Extra scenes

142 4 5
                                    

"Uy bes. Ok kana ba kay Mervin? Naka move kana ba?" Tanong saakin nito ni Cailyn. Minsan nakakainis din eh noh? Nananadya ata tong babaeng toh.

"Hay nako Cailyn! Paulet ulet nalang tayo dyan." Inirapan ko nalang ito para tumigil na. Pero sadyang likas na makulet talaga.

"Bes. Ang lungkot mo kasi eh." Lihim akong napangiti dahil napaka caring nya talaga saken. Simula nung kalimutan ako ni Mervin. Siguro nagtataka kayo kung ano na nangyari saamin noh? Psh.

-FLASHBACK-
Alam nyo naman na sweet kami umakto ni Mervin diba? So ayun. December 12 umamin sya saakin na mahal nya ako. Hindi rin kami natuloy sa pag alis ng bansa dahil na expired ang visa namin. Then sa personal siya umamin. Sobrang saya ko nun dahil nangyari din ang inaasam ko!

"Kyahh!" Lumabas ako ng CR at nagtaka ako kung bakit nagsisigawan yung mga schoolmate kong babae.

"Ate. Ano pong meron?" Nagtanong ako sa isa sakanila. At ng marinig ko ang sagot ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

"M-may.. Si Mervin kasi!! Ang laki ng dalang boquet of roses tapos ang daming nakapaligid na roses sakanya. Ang swerte talaga ng babaeng yun! Tara ate punta tayo duon sa tapat ng section-4" Matapos magsalita ng babae ay nanigas ako mismo sa kinatatayuan ko. Ayokong bumalik ng classroom namin dahil kinakabahan ako. Pero ewan ko kasi may kusa ata itong paa ko at dumiretso ng classroom! Pagkapasok ko palang duon ay tumutugtog ang kanta naming dalawa.

🎶 kahit na binabato mo ako ng kung ano ano ikaw parin ang gusto ko, kahit na sinasampal mo ako sinisipat nasusugutan mo.. Ikaw parin walang iba ang gusto kong makasama.. Hmm walang iba🎶

🎶 nagsimula sa mga asaran hanggang sa magkainitan isang eksenang bangayan nanaman. Bat ba kasi pinagpipilitan? Ang hindi maintindihan, hindi naman kinakailangan ngunit kahit na ganito.. Madalas na di tayo magkasundo. Ikaw lanh ang gusto kong makapiling sa buong buhay ko. Kahit na binababato mo ako ng kung ano ano...🎶

Hindi ko alam ang nararamdaman at irereact ng mga oras na iyan. Saya, kaba, ewan ko! Halo halo. Hanggang matapos ang kanta ay nakatingin lang ako sa mata ni Mervin. Ramdam na ramdam ko ang bawat salita na binibigkas nya. Marahan siyang lumapit saken at pinunasan ang mga luha sa mata ko.

"H-hi Rizalyn." Utal nyang sabi saken habang hawak nya ang nanginginig kong kamay. Marami na kaming naagaw ng atensyon kaya naman ramdam na ramdam mo ang kakaibang  kilig sa paligid. Sobrang saya ko! Mahal ako ng mahal ko. Wala na akong paki sa iisipin ng iba, basta andito ako ngayon kaharap ang classmate ko na mahal ko.

"Haha. M-mervin. Para saan toh?" Mahina ko syang hinampas sa tyan at nagsigawan ang mga tao sa paligid namin. Hinanap ng mata ko si Cailyn at yun! Nakita ko din. Binigyan ko sya ng look na 'paalisin mo sila' at agad naman nyang ginawa. Ayoko naman na pagalitan kami ng mga teacher kahit free time namin ngayon.

"Mahal na mahal kita Rizalyn." At habang paunti ng paunti ang mga tao sa paligid ay hindi na gaanong maingay. Sasabihin ko na ba na mahal ko din siya? Yes baby. It's now or never. Tinignan ko siya mata sa mata. Gusto kong ipadama sakanya lahat ng sasabihin ko.

