Wish I Might Be The One-1

17 0 0
                                    

Maine's POV

"Ano masasabi mo sa mga lalaking nali-link sayo like Kristopher? May pag asa ba sila?" Ngumiti muna ako kay Iya at sa audience bago sumagot.

"Alam mo Iya,Nakaka-flattered naman ang sinabi mo. But as of now,hindi muna po ako tumatanggap ng manliligaw. Gusto ko muna po i-enjoy ang buhay ko." Nakakatuwa ang mga taong sumusuporta sa akin. Sana hindi sila magbago.

"Haha, Tama yan,Maine. Enjoy life! Well mag gagawin kang pelikula right?"

"Yes,May gagawin akong film but wala pa yung final cast so hindi ko pa siya pwedeng sabihin but I'll post naman yung mga details sa Twitter kung final na siya."

"Okay,Guys! Please let's give Maine Mendoza an applause for joining us today and for being our fastest rising star." Binigyan niya ako ng bouquet.

Buti naman at hindi hectic ang sched ko ngayon! Hay,Miss ko na ang dati kong buhay. Gala,Foodtrip kasama ang mga kaibigan ko. Makapagshower muna nga at matutulog ako! Pumasok na ako sa banyo at naligo. Hay ang sarap talaga sa pakiramdam pag naliligo ka!

"Kyyyyyaaaaahhhhh!!!" Hindi ko alam kung paano ko itatago ang sarili ko!

"Kyyyyyaaaaahhh!!" Sigaw din niya! Sino siya! Rapist?! No way! Akin lang ang bataan ko! Kay future hubby ko lang ito ish-share! Kahit nakahubo ako ay lumabas ako sa shower para tumawag sa pulis. Pero sa hindi sinasadya ay lusak pala ang sahig kaya dumulas ako at nadaganan siya.

"Kyyyyyyaaaaahhhh!!" Pareho naming sigaw. Sa sobrang pagkataranta ko ay bigla ko siyang masuntok. Kaya ayon nakatulog siya. Kinuha ko ang robe at lumabas ng banyo para tumawag pero nakasalubong ko si Ate Angelie,Ang Manager ko.

"Bakit ka sumisigaw?!" Natataranta niyang tanong sa akin.

"Ate! Merong rapist sa bathroom natin!" Sigaw ko sa kanya. Nako baka magising pa iyon!

"What?! Bilis kumuha ka ng dalawang baseball bat. Nang maresbakan nati iyon."

"Hindi ba natin itatawag sa pulis?"

"Nope Maine,Another news nanaman. So madadagdagan ang mga interviews mo. Do you want that?" Sabi ko nga kukuha na lang ng Baseball Bat.

"Okay, in the count of three papasok tayo. Tapos pukpukin mo sa tiyak. Ako sa tuhod okay?" Sabi ni Ate Angelie. Tumango ako.

"1..2..3!!!!!!!!Alden?!"Natigil siya sa pagsugod at binitawan ang baseball bat para puntahan ang rapist.

"No,Ate! Baka gising yan! Lumayo ka!" Nagaalala kong sabi sa kanya.

"No Maine,It's alright! Kilala ko siya! Kasama na natin siya sa bahay!"

"What?! Bakit? Sino ba siya?"

"Si Alden Richards! Hindi mo ba siya kilala?" Tinatapik ni Ate Angelie ang pisngi nung Alden para gisingin. Alden Richards? Sino iyon?

"Sino ba iyon Ate? Kapatid mo?"

"Baliw! Artista ito!" Narinig kong umugol yung lalaki. At nakita ko din dumilat na siya. Umupo siya at tumingin sa likod niya kung nasaan ako nakatayo.

"Ahh,Naalala ko na! That dimple! Yung laos na? Tama ba Ate?" Napangiwi si Ate sa sinabi ko. Pati din ako eh. Ano ba iyan Maine! Napakataklesa mo!

"What did you say?!" Parang biglang nagdilim ang paligid namin sa sama ng tingin niya sa akin.

Oh,oh... Dapat na ba akong magtago?

[A/N: Okay,Aldubfever! Wala lang trip ko lang ang personality ni Maine. Saka po walang magagalit duon sa 'Laos' Term ko kay Alden. Iyon lang po naisip kong plot eh. Pero fiction lang po ito. Okay?]

WRITTEN BY:Jajanelllllaaa

Wish I Might Be The One [ALDUB FANFICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon