Chapter 11

100K 2.5K 93
                                    


Chapter 11
Cook

Nakaupo kami ngayon dito sa carpet at wala ni isa sa amin ni Vini ang nagsalita.

I cried because I missed him so much at dahil sa sobrang saya nang mawala ang kaba ko't hinayaan nya lang ako.

"I'm sorry.." pambasag nya sa katahimikang bumabalot sa amin magmula pa kanina.

Nilingon ko naman sya't nakita kong nakatingin lang sya sa may lapag at parang lutang na marami ding iniisip.

"All the things that I've said.. I didn't mean it that way." panimula nyang magpaliwanag. "It was all a misunderstand. I.. I don't want to cool off but I think that, that's the best solution for now, Bella."

"Pumunta ka lang ba dito para sabihin sakin na buo pa rin ang loob mong makipaghiwalay sa akin?" tanong ko't nagsimula nanamang makaramdam ng hinanakit ang aking puso. "Sana hindi ka na nag-aksaya ng pera para pumunta dito kung ganyan lang ang sasabihin mo sa akin."

Mabilis naman syang napalingon sa akin at umiling.

"Bella, hindi ako nakikipaghiwalay sayo." paglilinaw nya. "Cool off means.. We need space and time that's why we will low down our relationship for a while but it doesn't mean na nakikipaghiwalay ako."

"Vini, alam mo ba kung saan humahantong ang cool off na hinihingi mo sakin?" tanong ko sa kanya dahil baka hindi nya alam at ipapa-alam ko sa kanya para itigil na nya ang kahibangan na iniisip nya. "Ang mga couple na nag-cocool off ay nagb-break bukas makalawa. Minsan nga'y hindi sila nagb-break pero meron na agad iba sa sobrang tagal ng cool off nila."

"Bella, we're not like those damn couples who can't stay committed to their partner." ani Vini. "We're different. Our love's different than theirs."

Alam ko.. I get his point. Pero hindi ko pa rin kayang tanggapin ang alok nyang pagco-cool off naming dalawa.

"I came here to spend more time with you bago tayo magcool off hindi dahil gusto ko lang sabihin iyon sayo ng personal." he explained. "Bella, this is also hard for me... It's so hard pero alam kong mas makakabuti sa atin 'tong dalawa lalo na't we're both busy. Kapag nawalan tayo bigla ng time sa isa't-isa we will just think random things na pwedeng makasira ng relasyon natin. But come to think of it na kapag nagcool off tayo ngayon, meron ng dahilan kung bakit wala tayong time sa isa't-isa. Hindi natin maiisip na baka ayaw na nya sakin or hindi na nya ako mahal kaya hindi kami nagkakausap.."

Ang sakit dahil bawat pag-eeksplana ni Vini nang dahilan kung bakit gusto nyang magcool off kami ay unti-unti ng pumapayag ang pagkatao ko dahil alam kong tama ang mga sinasabi nya. He has a lot of point.

"Bella, please.. trust me." pakiusap sa akin ni Vini't hinawakan ng marahan ang aking kamay. "Let's trust each other.."

Napahinga ako ng malalim at bago pa tumulo ang aking luha ay niyakap ko na si Vini ng napakahigpit na mabilis nya namang sinuklian ang aking binigay na yakap.

"We can do this, Bella.." bulong nya. "I love you that's why I know that we can."

Tumango-tango nalang ako sa mga sinasabi sa akin ni Vini't pumapayag na ako sa gusto nyang mangyari.

I need to face the reality na mawawalan at mawawalan kami ng time para sa isa't-isa. Siguro nga't mas maganda na ang magcool off kaming dalawa. At may tiwala ako sa amin. Tiwala lang.

"What if we make an interesting dance revo to make our group famous and.. and.. uhmm.."

"Cut!" sigaw ni Vini.

Natawa nalang ako't lagi kong nakakalimutan ang sunod sa linyang iyon.

Nagp-practice kami ngayon ng linya ko para sa movie'ng kabibilangan ko't natapos na namin ang first and second page kaya pang third page na namin ito.

Dancing In PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon