Chapter 9: The Dream and "Babe" thing

98 6 0
                                    

"Takbo! Dalian nyo! Maabutan na nila tayo!" Sigaw ni Tanya unnie sa amin

"Dali! Maabutan na nila tayo!" Sigaw ko naman

"Hindi kayo makakatakas sa amin! Mamatay kayo! HAHAHAHAH!" Sigaw naman ng humahabol sa amin marami sila at gusto nila kaming patayin

"Aahhh!" Sigaw naman ni Sirene. Lumingon ako at nakita kong dumudugo ang tuhod niya

"Sirene!" Dali dali akong tumakbo pabalik sa kanya

"Shine ano ba!! Bilisan mo!" Sigaw ni Hya

"Mauna na kayo! Susunod na ako!" Nakalapit na ako kay Sirene umiiyak na siya ngayon

*bang*

"Aaahh!"
"Sh*t!" Sabay naming sigaw ni Sirene

"Halika! Dun tayo sa likod ng puno dali!" Inakay ko siya papaunta sa likod ng puno

"At san kayo pupunta?! Di kayo makakatakas!" Sabi nung lalaki.. Napako ako sa kinatatayuan ko kasama si Sirene

"Unnie! Umalis ka na!" Bulong sa akin ni Sirene

"Ayoko! Di kita iiwan dito!" Sabi ko habang umiiyak

"Umalis ka na!" Sabi niya ulit

Lumingon ako sa lalaki at nakita kong kinasa ng lalaki ang baril niya at itinutok sa akin ipinikit ko nalang ang akin mga mata

"Ahh~~ so sweet~~ what a nice scene! Mauna ka na!" Sabi nung lalaki at pinaputok ang baril sa akin

*bang*
*bang*

Napabangon ako bigla sa higaan ko. Hingal na hingal at pawis na pawis ang katawan ko.

Panaginip?! Sh*t!

Tiningnan ko ang alarm clock ko 5:30am na pala.

Bumangon na ako at ginawa ang morning rituals ko. Sinuot ko na rin ang uniform ko at bumaba

Pagka baba nakita ko sila mom at dad sa sala. Si mom nakaupo at nag kakape si dad naman nagkakape habang nagbabasa ng dyaryo

"Kumain ka na dun. Mamaya na kami ng dad mo" cold na sabi ni mom, si dad parang di ako nakita

Bumuntong hininga nalang ako at dumiretso sa dining room

Lumapit naman agad ung mga maids at inilagay ung mga pagkain. Lumapit din sa akin si Ate Chan, siya ang pinaka close ko sa lahat ng maids tinuturing ko siyang parang ate ko, siya lang kasi ang nilalapitan ko kapag may problema ako.

"Ayos ka lang ba?" Tanong niya sa akin

"Opo ate" sabi ko at ngumiti

"Sige. Kain ka na" sabi niya at aalis na sana

"Sabay ka nalang po kumain sa akin." Sabi ko at tumingin sa ibang maids na nakatayo sa gilid

"Kayo rin po sumabay na sa akin, wala kasi akong kasabay" nagaalangan pa sila kung uupo o hindi

"Umupo na kayo. Wag na kayo mahiya" sabi ko ulit at nginitian sila

Umupo naman na sila at nagsimulang kumain kaya kumain na rin ako. Nagkwentuhan lang kami ng kung ano-ano kaya nabawasan ang lungkot ko.

Natapos na akong kumain at nagpaalam na sa mga maids at kay ate Chan. Nakita ko sila mom at dad na busy sa pakikipag usap sa phone. Alam na business nanaman tss!

Umakyat ako sa kwarto ko at kinuha ang bag. Inayos ko na rin ang mukha ko nag powder, konting make-up at lip gloss. Tapos nun bumaba na ako at dumiretso sa labas ng bahay

The Gangster's Love (ExoShidae FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon