Author: Sinong gusto magpadedicate? All you have to do is to post your comment sa chapter na to. Kung sini ang may pinaka nakakatuwang comment, sa kanya ko ide-dedicate. You must be a follower syempre ^___^v
[Zed's]
Nagtataka lang ako, bakit biglang umiyak si Addie nung tinanong siya ni Kea? Tumakbo siya palabas, habang naulan...
Nang biglang...
*BEEEEEEEEEEEEP BEEEEEEEEP*
*Boooooooooggshhhhh!*
"A-addie? Kea! Si Addie!!!"
Nabangga si Addie. Malubha ang lagay niya ngayon. Nung araw na yun. Bakit nakaramdam ako ng guilt? Gawa ba nung... kiss? Oo, hinalikan ko siya noon, nung araw na nagkalabuan kami ni Kea, nung araw na halos di na kami nagpapansinan ni Kea. Ayoko malungkot kaya naman, lumapit ako sa isang bestfriend ko, si Addie. Masiyahin kasi siya kaya baka mapatawa niya ako pag siya kasama ko, pero baligtad. Ako ang nagpapatawa sakanya. Naging joker ako simula nung nakasama ko siya. Sa loob ng isang buwan. Di ko alam kung may nararamdaman ako sakanya.. di ko alam. Nahuhulog na yata ako sa kanya ng hindi ko nalalaman... di ako sigurado.. naguguluhan.
Maski ako naguguluhan that time hanggang sa si Kea na ang nakipag ayos sakin. Niligawan ko siya pero sinagot niya agad ako. Tapos nung araw na yun.. di ko parin alam kung bakit tumakbo si Addie..
1 year na, 1 year na pala ang nakalipas. Eto, isang taon na din palang comatose si Addie. Oo, nagulat kayo no? Comatose parin siya hanggang ngayon. Malubha kasi ang tama sa ulo niya. Sabi ng doktor 50 50 daw ang chance niya, maaaring bumigay siya habang naka-coma or lumaban parin siya.
Isang taon ng walang malay si Addie, isang taon na din kami ni Kea.
"Babe, bisitahin natin si Addie ngayon." ang sabi ko kay Kea na alam kong di makakapunta dahil sa thesis niya. Dahil din sa thesis na yan, nawalan siya ng time sakin.
"Ay so sorry babe, may itatype pa ako para sa thesis ko, bukas nalang babe?"
"Ah ganun? Lagi nalang thesis! Isang oras lang oh! Isang oras lang! Si Addie yun! Bestfriend natin! Wala kang time ngayon? Mas uunahin mo yang thesis mo, kesa kay Addie na hindi natin alam kung kailan gigising or kung magigising pa siya ha?! Dahil satin kaya siya nasa kalagayan niya ngayon!"
"Satin? b-bakit? A-anong ginawa natin?"
"W-wala.. alis na ko."
Muntik ko nang masabi yun...
Oo, alam ko na kasi na may gusto pala siya sakin matagal na kaso di niya narealize agad.. Inaamin ko mahal ko na din si Addie noon, kung narealize niya sana ng maaga..
Nalaman ko yung feelings niya dahil may iniwan pala siyang sulat sa locker ko.
Dear Bestfriend Zed,
Alam ko, nagtataka ka ngayon kung bakit ako naglagay ng sulat dito sa locker mo no? Naaalala mo pa ba nung una tayong magkita? Sa hospital, right? I can't imagine na dun palang pala nahulog na ako sayo. Yes, tama ka. May gusto ako sayo Zedrick, mahal na kita Zed. Ang slow ko naman kasi, ngayon ko lang na-realize. Kaya pala nung una palang ang gaan gaan na ng loob ko sayo. Nung una palang komportable na akong kasama ka. Lagi akong masaya sa tuwing nasa tabi kita. Dahil sayo din kaya nagkaroon ako ng isa pang kaibigan. Si Kea.
Ang saya saya ko that time! Naging magbe-bestfriends tayo! Kasi wala naman akong matinong mga kaibigan. Lahat sila plastik lang. Ikaw yung nagturo sakin kung paano maging malakas, matapang para kahit anong sakit ang maranasan ko sa buhay, ready ako. Di ko lang talaga akalain na nung araw na yun.. haha. Narealized ko na na in love ako sayo. Nung nag outing tayo nung summer last month. Nang-iinit ang muka ko nung niyakap mo ako. Nauutal din ako at di makatingin sa mga mata mo pag kausap mo ko. Signs na pala yun.
BINABASA MO ANG
Painful One (On Hold)
Teen FictionPain. Simpleng salita. Mabigat sa damdamin. Nakakasakit. Nakamamatay. Lalo na kung sa mga taong malalapit at espesyal sa buhay mo ang nakasugat sa puso mo. Kakayanin mo kaya? Or you will just simply give up?