Stuck In The Moment (One Shot)

141 5 1
                                    

Hi ako si Maan. Nerd. Matalino. Book lover. Hindi ako yung tipo ng isang lalaki. Feeling ko, kahit isang quality, WALA. Never pa akong nagka-lovelife.

Nasa canteen ako ngayon, malamang kumakain!

Yung nasa next table? Si Ranz kasama ang Chicser. Ultimate crush ko yun pero, guess what? Nagmo-move on na ako dun. Wala din naman pag-asa eh diba? Sobrang sikat. Ang dami pang mga magagandang babae ang nalilink sa kanya.

*PE TIME*

Nasa field kami kasi freeplay. Wala din naman kasi akong kasama at kalaro kaya naupo nalang ako sa bench. 

And, wait, si Ranz na naman! Nakita ko na naman siya. Ayun, naglalaro ng soccer. Paano ba ako makaka-move on nito? Yung kapag makikita mo ulit, babalik na ulit feelings mo. Arrgh!

Nagheadset nalang ako para di masyadong boring.

Nowplaying: Lapit by Yeng constantino.

"Maan!" -may tumawag sakin. OMG! Si Ranz!

"Ranz!"- masaya kong sabi sa kanya.

Tumakbo kami palapit sa isa't isa. Parang slowmotion yung pagtakbo namin. Malapit na! Ayan na si Ra--

*BUMP*

"A-aray.." -tinamaan ako ng bola! Sakit! Headshot pa! 

"Oops!" -sigaw ni Owy at lumalapit sakin ang...Chicser?!

WEW WEW WEW!

"Panira ka tol, ang saya saya ata ng pagda-daydream niya eh!"- Cav to Ranz

"Narinig ko ngang sinabi niya ay "Ranz" habang hawak ang ulo niya. HAHA! Yiee! Ranz ka pala!" - sabi sakin ni Oliver.

"D-di ahh!" -depensa ko. Sinabi ko ba yun?!

"Nauutal siyaaa! Uy tol, magsorry ka na!" - Ully to Ranz

"Oo nga pre. Tsk tsk!" -Biboy to Ranz

Nagda-daydream lang pala ako! Gusto ko magsalita pero di ko kaya. Parang umuurong ang dila ko. Gusto kong tumayo at umalis dahil nahihiya ako pero, di eh. Stuck in the moment..

Lumapit sakin si Ranz.. 

"Uhm, miss.. Sorry miss! Di ko sinasadya. Ito kasing si Owy lagi nang nanulak!" -napakamot pa sa ulo si Ranz. Nahihiya ba siya?

"Ahh hehe.. Okay lang." -kinikilig ako, deep inside. OMG. Relax ka lang Maan ha. Wag magpahalata.

"Dinamay pa ako oh! Ranz naman eh!" -nagpout pa si Owy. Hangkyut!

"Namumula ka oh? Sure ka ba na okay ka lang? Dalhin kita sa clinic kung gusto mo." -Ranz

"Tol, namumula yan sa kilig!" -Owy talaga! Ang kulit. 

Nag-"Yieee" naman ang buong Chicser except kay Ranz na nakatungo lang. Anong nangyare dun?

"Di kaya! Ganito lang talaga ako! Di ako kinikilig!" -palusot ko. Sana effective.

"Hmm, sige. Sabi mo yan ha. Tara na boys."- Ranz

"Bye Ms. Kiligers!" -sabi sakin ni Owy sabay wave. Tawanan silang lahat.

*Library*

Book lover ako kaya favorite ko itong tambayan.

Biglang umingay ang library kaya napatigil ako sa pagbabasa. Nakita kong pumasok ang Chicser dito sa library. Kaya naman pala.

"SHHHH! QUIET!" -saway ng librarian namin.

Pumunta sila sa table ni Trisha Lim. Bestfriend ko yan noon. Siya pa nga ang nakakaalam ng secrets ko at feelings ko about kay Ranz. Pero di na kami close niyan ngayon.

Stuck In The Moment (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon