THIRD PERSON'S POV
Pinirmahan nila ang bawat papel na naglalaman ng mga do's and dont's. Napairap naman ang dalaga at binata sa mga ginawa nilang policy. Pumalatak ang kanilang manager kaya umayos sila pareho ng upo at nauna na itong magsalita"Okay na guys? Since na-recite na natin ang mga policy natin sa isa't isa. So susunod naman ang consequence. Ako muna, If you disobey any of my rules kayo ang maglilinis, at mamimili ng mga foods natin sa market. Do you agree guys?"
"Ate naman eh! Wala akong alam sa pamimili?! Ikaw ang gumagawa nuon eh" Pagtutol ni Alden. Tumaas naman ang kilay ng kanyang manager kaya itinikom nalang niya ang bibig niya.
"Haha, Serves you right" Natatawang sabi naman ni Maine. Pinanlakihan naman siya ng mata kaya itinikom din niya ang bibig.
"Kaya nga punishment eh. Mahirap! At kayo! Isa pa na nakita ko o narinig na nag aaway kayo lagot kayo! Number 1 policy ko iyon!" Hindi na talaga alam ng manager ang kanyang gagawin para magkasundo ang dalawa.
Ngayon ay pareho na sila tahimik at naka-upo ng maayos "Yan, Ganyan! Oh diba? Peaceful? Baka kayo pa ang gawing peace ambassador ng States?" Hindi lang sila maka-angal pero sa loob loob nila ay gusto na nilang patayin ang isa't isa.
"Ikaw Maine, Ano sa iyo?" Tanong ng Manager sa dalaga. Ngumiti naman ang dalaga sa kanyang manager at nagsalita.
"Sa akin naman ay pwede akong humiling maski ano duon sa lalabag maski isa sa mga rules ko." Tiningnan niya ang binata at ngumisi. Napayukom naman ang binata.
"Pero isang wish lang" Suwisyon ng kanilang manager.
"Then so be it, One wish"
"Alden,Ikaw?"
"Ako? Ililibre ako nang kahit anong gusto kong pagkain at siya mismo ang bibili nun! Okay lang ba?" Tumango naman ang manager hudyat ng pagpayag.
Pero narinig niyang parang may bubuyog sa tabi nila. Tinignan niya si Maine at narinig niya ang huling sinabi nito "Patay gutom talaga! Tsk!"
"Buti nga yan lang parusa ko eh! Napaka-choosy mo pa!"
"Hep! Tama na! Okay, mayroon na tayong kasunduan so magsisimula siya ngayon." Tumayo na ang manager at pumanik sa ikalawang palapag.
Natira na naman silang dalawa. Nagsukatan sila ng tingin. Naunang humiwalay ng tingin si Alden "Maka-alis na nga!"
Nagmake face nalang si Maine at pumanhik na din sa kwarto niya.
Buti na lang at day off niya ngayon para makapag-pahinga siya. Pumunta siya sa kusina para sana kunin ang lasagna na galing pa sa bulacan, gawa ng tita niya. Excited na siyang matikman uli ang Lasagna ng tita niya. Hinanap niya ulit sa mga layer ang Lasagna niya pero wala.
"Hala? Nasaan iyon?" Sabi niya sa sarili niya. May naamoy siyang putahe sa dirty kitchen nila. Kaya pumunta siya doon.
"You--you--!" Dinuro-duro niya ang nagluluto.
"Oh,Gusto mo? Lasagna with tuyo? Masarap! Kaso hindi ko alam kung kanino" Sabi ni Alden habang sarap na sarap sa kinakain.
"You jerk?! Bakit mo yan kinain?! That's mine! Patay ka sa akin!" Lumapit siya sa binata at pinagsasabunutan ito.
"Anak ng--Aray! Buhok ko! Aray!" Nagsisigaw si Alden dahil sa pagkaka-higpit ng sabunot ni Maine sa kanya.
Nagmamadaling bumaba ang manager nila. "Bakit?! What happened?! Oh my God! Alden! Maine bitawan mo si Alden!" Inawat na ito ng manager. Buti at nagpa awat amg dalaga.
"Ate Angelie! Kinain niya yung Lasagna ko! Papatayin ko siya!" Ngayon ay panay ilag na ni Alden.
"Tumigil kayo!" Kaso hindi mapigilan si Maine.
"Maine! Sabi ko tigil na!" Kaso parang walang maririnig si Maine.
"I said stop that!!!!" Duon lamang siya natauhan.
"Siguro kailangan ko na kayong gamitan ng dahas" masama ang tingin ni Angelie sa dalawa.
Hindi maganda ang feeling nilang dalawa sa iniisip ng kanilang manager.
WRITTEN BY:Jajanelllllaaa