Entry #21
I was shocked when I saw my cousin, the one who layas-layas, the son of auntie machine gun, the epic blackmailer, the loser, the echos, the eklavu, the chuchu, the...the...wareber!
Entry #22
Hahaha! Ang galing kong mag-english grabe! Idol ko na sarili ko! Conyo at pang bakla. Hahaha pero di pa ko bumibigay. Eh kasi naman! Narinig ko yung pinsan ko na may kausap sa cellphone. Ganyan magsalita! Hahaha all this time akala ko naka-buntis kaya lumayas at nagtatago eh. Yun pala bumigay na! Hahahahaha! Ngayon ko lang na-explain kasi di ako maka-get over nung araw na yun eh! Hahahaha!
Entry #23
Inutusan ni tita si Inday na bumili ng Datu Puti suka sa tindahan ni Ate Bebang. Kilala niyo naman si Inday di ba? Tsk. Narinig rin pala ni Whenzie na tinawag ako nung nanay niya na Inday. Ayun, inasar ako. Kinwento pa sa kaibigan niyang mukhang stranger. Tsk. Pagdating ko naman sa tindahan, grabe sarap langgamin! Si Ate Bebang at Kuya Nic kasi, "Bebs, kainiin mo to oh." "Eh bebs, yoko niyan." "Bebs, isa pang ayaw itatakwil ka na namin ni Art!" "Hoy kayong mag-bebs dyan, wag niyo kong dinadamay." "Sensya nak, ang arte kasi nito ni bebs!" "Ako pa ha!" Pinagbilhan naman ako ni Pareng Art ng suka kaya nakaalis na rin ako sawakas.
Entry #24
Ilang weeks simula nung nilanggam ako dahil dun sa tindahan. Di pa rin umuuwi yung pinsan ko kaya tuloy parin ang serbisyo ng tanod pangkalawakan.
Entry #25
Ganun pa rin. Boring.
Entry #26
Nakasalubong ko na naman si Lorna sa hallway. Inabot niya sakin yung isang box. Nung tinignan ko, UNDERWEAR NA PANG-BABAE! Tinanong ko siya kung para san yun. Hindi sinabi basta ibigay ko lang daw sa pinsan ko. Now I know! XDDDDD
Entry #27
Sunday ng gabi, naabutan ko yung pinsan ko na may kausap na lalaki. Patuloy pa rin kasi ako sa pagpapatrolya. Nageenjoy nga ako kasi naman, una, di na ko inuutusan sa bahay, walang sermon, walang Harry Potter Style, nakakapaggala, at...nakikita ko yung mga kabaklaan ng pinsan ko! HAHAHAHAHAHAHAHA! Binigay ko sa kanya yung box, lagi ko kasing dala. Ay di pala muna, tinanong ko muna siya kung bakit siya binigyan nito ni Lorna. Nung una ayaw pang umamin. Pero ng magtagal, umamin rin. Sabi niya, "ARGH! Di ko ney keribels ang magpanggap! Ok! Imma gay! Now, gimme that box and I wanna wear that cute and adorable underwears!" At dahil sa gusto ko ng tumawa, binigay ko na. Lumayo ako ng konti saka...TUMAWA! HAHAHAHAHAHAHAHA!
Entry #28
Shet.
Entry #29
Mababangga ako ng truck! Eh bakit ba! May super powers ako kaya kahit mababangga na eh nakakapagsulat pa rin ako sa diary! "Oy gwapo alis diyan!" sigaw ni pinsan. At yun....
Entry #30
Namatay ako. Joke lang. Di pa ko ready no! Yung pinsan ko yung nabangga. Nagpreno yung truck at nasagi ng konti yung pinsan ko. Nagpapaka-hero kasi. Eh dahil nga bumigay na, ayun ang OA na. Nagpatawag pa ng ambulansya. -____-
--------------------------------------------------------------------------------------------------
Author's note:
HAHAHAHAHAHAHAHAHA! Dedicated sa pamilya ko. Hahahahaha!
BINABASA MO ANG
Gwapo ako! [Ongoing]
Non-FictionDiary ng gwapo! Este KO pala. Oo nga. Gwapo ako. Sobrang gwapo. Naguumapaw. Di na matantsa. [Basahin na ang kalokohan na ito. Hahaha.]