Prologue.

67 4 9
                                    

Pangarap. 

Salitang hindi ko kinilala. Salitang kahit kailan hindi ko pinagtuunan ng pansin. 

Ano bang pakiramdam ng maabot mo ang pangarap mo? Kahit kailan kasi hindi ako natutong mangarap. Para saan pa!? Wala namang nagpapalakas ng loob ko. Wala namang sumusuporta sakin. 

Pamilya?

Oo, meron akong pamilya na halos isumpa na ako. Meron akong kinikilalang pamilya na walang pagmamahal sakin. Sinusmpa nila ako samantalang pinagdarasal ko naman na mawala na lang sila sa buhay ko. 

Para sa kanila wala akong kwenta. Bakit, kahit kailan ba nila naisip nila kung ano ang halaga ko? HINDI! DAHIL HINDI NILA AKO PINAPAHALAGAHAN. Sila!? Natanong na ba nila sa sarili nila kung meron silang kwenta?! Hindi nila naiisip na para sakin, WALA RIN SILANG KWENTA! 

Ayoko sa kanila! Kahit kailan hindi ko sila magugustuhan! Paano ko sila mamahalin, kung simula pa lang pinanganak ako hindi nila ako minahal!? Isa lang naman kasi akong PALAMON! PABIGAT! SAKIT SA ULO! Yan! Yan ang tingin sakin ng sarili kong pamilya! 

Hindi ganito ang pagkakilala ko sa pamilya! Hindi ganto ang inaasahan sa isang PAMILYA. 

Pamilya na dapat kakampi ko! 

Pamilya na dapat nagtataas sakin. 

Pamilya na dapat umaalalay sakin para magtagumpay ako. 

PERO HINDI! Kahit kailan hindi sila naging pamilya sakin!

Pero.... 

Ang pamilyang sinusumpa ko , pamilyang kinamumuhian ko at ang pamilyang nagpahirap sakin, sila pa pala ang dapat kong pasalamatan. 

Ang Ate ko. 

Isa sa pinakakinaiinisan ko.Minsan kakampi madalas kaaway at karibal. Siya naman kasi lagi ang tama! Siya naman kasi lagi ang magaling para kay Inay! Kaya ako hindi pinapansin ni Inay. Kaya ako ang kinamumuhian! Dahil si ATE lagi ang anggat!! 

Sinusumpa ko siya na sana mawala na lang siya para ako naman! AKO NAMAN ANG PANSININ! AKO NAMAN ANG PURIHIN! 

Pero hindi ako nag-iisip!! Hindi ako marunong magpasalamat at makuntento! Hindi ako maalam tumanaw ng utang na loob! 

Sana mapatawad pa niya ako, ang tanging naging kakampi ko. Ang ATE ko. 

---

Author's Note: 

Okay I know hindi po ito ung story na kagandahan. Hindi naman po ako magaling magsulat. Sinulat namin to dahil sa pagmamahal namin ng ate ko sa isa't isa. :) Naiinspire lang kami sa story na to. Pero gawa namin to! Walang movie, teleserye, libro o video na pinagkunan. Kami lang ang nag-isip. Sana pagbigyan nyo. 

Edited po ung prologue. Mali mali eh.Chapter na pala yung ginawa kong prologue. Sorry, kakasimula pa lang po eh. ^__^ Sana pagbigyan nyo po. :) 

Salamat ng madami sa inyo! :D Na nagbabasa. at nagcocomment at nagvovote xD 

JAM HERE! :) Isa sa Jamel Sisters! :) 

Thanks! God bless :*

XOXO = Jamel = :*

Sisters In VainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon