"Tick tock tick tock"
Ang sabi ng orasan. Kanina pa yang leche nayan eh.. nakakasawa nang pakinggan. Psh! Gusto ko pang matuloooog.. :(
Pero sige na nga, gigising nako. Umaga naman eh..
Bumangon nako nang padabog sa Bed ko at kumuha na ng twalya. Tae! Nakakasawa na yung ganitong pabalik-balik na buhay. -_- tsk!tsk!
By the way, enough muna jan sa pag-describe ng mga ginagawa ko.
I am Kirsten Mae Martinez. I'm purely a Filipina girl pero lumaki sa lugar na kung saan wala ka :D dejoke. Sa L.A California ako lumaki.
I am a transferee at Lazaro's University kasi bigla kaming nag-migrate since patay na si papa. I mean, hindi pala sya patay, pinapatay lang namin sya sa isip namin kasi iniwan nya kami para sa babae nya. Leche sya!
Kung tatanungin nyo ko kung nagkaka-boyfriend na ba 'ko o hindi, well SYEMPRE naman noh! Sa ganda kong to. Pero nang dahil nga naman sa mga haliparot na mga Linta, eh iniwan ko sya! Pare-pareha lang silang mga lalake. Mga Babaero! Hindi marunong makuntento. Mga walang hiya. *sigh* nakakapagod nang magsalita.. maliligo na 'ko.After kong maligo, syempre nagbihis ako. Kumain at nag-toothbrush. Tas yun, umalis na. Di nako nagpaalam kila mama. Tulog pa eh. Kaya alam nyo na kung sa'n ako nagmana.
Pagdating sa School~
"Oy Bata!" Shit! Nandyan nanaman si manong guard. Ano nanaman kayang kasalanan ko?"Manong, di na po ako bata! -_- at tsaka, wala naman akong kasalanan sayo ah. Ano nanaman ba?" Sarap kalbuhin netong guard na 'to eh.
"Nasan ID mo?"
Bigla akong tumingin sa uniform ko. Wala nga pala akong suot na ID. Halaaa!!! BAKIT KO NAKALIMUTAN YUUUUNN??? :o"Ahhh... manong... Hihi."
"Ano?"
"Ahm, ano kasi eh...." ano ba Sten, mag-isip ka ng palusot. "Ahhh.. AY! Manong, may teacher po oh.!" Sabay turo dun sa likuran nya na which is wala naman talagang teacher.
"Bata, laos nayan. Uwi na sa bahay nyo kung wala kang ID. Alis na Bata!" Eto talagang matandang to!!! Ginagalit ako!!
At dahil wala akong magawa, umalis nalang ako sa harapan nya.Lakad... Lakad... Lakad...
Ayun! May naisip rin ako. Dadaan nalang ako sa kabilang Gate nitong school. Wala namang nagbabantay dun eh. :) ayos! Ang talino mo talaga Sten! AJA! hihi.Nagpunta na 'ko sa backgate ng skwelahan. At pagdating ko dun, Yehey! Sabi ko na nga ba walang nagbabantay dito eh! Ang talino ko talaga! ;) Lalakad na sana ako para pumasok pero....
"Aray! Kabayo!" Leche! Pati ba dito may manggugulo?
"Ay sorry."
"Sorry? Excuse me.." sabi ko dun sa lalakeng... waaahhh!!! Ang gwapo! Pero hmp! Mas maganda 'ko kaya tatarayan ko to.
"Oo sorry."
"Sorry lang? Pagkatapos mo kong mabangga? Ganun ganun na lang yun? Pano kung nagasgasan ako? Mababawi mo pa ba yung sakit na ginawa mo?" Pagkatapos kong sabihin yan eh ganto reaksyon nya..
O.o ganyan. Walang hiya! Wala man lang response. Wala ba syang load? Ay tae!"Miss, di ko alam drama mo pero aalis nako. Sorry ulit." At yun, umalis na sya!
Pampanira ng araw! Mga lalake talaga! Psh! -_-Pumunta nako sa room.
BINABASA MO ANG
Siya O Siya?
De TodoA/N: walang Prologue prologue :D haha. Basta basahin nyo na lang.. nakakatawa to promise ★