PAGMAMAHAL AT PAGGALANG SA MAGULANG

8.8K 8 2
                                    

Isa sa sampung utos ng Diyos ang
nakasaad dito
Pagmamahal at paggalang sa ating mga Magulang
Ibigin mo ang iyong mga Magulang ng higit pa sa lahat
Tulad ng pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan

Lahat tayo ay may kanya-kanyang magulang
Inaruga at pinalaki tayo sa tamang buhay
Minahal at binigay ang ating mga pangangailangan
Pinag-aral ng mabuti para sa ating kinabukasan

Hindi lahat ng Magulang ay magkakatulad
May mga magulang na sila'y nagkulang
Hindi nagabayan ng husto ang kanilang mga anak
Dahil dito maraming kabataan ang naging pariwara

Kung ating pagninilayan
Ang ating mga magulang ay nagsusumikap na maiahon ang kanilang mga anak sa hirap ng buhay
Ginagawa nila ang lahat
Tiniis ang lahat ng hirap at sakit na kanilang nararanasan

Tunay ngang mapagmahal ang ating mga magulang
Marami silang mga hirap at pasakit na pinagdaanan para lamang sa kanilang mga anak na mahal

Babaliwalain ba natin ang lahat ng sakripisyo ng ating mga magulang? O magsisilbi itong inspirasyon sa ating lahat para mapaganda ang ating kinabukasan?

Ako bilang isang anak,
Gusto kong iparamdam sa mga magulang ko ang aking pagmamahal kahit sa napakasimpleng paraan lamang

Ako'y nangangako sa aking mga magulang na mag-aaral ako ng may katapatan
Paggalang sa kanila'y hindi ko tatalikuran
Diringgin ko ang mga payo ng aking mga magulang

Bilang kabataan ngayon ng ating bayan
Hinihikayat ko sa inyo na mahalin ang ating mga magulang
Tinuruan nila tayo ng magagandang kaugalian
Sana maipamana rin natin ito sa kinabukasan

Ako'y lubhang nagpapasalamat sa aking mga magulang
Sapagkat binigyan nila ako ng buhay, sa lahat ng mga sakripisyong ginawa nila para sa akin
Nagpapakahirap sila sa ibang bayan
Para lamang matustusan ang aking mga pangangailangan
Dahil ang nais lamang nila ay ang mabigyan ako ng magandang kinabukasan

Pagmamahal at Paggalang Sa MagulangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon