MY SECRET LOVE (ONE SHOT BOYXBOY)

5.2K 57 10
                                    

 MY SECRET LOVE (ONE SHOT)

“The Words I’m Sorry doesn’t seem to fit, I can think of anything else, I love him mom, even though I haven’t yet told you and it’s not my intention to hurt your feeling, to make you mad at me, to make you cry because of what you see, mom this is the real me, please if you still love me and care for me, accept first the real me.”

-Nathan.

……………………………..

KYLE POV

Papunta ako sa Military Base kung saan nagtetraining si Nathan bilang isang Sundalo, nakasakay ako sa isang bus papuntang Baguio, almost 8 hours ang byahe papunta sa baguio dala ang regalong matagal ko ng gustong ibigay sa kanya kay Nathan.

May isang babae akong katabi, dahil sa sobrang boring ng byahe ay kinausap ko sya, “ahmmm sa Navy Base Karin ba pupunta?” tanong ko sa kanya she smiled at me and say “Yes, how about you?” balik nitong tanong sa akin, “Oo! may dadalawin lang ako isang taong napakaimportante sa akin” sabi ko sabay tumingin sa kagandahan ng lugar ng baguio, she stared at me and frequently asked me “siguro nga? Importante sya sa iyo? Kasi bitbit mo pa ang regalo na ibibigay mo ata sa kanya?” sabay nakatingin sa regalong hawak ko ng mga oras na iyon, isang box na may lamang Tsokolate ang box na iyon sobrang espesyal noon kasi ako pa mismo ang gumawa noon, para kay Nathan.

Pagkalipas ng ilang oras pa ay nakarating narin ako sa Navy Base, malaki ito at napakalawak, pumasok ako sa visiting office nila, kung saan ay dapat  nag-aantay ang mga taong bumibisita sa nagtetraining doon.

30 minutes lang ako nag-antay sa loob ng visiting room, pero wala parin si Nathan medyo naiirita na ako kasi mainit at medyo maingay dahil sa sobrang dami ng tao sa loob ng visiting room, at most of them ay mga kasintahan ng mga nagtetraining sa loob ng base. Hanggang sa may humawak sa aking likuran, napalingon ako sa aking likuran, ngumiti sabay tumayo, “hey it’s you” sabi ko kay Nathan sabay niyakap ito ng kay higpit, sobrang miss na miss ko na sya, “mukhang pumayat ka ata ah?” tanong nya agad sa akin na parang nag-aalala sa kalusugan ko. Umupo ako sa table na kung saan inantay ko si Nathan ng halos isang oras, hindi sya nagsasalita bagkus tinititigan nya lang ako.

“wag mo nga akong titigan ng ganyan” sabi ko sabay ngiti sa kanya, “I miss your eyes, I miss you lips, I miss everything in you Kyle” then he holds my hands nangwalang takot na baka may makakita sa amin at baka mag-isip ng iba sa kanilang nakikita.

“namiss rin kita, miss na miss, kaya nga ako napadpad dito dahil sa iyo” sabi ko sabay tintitigan ang kagwapuhan ni Nathan, ang gwapo nyang tignan sa uniform nya, astig, sundalo na ang boyfriend ko.

Sa canteen kaming dalawa ay kumain, nakatitig parin sya sa akin habang sumusubo ito ng kanyang kinakain na adobo na may kasamang kanin, “matutunaw na ako nyan, tumigil ka nga”. Sabi ko na para tigilan na nya ang ginagawa nyang pagtitig sa akin, “titigil lang ako sa pagtitig sa iyo kung hahalikan mo ako” kinagulat ko ang mga sumunod na sinabe nya hahalikan ko sya infront of everyone, sa canteen kung saan maraming kumakain, hanggang sa may napansin akong isang pamilyar na mukha sa bandang likuran ni Nathan, sya yung babaeng nakasabay ko sa bus kanina lang, si Mila, at siguro ang lalakeng kasama nya at kausap na siguro ang kasintahan nito, I’m happy for them.

MY SECRET LOVE (ONE SHOT BOYXBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon