Prologue

34 0 0
                                    

Maganda, Mayaman at Sexy..

Mga katangiang hinahanap ng mga lalaki. Mga katangiang pilit na inaasam ng mga babae. Sabi nila, kung may katangian kang ganyan sikat ka at kaya mong makuha ang lahat ng gusto mo. 

Tama nga naman! Sino ba namang hindi sisikat kung isa kang maganda at sexyng dilag? Tsaka sinu ba namang mayamang angkan na hindi kayang kunin ang lahat ng kanyang inaasam? Wala naman dibuh?! DUUH! common sense lang yan noh! 

Pero paano kung ni isa sa mga katangiang yan ay hindi mo naman angkin? Edi syempre! Tiklop nalang sa isang tabi, nganga at mangarap ng gising! HAHAHA! =">

OO, ni isa diyan sa mga makapangyarihang katangiang yan ay hindi ko angkin. Pero hindi lang ako nakatunganga sa isang tabi. Natuto akong makihalubilo sa iba at makakilala ng mga totoong kaibigan. Okay naman ang buhay ko at tanggap ko na ang lahat ngunit nagbago ito ng makilala ko siya.

Isang lalaking sikat at kinababaliwan ng lahat. Nung una trip ko lang siyang asarin at biruin na mahal ko siya! Mga birung hindi naman talaga totoo. Mga birung nagawa dahil sa pagaakalang imposible ang mainlove sa taong ganun. Pero mali, sobrang MALI! Dahil hindi ko namalayang unti-unti na pala akong nahuhulog sa kanya. Nung una masaya pero sabi nga nila..

Sa pag-ibig, may mga oras na tayo ay masaya ngunit hindi nating maiiwasang malungkot, umiyak at masaktan.

Ano pa nga bang laban ko sa isang babaeng maganda, mayaman at sexy na first love ng taong mahal ko kung isa lamang akong hamak na mataba at pangit na babae? Tsaka, FIRST LOVE yun eh! FIRST LOVE TT^TT!  Pero teka....

WALA NGA BA?

Mali pero i admit, I ACCIDENTALLY FELL INLOVE WITH THE CAMPUS HEARTHROB.

Accidentally InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon