Prologue

4.5K 39 13
                                    

Darn this rain!

Napamura ako sa isip ko nang biglang kumulog ng malakas.

At this moment, ako ang pinakamalas na nilalang sa mundo. We just finished our photoshoot for a final requirement nang biglang umulan ng malakas. Kakasira lang ng payong ko kaninang umaga. Tapos gutom na gutom na 'ko ngayon kaso wala akong cash. At wala pang charge yung phone ko dahil ginamit na pang document kanina nung shoot.

Ano pa bang imamalas ko ngayong araw na 'to?!

Nakasilong ako ngayon sa kiosk malapit sa location ng photoshoot namin kanina, within the school lang naman, pero wala akong tiwala sa kiosk na 'to dahil tumutulo yung ulan sa loob. Sa kabilang banda ng kalsada ang hilera ng mga kubo kung saan maraming mga estudyante ang nagpapatila rin ng malakas na ulan. Doon. Doon ako pupunta.

Tiningala ko ang langit saka ipinandong ang bag ko sa ulo ko sabay takbo ng mabilis pero dahan-dahan para hindi madulas, papunta sa mga kubo. Saktong dalawang estudyante lang ang nasa kubo na 'to. Agad kong pinunasan yung nabasang parte sa'kin.

Nilingon ko ang ulan at napa buntong hininga nalang. Anong petsa pa ako makakauwi nito? Umupo ako saka tinitigan uli ang ulan. Mamahalin ko sana 'tong ulan kung pinauwi niya muna ako bago siya bumuhos, kaso hindi ata nakapaghintay, nag-let go na.

I stared at my dead phone and shoved it back in my bag. This day is so useless. It's not ending so well either. Pakamatay na ba ko?

Mayroon akong pigurang nakitang tumatakbo mula sa malayo. Lalaking estudyante na may payong naman pero nagmamadali paring makasilong. Malakas talaga kasi ang ulan, mahirap maglakas loob na sumugod sa ulan kahit na may payong ka pa.

Papalapit siya ng papalapit sa kubo kung nasaan ako at unti unti ko siyang nakikilala. Siya iyong tutor namin sa isang major subject! Upperclass man siya ng course namin at officer ng isang organization sa department namin sa college namin.

Nang makasilong na siya ay ngumiti siya sa'kin. Gwapo pala siya. Ngumiti lang din ako pabalik kahit na labag sa kalooban ko dahil sirang-sira na ang araw ko.

Umisod ako ng bahagya para magkaron siya ng pwesto para makaupo.

He brushed his now wet hair.

Oh, siya nga pala yung crush kong fourth year.

Yun lang yun. Crush lang ganon. Admiration. Why not? Gwapo, matangkad, matalino, achiever.

Umupo siya sa tabi ko, not really beside me. May space parin syempre. Basa kaya siya, sumilong nga ako para di ako mabasa tapos mababasa lang ako dahil dumikit ako sa kanya?

I tried not to notice his presence. Malamang, di naman kami close eh. I'm not even sure he recognizes me. So I acted nonchalantly.

Punong-puno na ko ng mga mura sa utak ko dahil naiinis parin ako sa sitwasyon ko. Pag-uwi ko sa apartment, baka makabato ako ng kahit anong bagay na una kong makita, pasensya nalang.

Maya-maya ay umalis na yung dalawang naabutan ko dito sa kubo. Malakas parin naman yung ulan at wala pa silang payong, bakit sila sumugod?

Now I'm left with him. Gosh, ang awkward. Wala pa kong phone para man lang may mapagkaabalahan ako habang naghihintay.

Sinandal ko ng ulo ko sa back rest ng upuan dito sa kubo at napapikit nalang. I badly want to go home right now.

Suddenly may narinig akong punit nang plastic kasunod ang umalingawngaw na amoy ng chips. Aaagh, fuck not now!

Nagpipigil ako ng paghinga at sinusubukan ko ring wag kumalam ang tyan ko, nang nilahad sakin ni kuyang crush ko yung chips sa harap ko.

"Gusto mo?" Tanong niya. Pabalik-balik lang ang tingin ko sa chips at sa kanya. Nakatingin lang siya sa'kin, waiting for my response.

Not Like the MoviesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon