Chapter 25

102K 2.8K 620
                                    


Chapter 25
Selfish

Magsasalita pa sana ulit si Valeen ngunit mabilis kaming hinatak ng El Dorado kaya hindi na nya magawang magsalita ulit at umalis nalang patungo sa kanyang kaibigan.

"This is fucking insane! Engaged na kayong dalawa?" hindi makapaniwalang sabi ni L.

Bahagyang napatawa naman si Vini't itinaas ang kamay ko kung saan nya isinuot ang engagement ring na bigay nya sa akin.

"This is a big revelation." aniya.

"Kailan nyo naman balak sabihin sa amin?" tanong ni Cliff. "Kung hindi ata namin narinig ang sinabi mo kay Valeen ay hindi namin malalaman na engaged na kayong dalawa."

"Ngayon ko sana planong sabihin sa inyo pero.. narinig nyo na agad." sagot ni Vini.

Napatingin naman ako kay L na hindi pa rin makapaniwalang nakatingin sa akin.

Of course! Alam ni L ang nangyari five years ago bago ako umalis patungong Los Angeles at hindi na bumalik kaya alam kong punong-puno sya ng pagtataka.

"Ang akala naming lahat ay wala na kayong dalawa." sabi ni Teph.

"Nagkabalikan kami." simpleng sabi ni Vini.

"That fast?" ani Peter. "Eh kailan ka pa ba nakauwi, Bella?" sabay lingon sa akin ni Peter.

"Hmm.. Three weeks na rin siguro." sagot ko.

"Three weeks lang tapos nagkabalikan na kayo agad at take note, engaged pa kayo!" sabi ni Teph. "Ang lupit talaga ng pagmamahalang Vini at Bella." sabi nito't nagtawanan sila except kay L na mukhang naguguluhan pa rin.

"Vinella for the win!" sigaw ni Peter.

"My OTP is sailing." kinikilig pang sabi ni Cliff kaya naman sinapak sya ng El Dorado.

"Ano nanamang kabadingan 'yan, Cliff. May pa-OTP ka pang nalalaman dyan." suway sa kanya ni Peter.

Natawa nalang ako't napailing sa kanila nang biglang sumigaw si Teph.

"Nandito na si Kai!" sigaw nito't sabay kaming napalingon ni Vini sa aming likod.

Papalapit si Kai sa amin nang nakangiti't nakipag-apir sa El Dorado't pati na rin kay Vini bago sya bumaling ng tingin sa akin.

"You're here too?" tanong nya sa akin.

Tumango naman ako't ngumiti sa kanya.

"You should've told me para maaga akong pumunta dito." sabi nya't umupo sa aking tabi.

"Biglaan lang kasi yung pag-aya sa akin ni Vini." pag-eexplain ko sa kanya't nilingon nya naman si Vini.

"Buti sinama mo si Bella dito." sabi ni Kai kay Vini.

"Of course." simpleng sabi ni Vini. "I want her to meet Valeen."

Tumango-tango naman si Kai sa sinabi ni Vini't kita kong nagkatinginan sila Kai at L.

Tumayo si L sa kanyang kinauupuan at mabilis akong nilingon saka si Vini.

"Can I talk to Bella?" biglang tanong ni L kay Vini.

Kita ko naman ang pag-aalinlangan ni Vini ngunit kinalaunan ay tumango rin sya't pumayag kay L.

Inalalayan ako patayo ni Vini sa aking kinauupuan saka nya ako ipinasa kay L.

Lumabas kami ni L ng Palladium at pinatunog nya ang kanyang sasakyan saka ako pinagbuksan ng pinto upang makaupo ako doon sa loob.

"Salamat." I uttered bago pumasok sa loob ng kotse't mabilis nya namang sinarado ang pintuan at pumasok sa may driver's seat.

Dancing In PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon