* so this is chapter 2 guys. Hope you enjoy this one. And again please comment and vote then share. Thank you soooo much!
-adlotero121502
---------------------------
Kinagabihan ay late akong naka punta sa party ni Chloe. Dumaan pa kasi ako kay mama at hindi na nabantayan ang oras dahil nalibang ako sa pag ku-kwento. Alam kong maiintindihan ako ni Chloe dahil alam naman niya kung gaano ko kamahal si mama.
Pag park ko ay agad akong sinalubong ni Robert. Wala akong idea na invited din pala ang mokong na 'to.
"What happened to your car?" Agad nitong pansin sa basag na salamin ng aking sasakyan.
I looked at him. Nakasuot ito ng suit and tie. Lahat pala na mga bisita ay naka suit and tie samantalang ako ay naka simpleng fitred jeans lang at puting t-shirt. Paano naman kasi,e hindi ako sanay na mag suot ng ganoong mga damit.
"Some crazy woman I met." Maiksi kong paliwanag. Ayoko nang ikwento sa kanya ang muli naming pagkikita ni Allyson dahil sigurado ako na pag tatawanan lang niya ako. "Binato ng napakalaking bato." Dagdag ko nalang.
Bit-bit ang regalo ko para kay Chloe ay ni-lock ko na ang pinto ng sasakyan ko.
Papasok na sana ako nang bigla naman akong pigilan ni Robert.
"Wait. 'Yan lang ang suot mo?" Tanong nito na nilakbay pa ang paningin sa kabuuan kong suot.
Tinitigan ko na lamang siya na parang sinasabi na "oo. So?"
Napakamot ito sa kanyang buhok na parang na irita.
"Are you kidding me? Debut ang pupuntahan mo,bro, hindi Christening." Sabi nito sabay hubad sa suot niyang suit na kulay mocha brown. "Here. Wear this." Abot nito sa akin.
Umiling ako. "No. Alam mo naman na hindi ako nag susuot ng ganyan."
"For your sister,bro. Wear this." Wala na akong nagawa kundi tanggapin iyon at isuot. Naiilang man pero pumasok na ako sa loob. Ang daming bisita, lahat sila ay hindi ko kilala. Si Robert lang siguro ang kakilala kong inimbitahan.
"Kuya!" Napalingon ako sa sumigaw.
It was Chloe and she was wearing a color blue gown. She looked beautiful, sigurado ako na marami na siyang manliligaw dahil sa ganda ba naman niya.
She hugged me so tight that she almost cut my breath.
"You're very late. Saan ka galing? You were supposed my last dance, you know? Buti nalang nandiyan si Robert." Nagtatampo ang tinig nito pero hindi naman galit.
"Binisita ko si mama. Nalibang lang ako. Pasensiya na. Gift ko pala." Sabi ko naman sabay aboy ng regalo ko.
Tumalon-talon ito sa saya pero hindi naman niya iyon binuksan. Napangiti nalang ako sa reaksyon niyang iyon.
"Thank you so much, kuya. Nice outfit by the way." Puna naman niya sa suot ko.
I just smiled. Alam kong nakilala niya kung sino ang may ari ng suit na suot ko dahil alam din naman niya na hindi ako nag susuot ng ganun.
"Chloe-" sabay kaming lumingon ni Chloe sa pinanggalingan ng boses and I was right.
Hinding-hindi ko makakalimutan ang ma-awtoridad na tinig na iyon. Napako ang tingin niya sa akin na para bang nasorpresa siya sa pagdating ko.
When was the last time we saw each other by the way? One year ago? Lagi naman kasi siyang pumupunta sa abroad.
"Evening." Simpleng bati ko na lamang sa kanya.
BINABASA MO ANG
'Till I Met Ally
RandomI have a question. Ano ang gagawin mo kung isang araw ay nagkaroon bigla ng taning ang buhay mo dahil sa isang sakit? Gagawa ka rin ba ng mga "things to do before i die" list? And what would be your dying wish? I just wanna be clear. I am not sick...