Hugot

70 1 1
                                    

Lahat tayo ay nagawa ng umasa.
Hindi lang sa love o sa mga taong minahal natin.

Ako? Naranasan ko na ang umasa. Hindi lang iisang beses kundi maraming beses na. Madalas akong masaktan dahil madali akong maniwala sa mga sinasabi o pangako ng mga taong nakapaligid sa akin.
Hindi ko nga alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako natuto na huwag paasahin ang sarili ko sa mga pangako na lagi namang napapako.
How foolish of me, right??

Nakakatawa nga, eh. Dahil madalas pang magpaasa sakin ay ang mga taong malapit sakin. Yung mga taong mahal ko. Sa bagay, di ka naman aasa kung hindi mo mahal diba?

Just like my parents.
Sabi nila mag-aaral ako ng college. Hindi nga lang daw agad-agad dahil kailangang patapusin daw muna namin yung panganay. Edi sabi ko okay lang. In fact, im really happy that time na sinabi nila sa akin yon. Syempre naman noh. Sino bang anak ang hindi sasaya kapag sinabi ng parents mo na makakapagcollege ka? Diba wala? Kasi nga lahat tayo may pangarap sa buhay.

Naghintay ako ng ilang taon. At dahil hindi naman kami mayaman, nagtrabaho muna ako para man lang makatulong sa pag-aaral ng ate ko. Lahat ng sahod binibigay ko, para lang wala silang masabi. Until dumating na yung graduation ng ate ko.

"Ma, kailan ako mag-aaral?" Tanong ko sa kanya pagkauwi nila from school.

"Hayaan mo munang magtrabaho ate mo. Kahit mga one year lang." Sabi niya.
Edi inintindi ko.

Hintay ako ng hintay hanggang ilang taon na ang umabot since nagka-work ng maayos si ate.
Ni hindi nako nagtanong kung kailan ba talaga ko mag-aaral. Halata naman kasi na wala naman talaga silang balak. Dahil everytime na io-open ko yung topic nayon, wala pa man umiiwas na sila.

Tangina diba??!!

Ni hindi ako nag-ipon para sa sarili ko dahil umasa akong makakapag-aral naman ako.
Pero letse lang talaga!!!
Gaano ba kahirap yung sabihing hindi na nila ako pag-aaralin??!
Ni hindi man lang nila inisip na umasa ako!! Na yung isang anak nila umaasa!! Nakakagago!!

Favoritsm just make me wanna say "what the f*ck?!!"


Isa silang malaking PAASA!!!

Paasa 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon