HUG #25: NEW KATIE? DI RIN!!

41 3 0
                                    

MHYR-MHYR's POV:

Hayys~ 2 months had passed. Anong nangyare sa play? Well, okay naman lahat. Meron lang akong isang MALIIT na bagay na hindi maintindihan, MALIIT na MALIIT lang naman.

Ganito kasi, sa play namin nung 'Romeo & Juliet', napag-usapan na namin na fake lang dapat yung 'KISS' nakakainis nga e! Alam niyo bang hirap na hirap akong i-practice yung kiss dahil lagi niyang sinasabi na, "bakit di nalang gawing totoo yung kiss?! Tss! Panget ka na nga choosy ka pa! -_____-"

O kita niyo? Sino gugustuhing maging Juliet niya? Oo, pogi siya. Oo, yummy siya (o! Di ko tinangge! :P). Pero, pwe! Sama naman ng ugali at wala pang pasensya! Wag na!

Eto pa, mahuhulaan niyo ba kung ilang halik yung nakuha niya? Huhuhu. Di ko rin mabilang. T______T

*FLASHBACK*

>2nd week of practice<

"o game, i-practice na natin.. yung.. kiss.. -///-" yaya ko kay Jovic d' PLAYBOY. Kung nasaan kame? Well, andito ulit sa duyan sa rooftop. Ewan ko ba, pero, parang naging tambayan na namin to/practice-an.

"*smirk* gusto ko to. Haha. (^;_;^) lalo na't MASARAP AKO!" ngiting asong sabi niya. Wag na kayong magtaka, inaasar niya parin ako tungkol sa 'MASARAP' na 'yon! Di 'ko naman sinasadyang masabi 'yon e. Pero, sige na nga, totoo nang 'masarap' siya. Pero, wala 'kong balak sabihin. Baka lalo pang lumaki yung ulo ni Jovic. "uy, panget na nerd! Tara na! Kissing scene na! Hahaha!" nagising lang ako sa kahiya-hiyang ala-ala nung nagsalita siya kinakaway-kaway yung kamay sa mukha ko. Inayos ko yung salamin ko, "tss! Kamay mo naman! Baka mabasag yung salamin ko!" natamaan kasi nung kamay niya yung salamin ko. Mahal kaya ng paggawa ko dito. -_____-

"tss! Tanggalin mo na kasi yan! Kissing scene na nga e." tss. Tumataas baba pa yung kilay niya. Aalisin ko na sana yung salamin 'ko nung pansin 'kong titig na titig siya. Binalik ko sa pagkaka-ayos yung salamin ko, pumameywang at sinabing, "bakit ganyan ka makatingin?!"

"wala. Inii-magine ko kasi yung itsura mo pag walang salamin. Siguro, singkit yung mata mo? Haha. Panget ka na nga, wala ka pang mata. Hahahaha!" BUISET! Ang sama talaga ng lalaking 'to. Teka, di niya pa ba nakikita? Lagi 'ko namang tinatanggal salamin ko pagkatapos ko siyang i-tutor ah? Malamang! Nakalimutan 'kong siya nga pala yung Campus' Playboy at ako'y hamak na panget na nerd lang kaya di siya mag-aaksayang tignan ang panget 'kong mukha. Hindi ko nalang pinansin yung insulto niya at tinanggal ko yung salamin ko. Tinignan ko yung script. Ah, eto yung nasa terace si Romeo at Juliet at dun magaganap yung kiss.

"oi, ganito yung position mo." inusog ko siya habang nakatingin sa script at nag-aanalyze. "tapos ako dito.." bulong ko sa sarili ko at tumapat sa pwesto niya. "o game na," nakatingin ako sa taas at kinakabisado ang linya ko.

Mga 30 seconds na ang nakalipas pero di parin siya nakakapagsalita. "huy! Ano na?!" nakita 'kong nakatulala lang siya sakin. "oy! Oo na, panget ako. May salamin o wala.. Pero, di mo namang kelangan magulat. -____-" sabi ko pero nakatingin parin siya. "tsk! Oo na! Hindi kalakihan yung mata ko pero, hindi naman singkit. Oh, okay na? -______-" nakatulala parin siya naiinis na 'ko! >____<. Ako naman ang kumaway-kaway sa tapat ng mukha niya, "tss! Sige na. Asarin mo na 'kong panget. Dali! Basta, makapag-practice na tayo! -____-" ewan ko ba. Mas gusto ko pang inaasar niya ko kesa nakatungaga lang siya at naka-nganga. Pinitik ko yung noo niya. Hihi. Wala lang. ;P

"ah.. A-ano nga? Ah, oo.. S-san nga t-tayo?" wala sa utak na tanong niya at nakatingin padin sakin.

"ano ba! Nakatambay na nga lang utak mo, ayaw mo pang paganahin." nakatingin padin siya at napansin 'kong namumutla siya. "ay master playboy! Bakit ka namumutla? May sakit ka ba? Nagugutom ka ba?" tanong ko. Aba! Nakakahiya naman kay Mrs. Crisostomo pag nagka-sakit siya.

One Last Hug (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon