kamay ko at inayang sumama sa kanya.

"Tara may ipapakita ako sayo." Mukha naman siyang mabait kahit na nakakabwiset siya kung minsan. At dahil gusto kong malaman kung ano ba talaga yung soceity na yun, sumama na din ako sa kanya kahit hindi ko pa nga alam ang pangalan niya.

Lumabas kami ng campus at pagsakay namin ng jeep, bigla kong naalala na may kasunod pa akong klase.

"Ay sorry, kelangan ko pala bumalik sa school. May klase pa kasi ako." Nagpaalam na ako sa kanya bago pa makalayo yung sinakyan naming jeep.

"Dahaha. Relax ka lang. Wala naman yung prof niyo sa next subject eh."

"Huh? Sure ka jan ah? Prof mo din ba si sir Aluyen?" Medyo nagiging kumportable na din ako kausap siya habang tumatagal. Nakakainis lang talaga siya sa umpisa dahil feeling close agad. Parang kabaligtaran pala siya nung classmate ko na si Jose. Si Jose kasi kahit close na kayo, parang ayaw ka pa rin makausap. Pero madaling malapitan yun kahit parang laging galit sa mundo. Dami ko na nga utang dun eh. Ahehe.

"Nope. Pero kilala ko siya, nakainuman ko na din yun si sir Aluyen. Dahaha" Sagot niya sakin. Medyo madami din kami napagkwentuhan about sa mga prof at school life namin. Pareho pala kaming freshman ni Nick pero magkaiba kami ng kurso.
Yup. Nick daw ang name niya. Ahehe.

"Grabe naman ang traffic. Parang ilang araw na tayo dito ah." Naubusan na 'ko ng kwento kaya napansin kong halos hindi na umuusad ang jeep dahil sa traffic.

"May nagrarally kasi. Ilang araw na silang nagkocause ng abnormal na traffic dito." Parang naging seryoso ang itsura ni Nick habang may kinakalikot siya sa bag niya.

Biglang isinuot ni Nick ang kulay abo na bonnet at disposable na guantes na galing sa bag niya.
OMG holdaper ba si Nick? Hala baka madamay ako. Lagot ako sa tiyahin ko pag nalaman niya 'to.
Dapat talaga hindi natin hinuhusgahan ang isang tao sa itsura lang eh. At higit sa lahat dapat di tayo sumasama sa mga di pa talaga natin kakilala.

Nagulumihanan ako nang mapansin kong hindi lang pala si Nick ang nagsuot ng guantes at kulay abo na bonnet, pati na din ang iba pang pasahero sa jeep.

"Tara." Niyaya na ako ni Nick bumaba ng jeep. Di ko pa rin alam kung anong nangyayari pero bahala na. Kung sakaling magkaproblema, mabilis naman akong tumakbo eh. Ahehe.

Nagulantang ako sa nakita ko pagbaba ng jeep. Tila napintahan ng kulay abo ang paligid. Mga pasahero ng jeep, mga motorista, mga naglalakad na commuters, at may ilang mga pulis, media, at aktibista rin na biglang nagsuot ng kulay abo na bonnet.

Kinilabutan ako at biglang nagtaasan ang mga balahibo ko sa braso dahil sa nasaksihan ko, pero mas namangha ako sa sumunod na nangyari.

Pinulot ni Nick at ng iba pang mga nakabonnet ang mga basurang kinalat ng nga aktibista. Bigla din silang nagkantahan habang nagpupulot ng basura...

"Bakit kaya nangangamba
Sa tuwing ika'y nakikita
Sana nama'y magpakilala
Ilang ulit nang nagkabangga
Aklat kong dala'y pinulot mo pa
'Di ka pa rin nagpakilala

Bawat araw sinusundan
'Di ka naman tumitingin
Ano'ng aking dapat gawin

Bakit kaya umiiwas
Binti ko ba'y mayroong gasgas
Nais ko lang magpakilala
Dito'y mayroon sa puso ko
Munting puwang laan sa 'yo
Maaari na bang magpakilala

Bawat araw sinusundan
'Di ka naman tumitingin
Ano'ng aking dapat gawin

Kailan, kailan mo ba mapapansin ang aking lihim
Kahit ano'ng aking gawin, 'di mo pinapansin
Kailan, kailan hahaplusin ang pusong bitin na bitin
Kahit ano'ng gawing lambing, 'di mo pa rin pansin"

Shet Flashmob pala to. Ahehe



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 18, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Third World SesayetiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon