Her Return

80 10 9
                                    


Limang taon matapos ang sakit na naramdaman ko.

Limang taon na ang nakalipas nang umalis ako at iwanan sya.

Ngunit kasabay ng aking pag-alis ay sya rin namang simula ng aking pagtitiis.

Pagtitiis na wala sya sa tabi ko at hindi sya nakikita.

At ngayong nandito na ulit ako,sana makita ko syang muli at masabi ko sa kanya ang tunay na rason kung bakit ko sya nagawang iwan.

5 years ago...

"I'm sorry Bryle.Sana mapatawad mo ako pero hindi ko na maramdaman ang pagmamahal ko sayo.Hindi ko alam pero pakiramdam ko nawalan na ako ng gana" I said putting a coldness in my voice.

"What?Ano ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong nya.

"I'm sorry,Bryle but I fell out of love.Nagising nalang ako isang araw na tinatamad akong makipagkita at makipag-komunikasyon sayo.Ayoko na,Bryle.Wala na akong iba pang maramdaman sayo bukod sa pagkatamad." lintanya ko sa kanya habang pilit kong pinipigilan ang nagbabadyang patak ng aking mga luha.

Kitang-kita ko na nasasaktan sya,at ang lalong nakakapagsakit pa noon ay ako ang may kagagawan.Sinasaktan ko ang lalaking pinakamamahal ko.Pero sa tuwing maaalala ko na ilang linggo lang ay iiwan ko sya,pinipili kong balewalain na lamang yun.Mahirap isipin na yung taong walang ibang ginawa kundi mahalin ka ng walang humpay at buong-buo ay lilisanin mo.

Alam ko na mas makabubuti ito sa kanya.I don't want him to be miserable.I know this time he's in so much pain but soon,he will get over it easily.

I really love Bryle.Ang kaisa-isa at kauna-unahang lalaking minahal ko ng lubos. At handa akong ilaan sa kanya ang kung anuman p ang maibibigay ko sa kanya. Pero ito na nga ata ang punakamabuting bagay na dapat kong  gawin ko para sa aming dalawa.

Marami na siyang ginawa to make our relationship better and stronger.
But I think it'll end like this.

My mom told us (my younger sister) that we are going to migrate in New Zealand.I and Liana (my younger sister) will continue our study there.I as a college student and Liana as a freshman highschool student.

Yes,I won't deny it that some part of me feels happy because I will be able to reach my goals there easily.But the other part of me is worried knowing that I have my loved one here whom I will leave without even explaining the reason.

Natigil ako sa aking pag-iisip nang makita kong halos lumuhod na si Bryle sa harapan ko na humahagulgol at nakikiusap na huwag ko syang iwan.

Gusto ko syang daluhan,halikan,yakapin at sabihin sa kanya na hindi ko sya iiwan.Pero nanatili akong nakatayo lamang na parang walang pakialam sa lalaking sobra kong minamahal.

I can't take it anymore.I don't want him seeing like this because of me.So,before i could hug him and do such thing that could confused him.I already walked away and left him without uttering any words.

At kasabay ng pagtalikod ko sa kanya ay sya ring pagbuhos ng mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Pagpasok ko ng bahay,nakita ko pa si mama na malungkot na nakatingin sakin.Di ko sinisisi si mama sa mga nangyari.I know that she only wants the best for me,the best for our future.Umakyat na ako ng kwarto ko at doon ko inilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko habang tinititigan ko ang larawan namin ni Bryle na nasa sasakyan.Makikita dito na napakasaya naming dalawa.Sa akin sya nakaharap habang nakaakbay,samantalang nakanguso ako na tila hinahalikan ang camera.

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon