Chapter 1

16 1 0
                                    

Xerxes Muccio /Sirk-siz Mu-sei-yo/ ang pangalan niya kaso Museyo ang tawag ko sa kanya. Half Filipino, half Italian, medyo matalino, magaling na debater, basketball player, mayaman, magaling kumanta at dancer pa! Siya na ang lalaking meron na lahat kaso nga lang etong nilalang na ito, HARUJUSKO ANG HANGIN.

Ang sarap niya sapakin minsan.

Isa siya sa mga inaway-away ko nung mataray pa ako na bata. Actually, mas nauna ko siyang nakilala kaysa kay Rave kaso siya yung isa sa mga pinakauna kong "nakalaban". Syempre ako pa, kahit na mas matangkad siya sa akin, ako pa rin ang nanalo. At napaiyak ko din siya. Ay memories ba! At ngayon kaklase ko nanaman siya, ewan ko lang kung bakit siya sa Ansel napadpad. Hindi na lang sa Braxton at mas bagay niya naman dun.

Ang haba haba ngay pala ng hair ko kasi ako ang gusto niya. HINDI AKO NAGFI-FEELING FEELINGAN OI. Mag iisang taon niya na akong nililigawan. At ang sabi ko sa kanya, huwag na siya masyado mag-aksaya ng oras at effort kasi I'm not worth it o kasi baka mabigo siya sa akin kaso kahit na anong gawin ko, ako at ako pa rin.

Kahit gusto ko namang gustuhin siya hindi ko talaga kaya kasi hanggang ngayon si Rave pa rin ang mahal ko. Kaso this time, susubukan ko na talagang magmahal ng iba. At sana magwork out.

Ang effort ni Museyo, grabi. Hatid sundo ako sa kanya ng madalas, tinanong niya pa si Papa para hingiin ang blessings niya para ligawan ako. Biro mo through skype ginawa niya yun kasi si Papa ay OFW. At payag naman si Papa kasi naaalala niya daw yung dating siya nung niligawan niya si Mama, ganun na ganun daw siya umasta. Basta huwag niya daw i-break heart ko, oks na. Kung sakali daw na i-break niya, good luck na lang sa sapak na matatamo ni Museyo mula kay Papi. Pati din kay Mama, gusto na nga ni Mama na magkatuluyan kami kasi ang pogi niya daw at bagay kami, di lang yun, gusto niya daw ng cute na mga apo at pag si Museyo daw ang napang-asawahan ko ay aba mga anak daw namin ay sobrang pogi at ganda. HAY NAKO MADER-ERT malayo pa yun masyado. Tapos eto pa, etong lalaking 'to ang sweet sweet at pabigay bigay pa ng flowers at chocolates from time to time na may kasama pang love letters. Siya na talaga ang ideal guy ng karamihan ng mga babae.

Andami ko na ngang naging haters dahil sa Museyong yun. Ang swerte ko daw masyado at bakit pa daw ako pakipot. Hindi daw kasi ako kagandahan at swinerte ako na akong pinili niya kaya huwag na daw ako mag-inarte.

At dahil din sa panliligaw niya ang pinakamasaklap ay na-iisue ako. Pinapaasa ko daw siya, ginagamit ko daw siya para sa pera niya at juicecolored ang dami pang kagagahan na hindi naman totoo. Hindi naman ako extreme poorita para gumamit ng tao ah! At ilang beses ko nang sinabi sa kanya na huwag masyadong umasa kaso ako pa rin talaga eh.

Kaso naman, madami din kaming shippers. Bagay daw kami kasi maliit ako (4'10) at matangkad siya (6'0), bagay nga daw kasi ang maliit at matangkad kasi cute tignan. At bagay din daw kami kahit na opposites kami.

Ako kasi sa acads ang focus ko kasama na ang student body council at ang mga friends and family ko. Wala akong paki masyado sa image ko pati na rin sa itsura ko. Ang motto ko nga eh, dibali na ang magulong buhok, basta utak may kwenta.

Ako nga din pala ang Auditor ng high school namin, kaso pinaglaban ko ang pwestong ito at pinaghirapan ko. Hindi ako plastik, na nag-act na responsable kunyari at nagpakabait para lang makuha ang titulong Auditor. Alam kong deserve ko ang pwestong ito. Eto na din kasi ang 2nd year kong maging audtior kaya naipakita ko naman na siguro na kaya kong mahandle ng mga kailangan ko gawin.

Mahaba din pala ang pasensya ko, kaso pag sumosobra na, well, prepare for hell. Mabait ako sa mabait at gaga ako to the most bonggang level pag ako ang naisipan mong makalaban.

Si Museyo naman on the other hand, focus niya ay ang fan base niya, ang bait bait niya kaso loko loko din yun eh. Ang plastik minsan. Wagas magpeke para lang magustuhan siya ng lahat. Pag may kaaway siya, nagbabait-baitan siya at magso-sorry-sorry pa tapos kung kasama ko naman siya wagas niyang i-trash talk.

Yun ang pinaka-difference namin, pag ako naman ang may kalaban/kaaway aba'y harap harapan na at pag siya naman hihingi pa siya ng paumanhin. Pag nakilala mo na yun, makikita mo ang na ang tunay niyang kulay.

Siya, wala siyang madalas kasama kaya kahit na mabait at may pagkagentle-man siya. Kaya ayun dagdag misteryoso points at pogi points, kaso di pa tatapat sa level ni Rave. De joke lang.

Isa pa sa mga pinupush niya ay ang pagiging MVP niya. Ang hardcore niya mag-ensayo eh. Pag nanunuod ako, jusko may mga fan girls pa siyang umaaligid at tumitili pa. Practice pa lang yun ah! Tas pag game na mismo, ang galing niya sobra! Andaming shoot.

Tas pag debate naman, talo lagi ang opposite team. Yung team nga namin dati ang pinakaunang nakatalo sa team nila eh, ewan ko nga kung pinagbigyan niya kami o talagang magaling lang kami magresearch.

Tas pagdating sa pagkanta at pagsayaw, wow grabi, nasa tono na nga tas pag sinabayan niya pa ng sayaw, ang hot tignan. Pwede na siyang mag-artista!

The thing is meron at merong pag-asa yun sa akin. Gusto ko din namang gustuhin siya kaso nga takte si Rave pa rin ang laman ng puso't isipan ko. 1st love ba naman kasi! At bakit naman ako mag-ooo pag hindi ko pa siya mahal. Ayaw kong maggamit ng iba para lang sa sake na makamove-on ako. Hindi ako ganern kasama noh. Ang puso ko ginto na! Hindi na bato, si Rave kasi eh. Ay joke lang nanaman.

Di ko naman siya pinapaasa eh, kasi pagdating ng araw at nakamove-on na ako, kay Museyo na ako mapupunta at mamahalin ko siya ng bonggang bongga.



Out of ReachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon