✌ METAPHOR 2 ✌

20 1 1
                                    

Less hugot  muna po tayo. Di ko pa po kasi masyado napapakilala si Aila.


~~~~~~~

Getting to know Aila

Hi, I'm Aila Emerald Guevarra. Sorry, kung hindi ko nakwento last chapter. Si Author kasi masyadong naca-carried away eh.

By the way, siguro kilala niyo na yung dalawa kong bestfriends no. Sila sina Vi Camposano and Gaze Monterverde. Mga hopeless romantic ang mga 'yan.

Note: Huwag niyo kong isusumbong ah. Hihi.

Masayahin akong tao, pero kapag tungkol sa love, marami akong alam. Well, kilala ba naman ako bilang 'Reyna ng mga Ampalaya'.

Hindi naman sa bitter ako, sadyang ayaw ko lang sinusurpress yung damdamin ko 'no. Ako pa madepektuhan.

Siguro naguguluhan kayo kung bakit ang seryoso ng entrada ko last chapter pero ngayon ang joyful. Mood swings kasi.

Tsaka si Author may kasalanan, masyado siyang seryoso sa paggawa ng mga story niya.

Okay, back to reality. Siguro nagtataka kayo kung nasaan ako ngayon 'no. Nandito lang naman ako sa....

"Oyyy Aila! Magtrabaho ka nga, nagde-daydreaming ka nanaman." Sabi ng tita ko.

Yes, gaya ng nakikita niyo, nagtatrabaho ako. Sa Restaurant ng tita ko. Taray ko, restaurant 'to.

"Opo tita." Nagwe-waitress ako dito, tulong ko nadin kina Tita. Kasi naman diba, sila nagpapa-aral sakin. Nakakahiya naman kung wala akong gagawin diba.

Pumunta na ako sa isang table kung saan may grupo ng mga lalaki.

"Hello sir, what's your order?" Tanong ko sakanila. Huminto sila sa pagtatawanan at tumingin sakin.

Infairness, gwapo sila ah. Hindi ako malandi ah, sadyang ganito lang ang expression ko kapag nakakakita ako ng biniyayaan ng looks.

"Can I order you?" Tanong nung isa, gwapo pero mukhang babaero. Grabe naman 'to. Yung totoo.

"Kent, tumigil ka nga jan, kada makita mo nalang pinapatulan mo." Sabi naman nung medyo geek pero gwapo, may salamin siya pero halata padin naman yung bluish niyang eyes, habang hinihila yung tenga nung lalaki.

"Jiro, KJ mo talaga, palibhasa ikaw nililigawan mo mga libro." Bawi niya sabay belat. Nagtawanan naman sila.

At dahil medyo naa-out of place na ako dito. Nainis ako.

"AGAIN, what's your order?" Medyo nagtitimpi kong sabi.

"Miss, lower your voice." Sabi naman nung masungit na isa. Aba, yun na nga pinakamahina ko eh.

Nakaka-dalawa na talaga 'tong mga 'to sakin.

"Ako na unang oorder. Sorry, miss. Pagpasensyahan niyo na sila." Sabi naman nung maputi, sabay kamot sa batok niya.

Hindi ko na kailangan idescribe yung itsura niya, kasi lahat naman sila GWAPO PERIOD.

Lima sila, bale 4 na yung nakakausap ko.

While yung isa, nagtetext sa sulok at nakakunot ang noo.

Problema nun?

Naawa naman ako doon sa phone niya sa lakas ng patap niya sa screen.

Sus, suplado. Feeling niya gwapo siya.

[A/n: Hala, Aila, kakasabi mo lang kanina gwapo sila eh.]

Oo na gwapo na, sorry naman. Tanga tanga mo talaga Aila.

Back to reality ~

"Ito miss oh. Nandyan na din yung sakanila." Aba, nakapagsulat na pala agad siya sa papel. Ready siya? Boy scout.

"Sige, thank you." Sabi ko then gora na. Alangan naman pagnasaan ko pa yung mga pagmumukha nila.

Ayy nako. Patience is a virtue nga naman.

[LATER]

"Sige po tita, aalis na po ako. Thank you po." Sabi ko then waved goodbye to them.

Oo nga pala, di ko pa nasasabi, i'm living in a condo. Ewan ko nga ang weird ng condominium na yun. Ako lang kasi mag-isa then ang laki-laki nung condo.

May 8 rooms doon, it means 7 pa yung vacant.

Naglakad nalang ako papunta sa condo tutal mabilis lang naman.

Pagkadating ko sa loob. The landlady approached me.

"Aila, I know this is sudden, pero any time, darating na yung mga kasama mo sa condo. Kaya please get ready." Sabi niya then walk out.

Pagpasok ko sa condo, as usual, malinis, ako lang kasi mag-isa dito. Pero syempre, medyo sumaya naman ako.

Kasi magkakaroon na ako ng kasama dito. Di na ko loner huhuhu.

Pumasok na ako sa kwarto ko at nag-ayos nalang ng gamit para sa school bukas.

Habang nag-aayos ako. Narinig kong bumukas yung pinto at may narinig akong mga taong naguusap.

"Siguro sila na yung mga kasama ko." Sabi ko with a smile and headed to the door.

"Siguro mababait naman sila." I muttered then heaved a sigh at binuksan ang pinto.

The last thing I know......

May limang lalaking hindi ko makilala dahil na din siguro sa parating na bola na didiretso sa mukha ko.

Then, everything went black.

PAMBAWI: HAHA.

"PS: Ang love ay hindi isang baso ng tubig na kapag nakita mong madumi na, pwede mo nang itapon at palitan."

~~~~~~~~~~~~~~~~~~

LAME again huhu. Sorry po kung lagi sabaw update ko.









Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 04, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The MetaphorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon