"HOY ANNA! NASAN NILAGAY NG KUYA MO YUNG SWELDO NG TATAY MO!!? BILIAN MO!"
diko na lang pinansin ang sinabi ng nanay ko at pinagpatuloy ko na lang ang paglalaba.
"ANNA!? ANO NA!? NASAN NA!?"
eto talaga nanay ko,ginagastos lang ang sweldo ng tatay ko,masyadong sarap buhay,akala mo sya ang nagpapakain samin,palibhasa takot lang sakanya ang tatay ko,kaya ganyan.
"ANNA!!! ANO NA!?"
"DIKO ALAM KUNG SAAN NILAGAY NI KUYA!!"
"EDI HANAPIN MO!"
"HOY MARE! YUNG ISANG DAAN NA UTANG MO AANTAYIN KO AH!"
"OO MASYADO KANG ATAT! AKALA MO DI BIBIGAY!! TSK! HOY ANNA! KANINA PAKO HOY NG HOY DITO! DI MO PARIN HINAHANAP!!"
"OPO ETO NA NGA PO!" sigaw ko.
ganto buhay ng ISKWATER!
sigaw ng sigawan akala mo napakalayo sa isa't-isa.
tumayo nako at naghugas ng kamay
pagkatapos kong maghugas,pumunta ako sa kwarto ng kuya ko at hinanap ang pera.
after 5 minutes diko parin mahanap kaya lumabas nako at pumunta sa nanay ko na umiinom nanaman na akala may pang-bayad sa tindahan.
"nay diko po mahanap"
"ANO!? BOBO KA BA? AH? KAWAYAN NA NGA LANG BAHAY NATIN DI MO PA MAHANAP!!?"
"try nyo pong hanapin"
"AB--"
"NAY! SINISIGAWAN MO NANAMAN SI ANNA!"
"EH KASI NAMAN E---- IKAW PALA YAN! NASAN NA YUNG PERA!?"
bigla kumunot ang noo ni kuya
"anong pera?"
tumayo na nanay ko at binato ang bote ng red horse atsyaka pumaywang samin dalawa ni kuya.
"ANONG PERA!? YUNG SINWELDO NG TATAY MO!"
"napang bili ko na ng pang simento,sabi kasi ni tatay para daw p---"
"ANO!? PINANG BILI NG SIMENTO!? JUSKO PO!! WALA AKONG PAMBAYAD KAY MARE! ATSYAKA DI PA KAYO NA KONTENTO SA KAWAYAN!! MAY PA SEMENTO SEMENTO PA KAYO NALALAMAN!!"
"N---"
"SIGE! UMALIS KAYO SA HARAPAN KO! BAKA MABATO KO PA SA INYO TONG BANGKUAN!!!"
tinapik na lang ako ni kuya na umuwi na kami.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"anna mag-ingat ka ah,baka mapano kapa,alam mo naman madaming loko-loko dyan sa labas"
"opo kuya" humalik muna ko sa pisnge ni kuya atsyaka umalis.
-----------------
pasipol-sipol lang ako habang naglalakad sa black road na walang katao-tao,pag-gabi sobrang dilim.
*shhhhhhhh*
anong tunog na yon?
palinga-linga ako,wala naman.Nag patuloy na lang ako sa paglalakad.
habang lakad ako ng lakad lalong lumalakas ang tunog....parang kotse?
0_0
nagulat na lang ko ng may bumulaga sa harapan ko ang limang lalake na balot na balot ang muhka,parang holdaper..
wait? hoholdapin nila ako?
"a-ano? hoholdapin nyo b-bako? d-di ako mayaman! m-mahirap lang kami! tignan nyo dun sa tabi ng white house! d-dun! deretso lang kayo! m-makikita nyo bahay namin na puro kawayan na may na kasabit na tarpoline ni ninoy at naka sulat LABAN! tapos makikita nyo y-yung cr namin na may butas napa square nakatakip lang ng b-bag ko dati!!!"
utal-utal ko sabi..
ano ba yan! pati tuloy butas ng banyo namin na sabi ko,baka mamaya silipan ako nitong mga lalake nato.
*clap clap*
may pumalakpak,at bigla nila ako hinawakan.
aba! parang di pa naniwala!
"h-hoy! m-mga k-kuya!
sabi ko di kami mayaman! halika sama..hmmmmpp!!"may tumakip ng panyo sa ilong ko na sobrang nakakahilo,hanggang sa nawalan nako ng malay..
BINABASA MO ANG
Artistang Ubod Ng Yabang
JugendliteraturAng artistang ubod ng yabang akala mo sya may ari ng pilipinas kung manglait wagas at meron namang babae na lagi broken hearted dahil masyado daw syang maganda kaya lagi sya naloloko na muhkang unggoy nyang ex.. pano kaya kung mag-kita ang dalawa sa...