Entry #1
Di ko alam ang ginagawa ko. Mukha akong timang dito pero syempre gwapo pa din. New year na new year nagmumukmok ako't nagsusulat dito sa kwarto ko habang sila nagpapakasaya. Nagiinuman. Nagtatawanan. Nagsisigawan. Nagtatalunan. Nagkakantahan. Kumakain. Ni hindi nila ako pinagkaabalahang tawagin. Oo nga naman. Di nga pala nila ako kapamilya. Pero sana naman diba, WAG NILA AKONG ITULAD KAY HARRY POTTER!
Entry #2
Katatapos ko lang maghugas ng mga pinagkainan nila. Nakakahiya, hindi man lang nagtira para sakin. Bago sila matulog, ginising pa nila ako para paglinisin. Badtrip talaga! Kung may pera nga lang ako edi sana nakalayas na ko dito sa bahay ng tita ko. Kainis! Tss.Tanggap ko naman na ginagawa nila akong katulong eh, yung pagiging alipin lang ang hindi makaya. Oo na. Sila na nagpapatira sakin ng libre. Ah basta!
Entry #3
Pasukan na naman kanina. Nakaranas na naman ng exposure ang gwapo kong mukha. Tinilian na naman ako sa hallway. Kahit sa highway. De joke lang yung sa highway. =____= Minsan naisip ko, ganun ba talaga ako kagwapo? Kahit teacher ko...kinikilig sakin?
Entry #4
Isang week na pala ang nakalipas simula nung nagsulat ako dito sa diary ah. Tsk. Muntik na kasi akong mahuli nung kaibigan ko na meron akong diary. Aasarin akong bakla nun. Wala naman masama kung ang lalaki eh merong diary diba? Tss. Tapos aakusahan ka pang bading. Dafuq!
Entry #5
Pag-uwi ko kanina, nasusunog yung bahay. Buti nga. De biro lang. Sayang nga eh. Bukas na ulit ako magsusulat. Dumating na ang machine gun eh. -____-
Entry #6
Nakatanggap ako ng death threat. Nakasulat yun sa isang papel na nasa locker ko. Ayan tuloy, kanina pa ako kabang-kaba. Bwiset yung naglagay nun! Tsk! Malamang inggit lang yun sa kagwapuhan ko. Baka nga yung pinsan ko pa naglagay nun eh. Edi ako na walang kamaganak na nagmamahal!
Entry #7
Pansin ko lang, puro hinanakit sa buhay tong mga pinagsusulat ko dito ah. Ganun ba talaga kamiserable ang buhay ko? O sadyang madrama lang ako? Hay nako. Naalala ko nanaman yung babaeng sumampal sakin NG WALANG DAHILAN! Bwiseeet! Di ko naman kilala yun! Ganito ba talaga ako kagwapo kaya kahit ano na lang gagawin ng mga babae para mapansin ko sila?
Entry #8
Nagpasalamat ako ng sobra-sobra kanina. As in umaapaw ang kaligayahang nararamdaman ko! Hinalikan ako sa lips nung campus princess namin kanina! Sa harap pa talaga ng mga manliligaw niya!
Entry #9
Badtrip yung entry #8, panaginip lang pala. +____+
Entry #10
Kinulong ako ni tita sa banyo. Wag daw akong lalabas hangga't hindi ko nalilinis ng todo-todo yung cr. Badtrip ulit.
___________________________________________________________________
Author's note:
Inspired kay Aril Daine eh. Haha
BINABASA MO ANG
Gwapo ako! [Ongoing]
Non-FictionDiary ng gwapo! Este KO pala. Oo nga. Gwapo ako. Sobrang gwapo. Naguumapaw. Di na matantsa. [Basahin na ang kalokohan na ito. Hahaha.]