"Mas mahal kita Mervin! Una palang tayong nagsama! Mahal na mahal na kita." Yes! Nasabi ko din. Ang sarap sa feeling. Ngayon ay tumatawa ako habang may tumutulong luha sa mga mata ko. At muli pinunasan nya ang walang pagtigil na agos na luha na nanggagaling sa mata ko.

"Totoo?! Yes! Yes! Mahal ako ni rizalyn!" Pagtapos nyan ay nagyakapan kaming dalawa. Hindi na namin pinansin ang ibang tao basta eto kami ngayon, masaya. Binigay nya saken ang roses at niyakap ulet ako.

Magkatabi kami ngayon ni Cailyn habang sila ay nililinis ang mga petals na nasa lapag.

"Bes napaka swerte mo kay mervin!" Sabi pa nito habang kinikiliti ako sa tagiliran. Hindi ko maiwasan na mamula dahil sa kilig.

"Sobrang swerte Cailyn."

Lumipas ang ilang buwan. At bagong taon na! Napagpasiyahan namin nila Cailyn at Mervin na magsama-sama ngayong bagong taon at duon kami kakain sa bahay ni Mervin. Mahigit isang oras ko nadin siyang tine-text pero wala paring reply. Kaya naisipan namin ni Cailyn na pumunta nalang sa bahay ni Mervin. Nagpa alam na ako sa magulang ko at lumabas na ng bahay. Sa gitna ng paglalakad namin ni Cailyn ay pumunta siya sa tindahan.

"Nauuhaw ako bes. Bili muna ako ng RC ah?" Tumango nalang ako at sumunod sakanya. Bumili nadin ako ng RC para mawala ang init sa katawan ko. Pero habang umiinom kami ni Cailyn ay may naka agaw ng atensiyon ko sa kabilang kanto...... Mervin

Kinalabit ko si Cailyn at nakapako padin ang paningin ko kay Mervin. May kasama siyang babae at sila ay magka holding hands. Bumagsak sa kamay ko ang hawak kong RC na nasa plastic kasabay ng pagbagsak ng mga luha ko. Alam ko hindi pa kami at manliligaw ko palang siya. Pero eto nanaman! Naramdaman ko nanaman ang pagbasag at pagsikip ng puso ko.

"Tara na bes! Hayaan mo nayang si Mervin! Manloloko siya!" Naramdaman ko ang galit sa sigaw ni Cailyn. Pero eto ako at nakatingin padin sa kasama niyang babae. Maganda, sexy, mestisa. Talong talo ako.

Nagpadala nalang ako sa hila ni Cailyn at iniuwe nya ako ng bahay. Hindi ko kinausap ang mga bisita at magulang ko, bagkus nagkulong ako sa kwarto. Tinext ko siya na ayoko na sakanya ng paulit ulit. At bago matapos ang gabi ay isa nakatanggap ako ng text mula sakanya. "Forget me. I'm so sorry for being a jerk at pinaglaruan ka."
------------
Eto nanaman ang pasukan. Hindi na ako nakibalita tungkol kay Mervin at hindi na lumingon pa sa nakaraan.

-END OF FLASHBACK-

"Bes ok ka lang? Umiiyak ka nanaman." Niyakap niya ako ng mahigpit at medyo gumaan ang pakiramdam ko. Sa malabo kong mata dala ng luha ay naaninag akong tao sa field namin. Si mervin at may dalang mga boquet. Pero hindi para saakin yun dahil para sa kanyang girlfriend na si Rina. Oo lumipat si Rina dito sa paaralan namin, umiiwas nalang ako dahil ayokong mag mukhang mahina.

"May mga tao talaga na dadaan sa buhay natin. Hindi para tumagal pero magbigay ng mahalagang aralin sa ating buhay, na siyang idadala natin habang tayo ang nabubuhay" -potatochipyy_04

Lahat po ng nabasa nyo ay tanging malikot na imahinasyon ko lang ang nagdala. Kung mababasa nyo man to  (kaibigan ko pam,jem) wag niyo akong pagtatawanan dahil nakabuo ako ng bitter story-,- sadyang may biglaang plot nalang ang papasok sa utak ko :* labyu guys.

one shot- CLASSMATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon