Marami tayong ugaling PiNOY na malamang hindi naten napapansin sa ating sarili pero wag ka, sa iba lagi nating pinupuna...
Malamang isa ka sa PiNOY na tanung ng tanung kahit pa alam na natin sa ating sarili ang kasagutan sa ating tanong...
At malamang din na isa ka sa mga PiNOY na sobrang pag ka filipino time ang pinapairal...
Marami tayong ugaling hindi natin nakikita sa ating sarili at pinupuna naten sa iba samantalang hindi lang natin napapansin tayo mismo din pala ang gumagawa.
Dto ko sisimulan ang isang maikling pag papatunay na ang Isang PINOY ay Pnoy na Pnoy talaga.
BATA...
Narinig nyo na ba sa inyong mga magulang ang salitang...
"Umuwi ka na! Gabi na! Lalabas na diyan ang mamang may dalang sako!"
Oh kaya naman ay ang salitang
"Cge ka! Pag hindi ka kumain sa gabi at natulog ka ng gutom lalayas yung bituka mo mag hahanap ng pagkaen sa ref tapos makukulong sa ref hindi na makakalabas hindi na babalik sayo!"
Ang salitang yan ay ang pinaka kinatakutan ko dati dahil ayaw ko naman mawalan ng bituka sa tiyan at lalong lalong ayaw kung makita ang bituka ko kada bubuksan ko ang ref namin...
Minsan ay sinasabi pa nilang "kapag hindi ka natulog ng tanghali hindi ka lalaki"
Samantalang ngayon ang lagi nilang sinasabi "ikaw bata ka! Tulog ka ng tulog! Hindi ka na lalaki"
Ito pa ang pinaka malala kapag nasusugatan ang lagi nilang sinasabi "cge ka! Lagot ka! Lalabas ang pare at train diyan!"
Na ang tanga tanga ko dahil pinaniwalaan ko.
At ang pinaka nakakakonsensya sa lahat ng mga sinabi ng ating mga magulang "ikaw bata ka ayaw mung kumain samantalang ang daming nagugutom na bata sa lansangan!"
Samantalang napag isip isip ko ngayong nasa tamang edad na ko "kapag kumain ba ako mabubusog sila?"
Ilan lang yan sa mga sabi-sabi o salitang nag iwan saten ng mga tanong na hanggang ngayon iniisip pa din naten ang mga kasagutan dito.
sa ugaling PiNOY hindi din naten maaalis ang mga tradisyong ating kinalakihan. simulan naten ang pag pasok ng bagong taon, na tradisyon saten ang mag handa ng