Prologue

22 1 0
                                    

Rave de la Torre

--

A/N:

Di siya cliché, onti lang pramis. <3 PS corny and boring the 1st chapter huhuhuhu i cri. Chap dedicated to Omheyzink/Johanii. LABYU BEH.

--

Nagkakilala kami nung nursery. Late siya nag-enroll at after 2 weeks pa siya pumasok. Within those 2 weeks kaso, kilala na ako bilang supladita at wala akong niisang kaibigan. Masyado daw kasi akong intimidating at masungit nun, kaya lahat ng kaklase namin eh takot sa akin.

Ang weird nga nung una namin na encounter eh, di ko talaga inaasahang magiging importante siya sa akin.

Kumakain ako ng chocolate chip cookie tas hinablot niya at kinain niya pa. Aba'y dahil dun nasapak ko siya at umiyak siya ng todo. Nung nakita ni Ma'am di ko na maalala ang pangalan, ay pinagalitan niya ako at di pa siya nakuntento sinumbong niya pa ako kay Mama.

Doble ang naging punishment ko at nainis ako ng sobra, kaya binully ko siya. At akala ko nga nun, forever na lang kami magbabangayan at mag-aaway (joke lang walang forever), kaso ang outcome ay siya ang naging 1st ever kong friend. Siya lang kasi yung nagpumilit sa akin.

After 3 years naming magkakilala na-prove niya na siguro dapat nga ako mag-accept ng mga tao para maging kaibigan ko at after 3 years in-accept ko na siya bilang equal. Ang effort noh? Kahit sa pagiging kaibigan may hintay hintay pa na nalalaman.

Siya yung naging parang knight in shining armor ko kasi lagi siyang andun para sa akin. Siya yung nagpapakalma sa akin pag madami akong kaaway at siya na din yung nandun para i-defend ako. Sabi niya kasi dati, ang lalaki ay dapat protector ng mga babae, at lalaki daw siya, kaya trip niya akong i-protect. Kahit na looking back at narealize ko na medyo sexist nung remark na yun nasweetan talaga ako ng todo.

Dati kasi, lagi kong pinipilit sa kanya na hindi ko kailangan ng kahit sinong "kaibigan" ang kailangan ko lang eh ang pamilya ko kaso he made me think otherwise. Siya din yung nag-alaga sa akin kahit na sabi ko kaya ko ang sarili ko. Batang bata palang ako, madrama na ako mag-isip, at ewan ko, eto ata ang dinulot ng mga madramang teleserye na lagi nalang nababackstab si main character.

Kaso yun nga, napatunayan niya sa akin na totoo pala ang "friends", hindi lahat plastic. Dahil dun, naging open na ako sa friendships at nabawasan na ang aking pagiging mataray at pagmamaldita. Dahil sa kanya andami ko nang pinapahalagahan. He made me realize that I do need people in my life at yun, natuto na rin ako magrely sa ibang tao. Sabi nga nila eh, ang bait bait ko na.

Nung dumating kasi siya sa buhay ko, binago niya ako ng todo, mas lalo na ang mga gagang pinapaniwalaan ko. Buti na lang talaga dumating siya kundi loner pa din siguro ako hanggang ngayon. Siguro hanggang ngayon mataray pa ako. Siguro andami ko pa ring away na napapasukan. Andaming siguro kasi siya ang life changer ko.

Siya kasi eh, pinalambot mo ang puso kong akala ko bato na hindi naman talaga kasi nagfeefeeling bato lang siya.

Kaso pagdating ng grade 5 naghiwalay na kami. Hindi naman nawala ang communication sa aming dalawa at syempre close pa din kami. Ang difference lang ay hindi na kami parehas ng school dahil nagbago ng trabaho ang father niya. At para hindi masyadong hassle, lumipat na din sila ng bahay. Hindi naman kalayuan kaso nga lang, mas matagal na ang pagpunta niya sa school namin kasi from a 15 minute drive naging 30 minutes or more dahil sa pisting traffic na inconsistent. Kaya ayun lumipat na nga siya ng school.

During those times, ang effort niya para lang makasama ako. Alala ko nung bumibisita siya sa bahay para lang makapag-bonding kami. Alala ko din nung tumatawag siya sa telephone namin kasi hindi pa uso ang cellphone nun. At mas lalo kong naaalala ang mga kasweetan niya pag birthday ko at ganun din ako sa birthday niya.

Out of ReachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon