20 Facts about ME

60 6 6
                                    

Dahil kay Trine kaya ako napagwa neto. Yun lang. matagal bago mag post. HAHAHA.

I RME - I'm a Registered Mechanical Engineer. That means liscensed. Lol! Ang yabang-yabang ko talaga kapag sinusulat ko ito. Hahaha.

II Peacefull - I don't know how to handle anger. Hindi dahil sa short-tempered ako or I have anger management issues. It's quite the opposite. Sobrang bihira kong magalit. At pag nagalit ako, give it a minute or two wala na ang galit ko. I cans till remember the deed pero the emotion of hate ang anger, wala na. Para sa akin kasi, it's a useless emotion, so why bother bgetting angry? Papangit ka lang lalo pag nagagalit ka. (though it is not really useless kasi sometimes it's your way to show people that they have gone overboard also, you become angry because that certain something you are protecting is at risk/in danger)

III Editor - when I was in college kasali ako sa school paper. And I've been part of the Editorial Board from the almost second half of my first year until I graduated. Yabang. Haha.

IV Negrense - I came from Negros Occidental. Doon po ako ipinanganak at lumaki. So yeah.

V Cooking - mahilig talaga akong magluto. Specially baking. Enjoy na enjoy ako dito noong High School. Sayang lang at hindi ko na nagagawa ngayon. Though I have future plans how to fulfill that dream.

VI Peanut, Liver, Bangus - hindi po ako kumakain ng ulam na may mani (except kilawin), hindi ako kumakain ng atay (except liverspread), at hindi rin po ako kumakain ng bangus.

VII Procastinator - a habbit of mine that I'm trying to change. Hindi kasi magandang ugali yan. Kahit sa pagsusulat ngpoprocastinate ako. Sa pag-aaral din. Pero matataas parin grades ko ah!

VIII 5'8" - iyan po ang height ko. Pero pag nakakakita ako or nakakasalubong or nakakatabing mas matangkad sakin, naiinis ako. Yep insecure padin ako sa height ko. 5'10" kasi ang gusto kong maging height. Sadly, gang 5’9” lang talaga kinakaya ko pag naka sapatos ako. Hehe.

IX Dancing - ang isa sa kinahihiligan kong gawin. Though ngayon, mala tuod na ang galaw ko kasi bihira na talaga ako makapagsayaw. I was NEVER a member of any dance crew. How sad. Ang pinaka peak ng dancing career (Naks career daw o!) ko ay during Elementary.  Pag may sayawan na contest sa school, ako lagi pinipili. Pag may group dance, ako din lagi nilalagay sa harap. Dahil bas a magaling ako? HINDI! Wala na kasi silang ibang mapili. HAHAHA.

X Stage Fright - for a person who performs on stage (during college days) and does public speaking, who would believe na may stage fright ako? Unbelievable but true. Though Masasabi kong makapal ang mukha ko noong Elementary ako. Second year High School ako nagka-trauma sa stage which is the reason why I developed stage fright. Pero kahit ganoon, I am still forced to do stage performance and/or public speaking. And I learned how to use stage fright to my advantage.

XI Penmanship - I have a really really really bad penmanship. Ironically I'm an engineer. Kaya nga thankful ako sa typing devices.

XII Food - I love food at sobrang hilig kong kumain na lahat ng pera ko napupunta sa pagkain. Matagal din ako kung kumain. Ninanamnam ko kasi. Pero hindi po ako nataba. Mabilis kasi ang metabolism ko. At ang sabi sa akin nitong huli pumapayat pa daw ako. Eh mas marami na nga ako kumain ngayon eh!

XIII Power Ninjas - mayroon pa bang hindi nakakaalam na isa ako sa PN? Actually, barkadahan iyan ng mga writers na mahilig mag ninja moves sa trabaho. Pero hindi kami ang nag-isip ng pangalan ng grupo. At sa simula naman ei wala naman talagang balak na gumawa ng grupo. Pero things happened at eto na! 6 kaming kabilang dito at isa ako sa dalawang lalaki ng grupo. Dati ako lang ang nag-iisang lalaki. Eh nakahanap kami ng isa ding 'potential member' kaya ayun. Nadagdagan kami ng isa pa.

XIV Blue - iyan ang favorite color ko. All shades of blue gusto ko especially the darker shades.

XV Poetry - diyan ako nagsimula sa pagsusulat. Grade five ako noong napilitan akong sumali sa poem writing contest. Ayun, second placer lang sa district meet. Then noong grade six, inilaban ulit ako. Kaya lang hanggang division level lang. 2nd placer ulit. At alam niyo ba kung ano ang first ever poem ko? It was a four line four stanza poem na ang structure ay indented ang second line. Ang title? Flower. AHAHAHAHAHAHA.

XVI Lovelife - wala ako nun. Unang una sa lahat, torpe kasi ako. Nakakahiya mang aminin pero totoo. Yung tipong kuntento na ako na pinagmamasdan ang crush ko mula sa malayo (layogenic kasi de joke lang). At isa pa, paano ko naman sila lalapitan? Eh lahat ng mga naging crush ko may mga boypren na. Asar. Ahaha. Tsaka, takot ako sa commitment kaya alangan ako sa lovelife lovelife na yan. At isa pa, I'm not in a hurry. (weh! di daw? LOL!)

XVII Chocolate - my comfort food. I really love chocolates. White chocolate lang ata ang hindi ko masyado kinakain.

XVIII Almonds - hindi ko matukoy kung kailan ko ba talaga kinahiligan ang almonds. I think college na ako nun. Pero hanggang ngayon, I go nuts with almonds especially with chocolate. Deym combination makes me sucker for 'em. Ah! Naalala ko na kung paano ko nakahiligan. Dati kasi, before I went to college, lagi akong pinapasalubungan ng shota ng kuya ko ng chocolate coated almonds ng Meiji. Yung nasa red rectangular box na tig 100+ ata? I stay away from those kasi 99% ang chance na mapapabili ako. Supllyan mo ako ng almonds araw-araw pakakasalan talaga kita. LOL!

XIX Stripper - I know this sounds ridiculous and straight outrageous pero... Bago ako mag-college, noong nahinto ako ng isang taon pinangarap kong maging stripper. At wag ka! Pangarap ko pa rin siya hanggang sa bago ako grumaduate ng Engineering. Hahaha! I was a scrawny kid kasi. Well, hanggang ngayon scrawny pa din ako. Kaya pinangarap ko dati na gumanda ang katawan ko tapos ayun, magsi-stripper ako sa club. Tapos magpapatable ako at magpapatake-out. Shet dakilang callboy. Hahaha. I always joke about this with my friends. At gaya ng sabi, jokes are half-meant. Pero thankfully hindi iyon nangyari. I'm not meant to do myself harm. #talkingaboutinsecurities

XX Christian - nagbago ang way of thinking ko nang makilala ko si Jesus. I had once given up on my salvation but He have a different plan in mind. He made me realize that everything I have done, my sinfulness, Jesus brought it with Him when He died on the cross two thousand years ago. And when He raised from death, he also raised me. At lahat ng iyon ay binigay niya for free. Hindi lang para sa akin kundi para sa lahat. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 06, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Wattpad JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon