First

92 31 11
                                    

Dev's POV

It's started when I was in second year high school while he's in fourth year. At first, akala ko normal lang na magkacrush sa kapatid mo. Crush lang naman eh saka kapatid ko naman sya. Although, marami talaga akong crush sa school, yung iba niligawan ako so, dahil crush ko naman sila, sinagot ko na. Di ko naman sila pinagsabay-sabay. Siguro every 3 months, palit boyfriend na ko. Kung minsan pa nga eh, wala pang 1 month. Oo na, ako ng maganda. Haha. Pero Hindi naman ang kagandahan ko ang issue dito.. Eto na nga..

So ayun nga, 2nd year ako ng magkacrush sa kuya ko kasi naman ang gwapo nya, makulit din, ehem, hot, mabait, sweet, and caring. Then hanggang sa dumating yung time na nagseselos na ako pag may kasama syang ibang babae, naiinis ako pag may kausap sya. Yung ang sarap sapakin nung mga babaeng sinasama nya sa bahay everytime na gagawa daw sila ng project pero sa kwarto. Oo, nakakagigil lang, lalo pa nung nagcollege na sya, gabi ng umuwi tapos madalas pa na nakikita sya na may kasamang babae.

Crush ko sya noon, pero narealize ko na mahal ko na sya ngayon. Hindi lang bilang isang kapatid, higit pa dun. Alam ko namang mali kaya nga pinipigilan ko pa hanggang sa makakaya ko. Pero paano nga ba pigilan ang puso? Kung sa bawat tibok nito, kasama sya para mabuhay ako. Ang corny man pero totoo.

Minsan nga iniisip ko na sana ampon nalang ako o di kaya, di nalang kami magkakilala para hindi na ko mahirapan pa. Kelan kaya ako matatauhan?

"Hoy Devianna Ayesha Alcaraz, spacing ka na naman? Kasama pa ba kita? O kaluluwa na lang to?" sabi ni Cassy sabay sundot sa pisngi ko na ikinagulat ko kaya nahampas ko sya sa balikat.

"Hoy Devianna Ayesha Alcaraz, spacing ka na naman? Kasama pa ba kita? O kaluluwa na lang to?" sabi ni Cassy sabay sundot sa pisngi ko na ikinagulat ko kaya nahampas ko sya sa balikat

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ay ano ba teh! Masakit ahh" reklamo nya habang hinihimas yung part na nahampas ko.

"Sorry naman bru. May iniisip lang kasi ako." sabay peace sign sa kanya.

"Si kuya D na naman ba? Ay nako bru! Wake up. Magkapatid kayo. Di kayo pwede kaya akin nalang sya. Hahaha" at tumawa sya na parang mangkukulam. Medyo creepy.

"Heh! Maglubay ka nga! Eh kasi naman eh" napanguso ako. "Bakit ba kasi naging magkapatid kami? Pwede namang magkaibigan, magkaklase, magkapitbahay o kung ano pa man basta hindi kami related." napasimangot ako.

"Hay, bru! Ang laki ng problema mo. Magpaligaw ka nalang kasi ulit. Gwapings naman sila ah" pagmomotivate na sagot nya sakin.

Bakit nga kaya hindi ako magpaligaw ulit? Baka mawala na 'tong nararamdaman ko para sa kanya at madivert sa iba. Simula kasi nung magcollege ako, di na ulit ako nagpaligaw kasi sinabi ko sa sarili ko na magiging loyal ako. Tama! Yun nalang siguro, operation, balik panliligaw.

"Sa tingin mo gagana yun?" alinlangan kong tanong .

"Oo naman! Effective yan. Ganyang-ganyan yung mga nababasa ko sa wattpad ehh. Naiinlove din yung girl dun sa mga naging rebound. Haha"

"Push mo talaga ah? At sa wattpad mo pa talaga icompare ang problema ko. Duhh, nasa reality kaya tayo." Ay nako, kalalaking tao, ay beklush pala, hilig magbasa ng wattpad. Dinaig pa ko.

But I love HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon