I dedicate this to Ms. @alyloony kasi naiinspired ako sa mga works niya. Lalo na yung 'falling game' and 'game over.' Must read po sila.
Keep up the good work po!
~ AILA ~
"Uy Aila, alam mo ba, nakabungguan ko si Crush kanina." Sabi ng bestfriend kong si Sara habang humahagikgik.
"At parang ang saya mo yata? Nabunggo mo na nga siya eh, it means PANGIT na yung unang meeting n'yo." Bored na sagot ko sakanya.
Where's the happiness in a simple bumping? Konting 'touch of skin' lang may electricity na agad na dumaloy sa katawan mo?
"Ayan ka nanaman Reyna ng mga Bitter eh. Alam mo kasi, sa mga nababasa kong WATTPAD STORIES, dun nagsisimula lahat." Sara said sourly.
"But love isn't a FANTASY, na kung saan you can conclude what's going to happen in the future. Na kaya mo nalang isulat lahat ng mga insights mo at burahin kapag hindi nagustuhan ng mga readers mo." I said bitterly.
I'm not bitter. I'm just preventing the commotion here.
"Ayy nako, basta aasa pa din ako." Sabi niya sabay walk-out. Ganyan naman ang scenario namin palagi.
Kinikilig siyang darating, bitter siyang aalis.
But LOVE is not a MOOD. That you can shift and change immediately whenever you want.
Habang naglalakad ako papunta sa classroom, dahil na din palapit ng palapit ang foundation week, naglagay sila ng mga stalls dito.
May isang naka-caught ng attention ko. Isang batang lalaki na naglalaro kung saan you need to hook up the stuff toy you want.
Kasama niya yung kuya niya. I know him, he's Migs Garcia. Top 1 ng batch namin. He's really good in physics.
He calculated how can his brother get the stuff toy he wants, yung stuff toy na mahal at pinapangarap niya.
"Unahin mong kunin yung ulo, kasi mas madaling mahulog ang isang bagay kapag may mas malaki at mabigat na pasanin. Kapag inuna mo yung ulo, mas malaki yung probability na makuha mo siya kasi magaan lang yung paa niya. At doon makukuha mo na yang gustong-gusto mong stuff toy." Sabi niya joyfully.
Pero napaisip din ako.
"Mas madaling mahulog ang isang bagay kapag may mas malaki at mabigat na pasanin."
"Mas madaling mahulog ang isang bagay kapag may mas malaki at mabigat na pasanin."
"Mas madaling mahulog ang isang bagay kapag may mas malaki at mabigat na pasanin."
May point siya pero.
But for me. LOVE is not like physics, that can be calculated at makuha ang probability para mahulog at makuha natin ang taong mahal natin.
Napailing nalang ako sa inner thoughts ko. Bakit ba pagdating sa love ang daming pwedeng ikumpara.
But still, it's considered undefinable.
Pumasok ako sa classroom at nakita ko ang kaibigan ko na si Gaze na nakaupo sa tabi ng arm chair ko.
"Hi Gaze!" Bati ko sakanya. Siguro mas mabuti naman 'tong kausap kaysa kay Vi 'no.
[A/n: Si Vi yung babae nung unang scene.]
"Hello, wait, pwede bang manghingi ng advice? Pleaseee." Tanong niya sakin. Ayy, mukhang may saltik din 'to eh.
"Wait, tungkol ba saan?" Curious kong tanong, it's not usual seeing Gaze like this. Once in a blue moon to.
"Eh kasi, yung pinsan ko, nakikita niya na ng harap-harapan pero nagbubulag-bulagan pa din siya. Is really love blind?" Ayy akala ko pa naman tungkol sakanya. Sayang, para naman may pang-asar na ako sakanya :3
"Alam mo kasi, Love is not really blind. It's just that truth is being covered by lies. At syempre, dahil nao-overcome ng feelings niya yung truth, mas pinapaniwalaan niya yung lies." Mariin kong sabi sakanya.
"Ayts, ang complicated talaga. Hindi ko parin siya gets." Naguguluhan niyang sabi sabay hilot sa temple niya.
"Love is not that complicated. Sadyang tayo lang yung gumagawa ng dahilan at mga bagay para makita ng iba, pati natin, na mahirap intindihin 'to." I again, lectured her.
Bakit ba nila pinapahirapan yung sarili nila? Masyado kasi silang nagpapaovercome sa nararamadaman nila, ayan sila din yung nadedepektuhan.
"PS: I think love is like a virus, that will silently infect your body and you'll just going to realize it when it's too late."
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
OMG! Sa tingin ko sobrang lame, as in, sobrang sabaw ng update na ito.
First time kong mag-madramang story eh. HAHA. Please bear with me.
Masyado akong naca-carried away sa ibang scenarios kaya masyadong deep.
Kamsaa~
BINABASA MO ANG
The Metaphor
Teen FictionDifferent kinds of comparison, yet, what's really it's meaning?