A Day With The Person I Love

41 1 0
                                    

Author's note:

Yung mga gagamitin na lugar ay totoo. Pero yung pangalan ng tauhan, kunwari lang.

Lahat ng ito ay imagination lang kaya habang binabasa niyo ay iimagine niyo na kayo yung bida para kiligin kayo. Hahaha. 

Nakapag-imagine kasi ako kagabi tungkol sa crush ko na si Vmiguel Gonzales kaya naisipan kong isulat to at ishare sa inyo. :)

Sana magustuhan niyo. ;)

--------------------------------------------------------------------

Ako nga pala si Keya. 

Isang simpleng fangirl na babae. 

Pero minsan ay kikay, boyish, maarte, astig, cool, bugnutin, matakaw, minsang tahimik minsang maingay.

Moody nga raw ako sabi nila.

Ilang months na kong single since nung nagbreak kami ng boyfriend ko si John (read my other story, High School Love. Andun yung love story ko about sa kanya. Hehe.)

Mahirap mag-move on. AS IN. Pero alam kong kaya ko to tiwala lang kay God. <3

Eto naghahanda na kami dahil magbabakasyon na kami bukas sa Singapore. Isang buwan din kaming titira dun. Summer vacation na kasi eh. 

Every summer o kapag Christmas season, nagpupunta kami ng Singapore. Doon kasi nagtatrabaho yung papa ko.

Eto ako ngayon nagcocomputer habang sila mama ay naghahanda para bukas. 

Nagtitwitter ako kasi chinecheck ko yung twitter account ng crush ko, si Vmiguel. 

Hindi ko nga alam eh dati ko pa siya nakikita sa facebook at twitter pero ngayong summer ko lang talaga napansin yung ka-cute-an at kapogian niya.

Nakakakilig kasi yung tingin at mga ngiti niya. <3 

Maraming beses akong nagtitweet sa kanya para lang mapansin ako. Pero wala eh. Mahirap mapansin kasi marami kaming nagpapapansin sa kanya.

Sakit lang.

Pero ganyan talaga buhay fangirl eh. Wala tayong magagawa.

TIWALA LANG. Yan ang madalas kong marinig sa kapwa fangirl ko. 

"Tiwala lang, mapapansin ka rin niyan."

Tiyaga lang sa pagtitweet para mapansin.

Di kasi ako nakapunta nung get together niya eh :( huhu

Mapapansin at makikita ko rin siya sa personal. TIWALA LANG. <3

A Day With The Person I LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon