First day of classes. Syempre bago ang lahat. Walang kakilala at getting-to-know each other pa. Nuong first day hindi pa kita napapansin. Kasi nga bago palang kayo sa paningin ko. As the days go by nagkakaroon na ako ng kaibigan, kasama sa canteen, at kakwentuhan sa classroom. Masaya ang mga sumunod na buwan ko sa pagaaral.. Kasi ang saua sa section natin at walang dumadaang problema.
Isang araw pina akyat tayo sa roofdeck ng school dahil may flag retreat. Pina pila tayo ng maayos at nakatabi kita sa pila. Nakikitawa ako sa mga jokes mo kahit hindi pa tayo magkakilala. Bago tayo umuwe tinanong ko ang pangalan mo. "Kuya anong pangalan mo? Add kita sa fb ah. Accept mo ako." Tumawa yung friend ko sa likod ng sabihin ko yan, kala ko nga dimo ako papansinin pero sinabi mo pangalan mo. "Mervin" tumango nalang ako sayo nun. Kaya pagkauwe ko palang inadd na agad kita. Hindi dahil sa interesado ako sayo, pero wala lang. Classmate kita eh normal lang na iadd kita. Lumipas ang mga buwan, syempre may mga pa contest sa school, programs at iba pa.
September. Eto yung buwan na hindi ko aakalain na magiging close tayo. Well friends siguro? Kasi lagi tayo magkausap, magkatabi. Nagiging okay naman ang lahat. Masaya ka kasama dahil may sense-of-humor ka haha! Ang galing mong magpatawa kaya nag enjoy akong maka sama ka. Dumating yung puntong umaakto na tayong nagaasaran, nagkukulitan, nagkakainisan. Dito na ako nakaramdam ng kakaiba. Lagi tayong kinakantyawan ng mga kaklase natin na ang sweet natin. Inakala pa nga na meron tayong dalawa eh. Meron din tayong moments na nagkakahawakan ng kamay tapos biglang magtatawanan ng parang walang nangyari. Meron din na niyayakap mo ako ng mabilis. Pero hindi ko binibigyan ng malisya dahil ganyan ka naman talaga umakto saaken. Hindi ko alam pero pag tuwing hindi kita nakakausap feeling ko kulang ako. Wala namang meaning nito eh. Oo wala. Pero hindi nung narinig kitang nakikipag usap sa kaibigan mo. Habang nagsusulat ako nun narinig ko na may nililigawan ka. Hindi mo ba alam na halos nabasag puso ko nun nung narinig ko yun. Akala ko may pagasa sayo nun. Kaso wala pala. Bakit ganto epekto mo saken?! Wala akong gusto sayo malinaw yun! Dahil....... Mahal na ata kita. Alam kong mali itong nararamdaman ko dahil wala akong pag asa sayo! Sabi nga nila ako daw ang gusto mo dahil letrang 'R' daw ang gusto mo at yun ang simula ng pangalan ko. Pero nung tumabi ka saken at may dala kang papel nagdo-doodle ka duon ng pangalan na 'Rina' alam ko na, yan siguro yung nililigawan mo noh? Haha! Sayang Rizalyn kasi ang pangalan ko. Umasa nanaman ako sayo! Eto pala ang pakiramdam na umaasa noh? Ang sakit sakit.
Pero hindi padin ako nawawalan ng pag-asa para sayo. Umaasa padin ako na sa lahat ng pagpapakilig mo saken na kilos ay hindi lamang biro pero totoo. Haha! Pero sa tuwing di mo ako kakausapin dahil ibang babaeng kaklase natin ang tatabihan mo. Nagseselos ata ako. Mapapa buntong hininga nalang ako pag ganyan ang eksena.
Ayaw mo na ba akong kausap?
Sawa ka na ba sa kakulitan ko?
O, hindi naman talaga ako importante sayo at ako lamang ang nagbibigay ng malisya sa lahat?
Lahat ng tanong na iyan ay laging bumabagabag sa isip ko pag magisa lang ako. Masyado nga lang ba akong na-attach saiyo? Kaya nagkakaganto ako? Pero sa totoo lang wala naman akong pwesto sa buhay mo? Pero ako ito.. Minahal ka? Ang daya mo naman kasi eh! Hindi ka man lang nagbibigay ng babala na.. Ang dali mo palang mahalin. Nakakainis ka! Dahil sayo nagkaganto ako. Laging nagiisip sa lahat ng tanong sa isip ko. Bat ka kasi ganto umakto saaken eh.
May katapusan ba ang storya natin? Hanggang dito nalang ba? Sana hindi. Sana mangyari ang sinasabi ng iba nating classmate na bagay daw maging tayo. Kung pwede lang na ako na ang gumawa ng unang move, pero hindi padin pwede dahil babae ako. Sana bago ako umalis sa ating paaralan ay maging tayo:( hindi ko pa pala nasasabi sayo na baka umalis ako ng bansa.. Duon na kami titira eh. Mami-miss mo kaya akong maka usap? Maka sama? Maka asaran? Ime-message mo kaya ako sa fb at sabihin na 'sana katabi kita ngayon' eto nanaman eh. Asa to the higest level nanaman ako. Buhay nga naman.. Hay! Ang gulo gulo ng buhay. Bwiset. Ikaw laging laman ng isip at puso ko. Sa totoo lang. Hindi ka ba napapagod? Kakatakbo sa isip ko? Aba, nakuha ko pa talagang mag joke. Sabi nga nila.. Pag nagmamahal nagiging korni. Tapusin ko na ba itong nararamdaman ko para saiyo? Mag move on na kaya ako? Marami namang lalaki diyan diba? Mapapansin mo kaya na lalayo na ako sayo? Puro ako tanong hindi ko naman masagot. Ayokong mawala ka sa tabi ko, gusto ko lagi kitang makikita ha?
Dahil mahal na kita. CLASSMATE.
BINABASA MO ANG
one shot- CLASSMATE
Short StoryNaging classmate kita, nakasama,nakausap. Pero iba na ata tong nararamdaman ko para sayo.. Classmate.