Starbucks

122 9 19
                                    

Eto, never in my life pa ako nagtry ng meet-up or eyeball or kung ano man tawag niyo dun. Pero in this case, gamitin nating ang term na meet-up. I'm not comfortable with the term eyeball eh. Gusto niyo ipaliwanag ko pa? Wag nalang. Baka sabihin niyo napaka judgemental ko - which is true by the way.

Sige na nga! Explain ko yung side ko. Kapag kasi eyeball yung ginamit or gagamitin na term, it connotes (tama ba spelling ko? wahaha!) something... Pssshhh, tagalog na nga lang. Malaswa ang dating. O bakit? Angal agad? Antay ng explanation pwede? Atat masyado, wag ganun men!

Kaya ko nasabing malaswa, yan kasi yung perception ng mga kaibigan ko. Duh! Ikaw ba naman, lahat ng ikukwento sayo tungkol sa eyeball laging nauuwi sa bahay na walang kusina. Although alam ko naman na hindi naman talaga ganun pag eyeball, pero karamihan nga ng kwento ganun! Kaya pag makakarinig ako ng eyeball, ang pangit talaga ng rehistro sa utak ko. Oy oy oy! It's not my fault ha! Basta. Impluwensya yun ng mga kaibigan. Wag na nga tayo sa topic na yan.

Ayun. Back to the topic at hand. Sa kadahilanang virgin ako sa meet-up meet-up na ganyan, hindi ko ginagawa. Ayaw ko nga! Maarte ako. Deal with it.

Pero akalain mo yun? Nang dahil dito sa wattpad, for the first time in my life I tried to venture out to meet strangers. Ang galing no? Palakpalakan!

Paano nga ba humantong sa ganoon? Teka, alalahanin ko. Hmmm...

(play a slow song)

Bata palang ako nang mapadpad ako sa Maynila. Dala ang aking pangarap na mairaos ang aking pamilya mula sa kahirapan sa probinsya, humanap ako ng lakas ny loob. Una akong namasukan bilang tagahugas ng plato sa isang karinderya. Doon ko nakilala si Lando. Isa siyang masugid na kostomer ng karinderyang iyon. Mula sa simpleng pasulyap-sulyap, nagkaroon ako ng paghanga sa kaniya. Isang araw, bigla niya akong kinausap at nagtapat siya ng pagmamahal. Sa kainosentehan kong taglay, sinagot ko siya. Siya ang nagmulat sa akin sa mga bagay-bagay na kahit minsan ay hindi dumapo sa aking isipan. Mabait si Lando, maaalahanin at maalaga. Minahal ko siya hanggang sa ibinigay ko ang lahat-lahat. Ang buo kong pagkatao, ang pagkababae ko. Ngunit, ang aking inaasahang sandigan, ang lalaking aking lubos na pinagkakatiwalaan, angbmapagamahal, maalaga at maalalahaning Lando ay isa lamang balat-kayo. Matapos kong ibigay ang lahat ay lumabas ang tunay niyang ugali...

Ayun! Medyo naalala ko na. Ang alam ko, nagsimula yun nung nakipag-collaborate ako kay ate Hunny. Parang napag-usapan ata na sana ma-meet ko sila at sila ako ng personal. Ang sinagot ko nun, sa pagkalaalam ko ay pumayag ata ako. Sabagay, lagi lang naman ako umo-oo. Ahaha.

Isang beses, nagset ata si ate Hunny ng parang meet-up. Kaming tatlo ni Louie. Ay. Naalala ko na. Hindi nagset. Napag-usapan lang. Na kung gusto mag-meet up. Um-oo ako nun. Pero sa totoo lang talaga, wala akong balak pumunta. Ahahaha. Virgin nga ako sa ganyang bagay diba? Intindihin niyo nalang ang kaartehan ko.

So, ayun. Dahil mukhang hindi naman seryoso yung usapang yun, di ko na inisip. So nagulat ako nung nalaman ko na nagkita sina ate Hunny at Louie. Sabado yun. March 2 ata yun. So ayun. Dahil isa akong dakilang epal, nagcomment ako sa mga pictures ng "wow ka-inggit naman." Well, hindi naman ganyan exactly yung kinoment ko dun. Pero ganyan yung sense. Kaartehan lang talaga yan at walang halo ng kaseryosohan. Eh pinatulan. Sabi pwede naman daw ulit. Kinabukasan agad. Agad-agad. Set. 7pm. Kinabukasan. Sa Megamall. Napa-HALA(?) talaga ako nun. Dahil sa um-oo ulit ako. No choice. Kelangan kong pumunta.

Ang dali kong napapayag no? Isa rin yan actually sa ugali ko na nakaka-tanga. Madali akong mapapayag. Kaya nga dami ko pending eh. Ahahaha.

So ayun. Dahil sa Megamall yun. At gabi, napagpasyahan kong sa Dorm ako matutulog after ng meet-up. Usually kasi, Monday na yung balik ko sa dorm. So imaginin (hindi typo error yan) niyo ha. Sunday, nag-imbento ako ng dahilan para makaalis sa bahay (Cavite). Dala ang gamit ko (sa bahay kasi ako naglalaba), nakarating ako ng skul ng mga 5 na ata? Pagkalagay ng gamit, labas agad ako ng dorm. Paalam ako sa guard na gagabihin ako ng uwi (may curfew kasi kami ng gang 10pm). Tapos ayun. Biyahe na ako papuntang megamall.

My Wattpad JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon