Regrets

110 5 2
                                    

♥♥♥♥ChapterSIX♥♥♥♥

The Wedding Day

Rachel's pov

Ito na dapat ang pinakamasayang araw sa buhay ng isang tulad kong babae, ang araw na maikasal sa lalaking pinili kong makasama sa habambuhay..,

Dapat...

Pero bakit hindi ko magawang maging masaya?

Ayaw tumigil ng pag-agos ng luha sa aking mga mata. Jusko sana wag itong mapansin mamaya ni Dad.

Narito ako pinanunuod ang mga abay namin ni marvin habang naglalakad ng napakabagal papunta sa altar.

Buti pa si ate 'sang at kuya earl; best Kier at ferna; and si bert at shen...

Nagawa nilang matagpuan ang isa't isa at ngayon masayang masaya na sila.

Wahaha, di ko maiwasang matawa..buntis kasi ang tatlong ka-cheese it ko. Si ate 'sang 2months sa 3rd baby nya, si shen 6months at si ferna 4months na. Haaay. Ang bilis ng oras.

Parang kahapon nga lang ako at 'yang made-of-honor kong si Shervill e highschool pa lang. Magkasabwat sa mga desperate plan para mapansin kami ng 2 cute vocalist ng official band ng MCA, ang RocosBoys. Handang makipag-sabunutan makapasok lang sa studio nila mr.cupid at marvin. Hahaha, pero ngayon, international model slash dress designer na itong loka! Nakakatuwa talaga.

At sino ba namang mag-aakala na ako at hindi pala sya itong mapapangasawa ni marvin? At lalong hindi ko kailanman naisip na babalik pala sya dito sa pilipinas para lang maging love interest nung si mr.cupid. Haaay talaga..

"anak, tayo na." si dad at nagsimula na kaming maglakad papunta sa altar kung saan nakatayo ang lalaking mapapangasawa ko kasama ang lalaking pinakamamahal ko.

Marvin's pov

Ito na ang pinakamasayang araw sa buong buhay ko, ang araw na ikakasal ako sa babaeng pinakamamahal ko. 3 taon akong nangligaw at 5 taong naghintay. Sa 5 taong iyon, nagpanggap si rachel na mahal nya rin ako. Sa 5 taong iyon, nagpagamit ako sa kanya habang sya naman ay umaasang mapapansin at mamahalin ng taong mahal nya. Sa 5 taong iyon, nagtiis ako at dumating din sa puntong sinubukan kong hanapin ang taong para sa akin. Pero sa 5 taong iyon, sya lang ang tinibok at patuloy paring tinitibok ng puso ko. Sa 5 taong iyon, umasa ako ng katulad nya kaya ngayon, masayang-masaya ako dahil hindi lang sa 5 taong iyon, kundi habang buhay ko na syang makakasama. Pero tama nga bang ituloy ko ang kabaliwan kong ito? Paano naman sya?

"cos marvin ang ganda ng bride noh? Congrats cos." mr.cupid. Sya nga pala ang napili kong bestman, ang bestfriend ko. Parehas kami nakatayo dito sa may altar at pinapanuod ang dahan-dahang paglakad ni rachel at ng dad nya.

"cos marvin, e di super perfect ka na talaga. Ingatan mo si best rachel ha, diba cos?" si kier sabay tapik-tapik sa balikat ni mr.cupid.

Best, i can see that regrets and pains are hiding in your eyes but i can't do anything. Gusto ko na sanang aminin sa'yo ang lahat bago itong kasal pero pinigilan ako ni rachel e. Sabi nya masaya na daw kami pero alam kong magsisimula palang kaming maging masaya kung dumating na ang araw na matutunan nya rin akong mahalin. Best, i'm willing to let her go. I can choose to not be with her eventhough i love her more than anything in this world, if i'll be sure she'll be happier as well as my bestfriend. Pero mukhang nakapagpasya na sya. Then, i'll be the happiest man and i'll promise to love and cherish her til death do us part. Sorry cos.

"congratulations hijo. Ingatan mo ang anak ko." sabi ng dad ni rachel sabay kamay sa akin at ibinigay ang kamay ni rachel.

Dubdubdubdubdubdub..

She Made A Cupid Cry (Tagalog Short Story) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon