Chapter 3

22 1 0
                                    

MENG'S POV

*knock knock*

Kumakatok na si Kuya Peter. Haha. Kanina pa pala kami nandito sa tapat nila. Nagtataka na siguro bat wala pang bumababa haha.

"Oh andito na tayo sa inyo. Tawag ka na ni Kuya Peter. Haha Congrats ulit pyeng. Goodnight. Loveyou!"
Halatang lutang nanaman tong si pyel. Hay sana pagisipan nya yung mga sinabi ko.

"AH haha oo nga. Goodnight din meng. Thanks! Loveyoutoo!"

Pagkalabas ni Pyel, umalis na din ako agad.

Ano kayang pinagkakaabalahan ni Kevin? Hayy

*bzzzzt bzzzzt*

1 message received

From: Kevs <3
Charm. Andito ako sa tapat nyo. Asan ka?

HUH? Bat sya nasa tapat ng bahay?

Siguro namimiss na ko neto hahaha.

Nako naeexcite na ko makita syaaaa. Binilisan ko na yung pagdadrive. Tila na ko nakikipag karera sa highway sa sobrang pagmamadali hahaha.

AT SA WAKAS!

Natatanaw ko na yung kotse nya sa tapat ng bahay namin.

Bat di sya pumasok? Nandun naman si Nay Mara. Katulong namin sa bahay.

*beeeeeep beeeeep*

Bumusina na ko para makita nya ko.

Sumilip pa ko sa bintana. Sobrang ngiti ko pa hahaha. Namiss ko sya eh bakit ba?

Pakapark ko ng sasakyan. Bumaba na din ako agad.

"KEVVVV! NAMISS KITAAAA!"

Niyakap ko sya agad grabe sobrang namiss ko to.

"Tara pasok muna tayo sa loob. Madami akong ikukwento sayo! Hahaha saka ano--"

Maglalakad na sana ako kaso pinigilan nya ko.

"Charmaine"

Pagharap ko sa kanya kitang kita ko yung coldness sa mga mata nya.

May problema ba sya?

Nag aalala nako.

"Kev--"

"Break na tayo."

"Hahaha hindi magandang joke yan kevs. Tara na nga sa lo--"

Hinawakan ko na sya sa braso para dalhin sa loob hahaha.

"Hindi charm. Seryoso ako. Hindi na kita mahal. Ayoko na."

Napabitaw nalang ako.

Anong sinabi nya?!

Nagulat nalang ako pagharap ko wala na sya. Paalis na sya.

"Ke...vin."

Dun na nagsimulang tumulo yung luha ko.

Ang.. ang sakit.

Sobra..

Napaupo nalang ako sa pagkagulat. Iyak ako ng iyak. S..sobrang sa..kit.

"Nak. Ayos ka lang ba? Tara na sa loob. Gabi na oh. Halika."

Inalalayan ako ni Nanay hanggang makarating kami sa kwarto.

Nanghihina ako.

"Nak, gusto mo bang kumain? Paghahandaan kita."

"Ahh.. ayos lang po n..nay. Kayo nalang po. Mag.. magpapahinga na po ako."

Trial & ErrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon