Chapter 1: The epic start :)

334 6 4
                                    

Chapter 1: The Epic start.

*ring ring*

Inang reyna is calling.. (Click answer)

Ako: Oh mahal na reyna, bat po?

Mama: Ay Mahal na prinsesa. Wala ka bang balak umuwi?

Ako: Syempre meron po.

Mama: Aba eh, meron pala eh! De umuwi ka na! Kaninang maga ka pa kaya jan sa park! Ano ba, di pa ba tapos yang pagmumuni-muni mo jan? Ano ba iniisip mo? Brokenhearted ka ba? Halika dito, madami akong lalaking ipapakilalala sayo!

Ako: Andaldal mo mahal na reyna! Uuwi na nga po eh oh! 

Mama: Abay mabu--

*toot toot*

Call ended. Pinatay ko na. Dadaldal pa un si Mama eh.

Haaay si Mama talaga, di naman ako broken hearted eh. Nandito lang naman ako sa park para kumain ng cotton candy at ice cream eh. Hindi naman para magmuni-muni. Saka brokenhearted? Duh. Di ko pa nga nahahanap si Soulmate. :) 

Tumayo na ko mula sa pagkakaupo ko sa bench. Hinawakan ko pa yung pwet ko. Medyo nangangalay kakaupo eh.

*woooosh wooosh* tunog ng hangin yan. Wag kayo magulo.

Habang naglalakad ako. Feel na feel ko. Anlakas kasi ng hangin. Lumilipad tuloy yung buhok ko. Feeling ko nasa isang eksena ako ng koreanovela tapos habang naglalakad ka, may yayakap sayo mula sa likuran. Bubuhatin ka nya na maAla-Dawn Zulueta. Tapos, iikot-ikot ka nya. Itataas mo naman ung kamay mo.. ayyy Maitim pala kili kili ko.. kailangan di ako nakadress na sleeveless pang nangyari yun. HAHAHA! :D

Pero para mas feel ko pa, yumuko ako tapos itinaas ulit ung muka ko. Aaaaaah! Nagflyway lahat ng buhok ko! *o* Model na model na dating ko nito. Hihi XD Photographer nalang talaga ang kulang. 

Sa sobrang lakas ng hangin, yung mga dahon sa park naglilipadan.. Sinusudan ko ng tingin yung ibang dahon.. Ah alam ko na! Para mas intense yung moment ko, nagFLip hair ako.. pero sa pagflip ko ng hair...

MAY PAPEL NA TUMAKIP SA MUKA KO!!!

Ughhhhh! Buset!

"Pwe! Ano ba to?! Panira ng moment!" sabay alis ko ng papel na tumabon sa muka ko. Naiinis ako dahil nasira na moment ko, muntik ko pang makain yung papel. Kasi nga nakangiti akong nakanganga sa sobrang saya at sobrang feel ko yung moment kanina. 

Pero ngayon, badtrip na! Panira yung papel!! >.<

Sa sobrang badtrip ko. Pupunitin ko na sana ung papel kasi mukang luma naman na. -__-

Pupunitin ko na yung papel.. Pumwesto na ko na pupunutin ung papel.

In,

3,

2,

1..

"How to find your soulmate?" basa ko sa nakasulat sa papel.

Bigla namang naging *o* star ang mga mata ko. Hihi! Napukaw ang atensyon ko ng lumang papel na to ah! 

Nakatitig ako sa papel. Sabi nila dadating daw ang soulmate ko ng hindi ko inaasahan. Eh bakit may ganito? May ganitong papel na parang ipaplano mo kung pano mo mahahanap soulmate mo?! Loko talaga yung mga ninuno ko, OO! Pwede naman palang hanapin ang soulmate sa mabilis na paraan. Pinagiintay pa ko!! BWUHAHAHAHAHA! :D

Akalain mo nga naman, mahahanap ko na ang soulmate ko! I feel it! NabaVibes kooo naa!! BWUHAHAHAHA! :D Magready na ang soulmate ko!! BWUHAHAHAHA! :DDD

How to find your Soulmate? (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon