"Nay! Tama na po! Nay sorry na po! Ahhh!! Tama na Nay!!" pagmamakaawa ni Bea sa kanyang Inay.
Ngayon ibinigay ang card nila sa school at bumagsak na naman si Bea sa dalawang subject niya. Hindi na niya alam ang pag-aaral na kanyang gagawin para ipasa ang lahat ng subject. Laging ibinibintang sa kanya ng kanyang ina ang tungkol sa pag-aaral niya.
Hindi siya tamad mag-aral, sadya lamang hindi niya maintindihan ang itinuturo sa kanila. Pero higit sa lahat, wala na siyang ganang makinig.
Sino ang magkakameron ng ganang mag-aral kung sa tuwing mag-aaral ka ay nagagalit sila!? Sino ang magkakameron ng ganang mangarap kung simula pa lang ibinababa ka na!?
Pamilya ang tutulong sa lahat na matupad ang mga pangarap!? Kalokohan iyan para kay Beatrice Bianzon, isang 2nd year highschool.
Para sakanya, sarili lang ang makakatulong na mag-angat sa isang idibidual. Kahit kailan ay hindi niya naranasang mapuri! Kahit kailan hindi niya naransang IPAGMALAKI! Dahil siya, SIYA AY ISANG PABIGAT! ISANG PALAMON! ISANG PAHIRAP SA BUHAY! Yan ang tingin sa kanya ng kanyang pamilya. Wala siyang nagagawang tama para sa kanila! Isang PASAWAY at WALANG KWENTANG ANAK!
Kinalakihan na niya ang pangbubugbog na kanya Ina sa kanya. Tatlo lamang sila sa pamilya, siya ang kanyang nakakatandang kapatid na si Gracie at ang kanyang walang awang ina.
"Napakabobo mo! Ang hina ng ulo mo! Kailan ka ba mag-aaral hah!? Puro landi! Landi ka ng landi! Wala kang alam kung hindi ang manghingi ng baon! Maglakwatsya tapos ano!? Ano ang nakukuha mong grades hah!!" sigaw ng inay ni Bea sa kanya habang nilalambtik siya ng sintron.
Pasa-pasa na ang kanyang braso, binti, puwentan at likod dahil sa madalasang panghahampas, pamamalo at pambabato ng kanyang ina sa kanya. Wala siyang magawa kung hindi ang umiyak na lang. Wala naman siyang magagawa eh! Isa lang siyang 2nd year highschool. Kakasimula pa lang ng school year niya ay bumagsak na agad siya sa card na para sa First Quarter. Hindi niya sinasadya kung hindi siya magaling sa dalawang subject na iyon dahil nag-aaral naman siya, hindi lang niya talaga makuha.
"Nay! Tama na po! Nay! Sorry na po!!" sambit niya kasabay ang bawat hikbi na may halong sakit at galit. Lagi na lang ganito! WALA NG PINAGBAGO!
Nagulat silang mag-ina ng bumukas ang pinto at pumasok ang kapatid niyang si Gracie. Nakauniform ito galing sa trabaho at halata ang pagod sa lamlam ng mga mata nito.
"Ohh Ano na naman to inay!?" galit niyang tanong at hinila ang umiiyak na si Beatrice.
"Eh paano yang kapatid mong bobo bagsak na naman! Walang Kwenta!!" sagot naman ng inay niya.
Tiningnan ng matalim ni Gracie ang ina at tiningnan ang mga tama ng sintron sa katawan ni Bea.
"Bea umakyat ka na sa kwarto. Susunod ako. Sige na" malambing niyang sambit sa kapatid. Sumunod naman si Bea at umakyat sa kwarto nilang magkapatid. Humiga siya sa kama at niyakap ng mahigpit ang paborito niyang unan. Umiyak na lang siya ng umiyak.
"Nay naman! Wag nyo naman ganunin si Bea. Nag-aaral naman yun eh!" sambit na naman ni Gracie sa ina at umupo sa sofa nila.
"Nag-aaral!? Eh nakita ko nga yung may kalandiang lalaki sa plaza kahapon!" sagot ng ina habang nakapamaywang
"Sino yung lalaking matangkad na maputi!? Si Troy? Kilala nyo ba yun!? Matalik yung kaibigan ni Bea simula bata pa lang siya. Palibhasa hindi niyo kilala yung tao!" sagot niya at saka tumayo.
"Hoy Gracielle! Huwag mo nga akong masigawsigawan!!" sigaw ni Leonor, ina ni Gracie at Bea.
Hindi na ito pinansin ni Gracie. Pumunta na siya sa kusina at kumuha ng Ice cubes para sa sugat ni Bea at juice na ipapainom sa kapatid. Nilagay niya ito sa tray at umakyat sa kwarto.
"Bea" malambing niyang tawag sa kapatid habang binubuksan ang pinto. Naabutan niya humihikbi ang kapatid na nakatalikod sa kanya. Ipinatong niya sa side table ang tray at kumuha ng facetowel sa closet nila.
"Bea halika gamutin kita." sabi niya sa kapatid. Nilagyan niya ng ilang ice cubes ang face towel at pinulupot ito. Umupo si Bea at humarap sa kapatid. Pugto pa rin ang mga mata niya at humihikbi pa rin siya dulot ng sobrang pag-iyak.
"Uminom mo muna to" sambit ni Gracie at iniabot ang juice sa kapatid, agad naman itong kinuha ni Bea.
"Bakit ka bumagsak Bea?" tanong ni Gracie at idinampi dampi ang face towel na may yelo sa mga pasa ni Bea.
"Aww!.. Ahh, hindi ko alam Ate. Nag-aral naman ako eh." sagot naman ni Bea
"Wag ka munang lumapit kay Troy"
"Ano!? Bakit naman!! Ayoko nga! Bestfriend ko yun eh!!"
"Sundin mo na lang."
"Ayoko ngaa!!!!"
"Bea!!" sigaw ni Gracie na may halong pagbabanta.
"Bakit ba ate!? Pati ba naman si Troy!? Ano bang masama pag malapit ako kay Troy!!?? Bestfriend ko yun! Kababata! Tapos gusto mong layuan ko!? Nasisiraan ka na ba!?"
"Hoy! Wag mo nga akong masagot sagot!!" sigaw ni Gracie sa kapatid
"Eh gusto kong sumagot eh! Pati si Troy idadamay mo!!"
"Tumigil ka sa pagsigaw mo! Makipag-usap ka ng maayos!!" napatayo si Gracie sa inis at tinigil niya ang pagpupunas sa kapatid. Inilagay ni Bea ang juice sa lamesa at tumayo upang harapin ang kapatid.
"Bakit!? Kapag ba maayos akong nakikipag-usap iniintindi nyo!? Diba hindi!? Lagi naman nyo kasi akong pinagtutulungan ni Inay eh! Lagi na lang kayo ang tama!!! Wala akong kwenta diba ate!? Bobo ako diba!? Kasi wala kayong pakialam sakin!!! Kagaya mo! Hindi ka naman nakikinig sakin! Gusto mo ikaw lagi ang masusunod! Pati ba naman si Troy!!?" galit na sagot ni Bea sa nakakatandang kapatid.
"Bakit ayaw mo na lang sumunod!? At wag mo akong masagot sagot! Ate mo ako!!!" pagtitimping sagot ni Gracie.
"Ayan! Tingnan mo! Gusto mo sumunod na lang ako lagi! Ate!? Hhhmm! Sana nararamdaman ko!"
"At bakit hindi mo ba maramdaman!? Lahat ng ginagawa ko para sayo!!" nanginginig na sagot ni Gracie.
"Lahat ginagawa para sakin!? Talaga lang hah!? Hindi para sayo ang lahat ng ginagawa mo! Para sa sarili mo!!!"
*PAK!
Isang sampal ang sinagot ni Gracie sa kapatid. Nanginginig siyang lumabas ng kwarto at ibinagsak ang pinto.
"Aaaaaaaaahhh!! Sinusumpa kita Ate!!! Kayo ni Inay!!!" sigaw ni Bea at binato niya ang mga unan sa may pinto sa sobrang galit at inis niya.
---
Authors' Note:
Ohhmyy! Ang drama ng chapter 1 neto! xD Maawa't mahabag! Pagbigyan nyo ang storya namin ^___^
Hey! Jam here! ^___^ Thanks for reading. Vote and Feedbacks naman diyan! ^___^ Follow us if you like!
GODBLESS SENYO! Till the next chapters! Hindi na ako! Wahahaha.. You'll meet my sister! :))
THANKS! :D
XOXO = Jamel = :*